Chapter 55

4 0 0
                                    



Gusto ko magbakasyon. Umiiyak ngayon yung utak ko kase di na ako natutuwa mag-internship pero hindi ako pwedeng tamarin kahit na nakakatamad naaaa!

I sigh.

"Why?" Naalala ko nandito ako sa office ni Frances dahil breaktime at sya naman ay may inaasikaso kaya busy sya sa laptop niya.

"Tinatamad ako." Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa couch tapos nag-pout ako sa kanya. Di ako makapaniwalang nagpapa-cute na ako ngayon, parang wala naman akong history nang ganito.

"Nakakatamad nga naman talaga." sabi niya tapos tutok na tutok pa din sya doon sa ginagawa niya. "Kaso we're facing our next level na kaya hindi pwede." then he made a tired face tapos bumalik sa pagiging seryoso. Natawa naman ako.

"Ay..." tumayo sya tapos tumabit sakin sa couch tapos may dala syang envelope.

"I'm inviting you to my graduation." sabi niya. Tinanggap ko naman yun.

"Uh..." si kuya Crae, kuya Crei, at CC ay ga-graduate din kaya meron na talaga akong invitation dahil automatic family kami.

"I know... but... I still want you to have it, wala din naman akong i-invite other than family so... keep it." sabi niya. Tiningnan ko yung invitation, may pangalan niya... Frances Sylvester Leopuerte's guest. Aww... sarap naman non special.

"Thank you!" I kiss his cheeks tapos hinalikan naman niya ako sa labi ko. It was hot, hindi ko hinayaang lumalim yung halikan na yun mahirap na, isa pa, dalawa lang kami sa room na'to. Oh em...

"You're welcome. Aattend din ako ng graduation ball. As much as I wanted to invite you, I can't cause it's exclusive for seniors only."

"Gets ko naman. Mag-enjoy ka na lang doon."

"We will."


HAPPY GRADUATION DAY!!! 

I wore a simple dress in a shade of mint, gawa sa satin at organza ang tela, it was so comfy, medyo naka-fluff yung sleeve, and flowy hanggang tuhod ko. I am also wearing heels around 2 inch, naka-ponytail lang ang buhok ko since mahaba-haba na sya tapos kinulot lang ni Yen yung dulo. Light make-up lang like always. May dala lang akong clutch bag. Napatingin ako sa regalo sakin ni Craeyan na nakapatong sa table ko. Natawa naman ako kase magkikita pa kami today. The very last time. Ilang beses na ba nya nasabi yung last time? Matapos akong ayusan ni Yen ay umalis na sya. I gave myself time to relax habang hindi pa kami umaalis ni lolo para magpunta sa venue kung saan ang graduation ceremony.

Nakarinig naman ako ng katok.

"Ms. Cerii, hinihintay na po kayo ng lolo niyo." rinig kong sabi ni Yen. Wala si Lin dahil umuwi sya sa probinsya niya kaya si Yen lang ang kasama ko pag nag-aayos. Kailan pa ako naging dependent sa kaniya??? HAHAHA

"Okay, bababa na ako." I checked myself in the mirror baka may kulang pa, kumpleto na din naman na ako sa accessories, I'm good na. Tumunog ang cellphone ko indicating na may nagchat.

Sylvester: See you later babe.

Napangiti naman ako. Nag-reply lang din ako ng see you later babe... ang arte... umiling-iling ako at bumaba na, naghihitay nga sakin si lolo sa labas. Tinitingna niya ang magandang panahon. Maganda nga naman ang sikat ng araw araw ngayon, umpisa na din ng summer kaya medyo umiinit na ang panahon.

"Lolo." sabi ko.

"Ow, apo ko. Ang ganda mo parang mama mo."

"Thank you po." Naka-suit naman si lolo like his normal get-up. He's a classy person. "Kayo din. hihi."

The BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon