...the only thing that we normally decide not just for love but also in life is the same...
Destiny.
=============================================================================
Inikot ko ang first floor pero hindi ganun kalakas ang music kaya nag-desisyon akong umakyat ng second floor kung saan mas lumakas ang tugtog.
Paano nga naman ba ako matatakot kung paborito kong classics ang tinutugtog niya, it was way too perfect, kuhang-kuha nya ang Nocturne op. 9 no. 2 ni Chopin. Ito ang pinakapaborito ko dahil ito ang pinaka-unang tinuro sakin ni papa sa piano.
Nilibot ko ang second floor pero mukhang hindi din dito kaya nagdesisyon akong umangat pa hanggang sa third floor. Lumakas na... mas malinaw... Tinungo ko ang dulo ng hallway kung saan ko naririnig ang music hanggang sa huminto ako sa harap ng bintana at sa kanan nito ay ang pintuan na para bang naka-tago. Tiningnan ko ang pinto at nakita ko ang kahoy na label ng room "Music Room".
Dito ang music room? Sa building nato?
Teka sandali... hindi pwede yun, si Frances kaya yung main star nila. Baka ito yung dating music room? Pero bakit may tumutugtog?
Di ako mahilig sa multo ahh.
Pero ang relaxing... mahangin kasi sa labas tapos makikita mo yung sunset color ng langit... parang napaka- perfect ng tugtog para sa panahon. Naalala ko yung mga panahong tinuturuan pa lang ako ni papa sa piano, my dad is a really good pianist. Hindi niya ako patatayuin pag hindi ko nakukuha yung isang parteng yun ng isang piece. He was a great teacher and a very good father to me.
Napangiti ako sa memories.
Napatulala ako nang makuha niya ng perpekto ang huling parte ng kanta hanggang sa tapusin na niya ito. Perfect. Parang naririnig ko si Chopin mula sa loob.
"You know I want you
It's not a secret I try to hide
I know you want me
So don't keep saying our hands are tied"Nagulat ako nang may kumanta ng acapela, lalake, naka-mic dahil sa reverb na tama lang para sa boses niya.
"You claim it's not in the cards
But fate is pulling you miles away
And out of reach from me"Huminto sya sa pagkanta, ngayon ko lang narinig ang kantang yan. Music lover ako at aaminin ko hindi lahat ng kanta alam ko, pero kung pianist sya at pianist ako, there's a possibility that we are sharing same thoughts.
Napasandal ako sa bintana na sira pero di maalikabok.
"Wait... tama yun na nga yung susunod... But you're here in my heart So who can stop me if I decide... decide what?"
Nakarinig ako ng piano keys. Piano... hindi kaya... nagko-compose sya ng kanta? Nagtatanong sya ng kasunod, may kasama kaya sya?
"You know I want you
It's not a secret I try to hide
I know you want me
So don't keep saying our hands are tiedYou claim it's not in the cards
But fate is pulling you miles away
And out of reach from meBut you're here in my heart
So who can stop me if I decide..."Kinanta niya ang first stanza ng acapela saka niya nilagyan ng piano sa second...
"Decide what?"
BINABASA MO ANG
The Bridge
Teen FictionCerium lost interest in life after her parents died in an accident. She was sent to live together with her aunt. She was enrolled in a prestigious school where she met the elites of a music club that would make her life run like a song and will lead...