Hey stranger who saved my life...
===========================================================================
Malaki nga talaga tong school kasi hindi ko kaagad nakikita yung mga gusto kong makita kahit na sikat sila at mukhang lagi din silang busy, para makaiwas na din sa gulo kung meron man, hindi na rin ako gaanong lumalabas ng room, may bonding naman kami ni Cana eh, ang kumain at uminom.
"Ms. Enriquez, pinapatawag ka daw sa guidance office."
Napatingin naman ako kay Cana na parang shock siya, para bang 'may-ginawa-ka-bang-masama' yung mga tingin niya sakin. Hindi na ako na-surpresa kasi suki naman ako doon, pero ano naman yun this time?
Wait... hindi kaya... OMG ... baka sinumbong ako dahil sa nangyari kay Lilania ilang araw nang nakakalipas, pero wait, bakit ngayon lang?Imposible naman yung naiisip ko.
Habang nag-lalakad ako papuntang guidance office ay iniisip ko talaga kung ano naman ang kailangan sakin... wait... di kaya...
No! Erase! Bulag lang sya at wala nang ibang issue sa katawan niya... nakaramdam ako ng kaba...
Anong kailangan ni mam Vallarta? Is it a bad or a good news or an update? Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.
Naramdaman kong nanlalamig yung kamay ko tapos bumibilis din yung takbo ko. Yung feeling nung nangyari yung aksidente bumabalik sakin... pero na-ho-hold ko pa naman ang sarili ko.
Nang makarating na ako ng Guidance office, hindi muna ako kumatok, kinompose ko muna yung sarili ko bago ako kumatok pero nagulat ako nang biglang bumukas. Pamilyar na babae ang sumalubong sakin...
"L-Lilania..." nabanggit ko.
"Uh... hi... kilala mo ko?" ngumiti sya sakin, maputla talaga siguro yung hitsura nya... Sandali siyang nag-isip... "Oh! I remember now, ikaw yung nasa labas ng music club that day..." ngumiti lang ako ng alanganin sa kanya.
"Uhm... buti okay ka na." Yun ang unang lumabas sa bibig ko.
"Yeah, kuya Crae said I was lucky because you were there. Thank you... Cerium? Right? Magkapangalan kayo ng pinsan ko." She really looks sweet. Ano kaya sakit niya, payat sya, pale at parang mahina.
"Yeah..."
"Nice to meet you. Gotta go, see you around." Saka sya umalis. "Let me treat you some other time okay?" Di na ako nakasagot, parang sya na mismo yung nagdecide para saming dalawa.
Yung kaba ko nawala dahil sa presensya nya, she is something special. Pumasok na ako ng office ni mam Vallarta. Ito naman ang haharapin ko ngayon.
"Sit down." Umupo naman ako sa upuang nasa harap ng desk nya. May itinulak syang standard size ng sobre papunta sa direksyon ko. "Pinadala nya yan." Nang sabihin niya yun, alam ko na agad kung kanino galing. Hindi ko alam ang pangalan nya dahil hindi naman pwedeng sabihin kaya sinabi ko na lang din kay mam na wag ipaalam sa kabila ang pangalan ko para quits.
"It's for you."
"Thank you po mam."
"How are you by the way?" ano ba dapat ang isagot ko? Hmm... paano ba masasabi pag okay na?
"Hmm... di ko po alam... pero... medyo nagiging okay na po ako kahit papaano... tsaka medyo bumabalik balik na rin po ako sa mga hilig ko... tsaka medyo meron na din naman po ako nakakausap at hindi ako masyadong umiiwas..." hindi masyadong umiiwas? Kaya pala... ayoko silang makita, makasalubong...
BINABASA MO ANG
The Bridge
Teen FictionCerium lost interest in life after her parents died in an accident. She was sent to live together with her aunt. She was enrolled in a prestigious school where she met the elites of a music club that would make her life run like a song and will lead...