Kinabukasan non ay in-insist ko kay Erylle na ibigay na sakin yung uniform since lagi naman nyang nakakalimutan, pinaabot na lang nya sa classroom namin, parang alam na nga nya ang maraming bagay tungkol sakin eh.
"Hmm..." Cana is looking at me suspiciously.
"Why?"
"Villarama... anong meron? You seemed close." sabi nya. Sabagay, girlfriend ako ng kapatid nya so normal naman na magtanong sya.
"Oh, yeah, we're friends-"
"You have friends."
"Sa workshop kami nagkakilala, tapos ngayon na lang ulit kami nagkita. To be honest, nakalimutan ko na nga siya eh, nagkita lang talaga kami."
"Oh... I see..." sabi ni Cana at tumango-tango. "What's that?" tinanong niya ang nakalagay sa paperbag.
"Ahh... nung nakaraan kase nagkaroon ng commotion sa cafeteria, nabangga ako ng isang babae, tapos tumapon kay Sally yung kape ko."
"Sally... hmmm..." Yung pagiging tahimik at pagiging matanong niya nakakatakot talaga eh. "Sally... may gusto yun kay Villarama eh."
"Wow... I'm surprised. Knowing you, facts lang ang alam mo."
"And that's a fact." Oh! kaya pala ganon sya. Kaya sya yng pumayag na si Erylle yung maglaba ng uniform niya. "And Villarama knows that."
"Eh?!" wow...
"Hindi to tsismis, she confessed. She got rejected." Oh...
"Wow... a tea." Maniniwala ako, well, Cana seemed to know everything. Everything... "Alam mo lahat ng kaganapan sa lugar na'to?"
"Hm... not all, siguro sa mga kilala ko lang, kung saan ako involve, at kung sino yung mga tingin kong magandang siraan." Oh... she's wild. She's dangerous!
"Owkaayy???" sabi ko lang sa kanya. "Anyway... punta muna ako ng cafeteria since breaktime naman ng karamihan... baka makita ko don yung nakabangga sa'kin." Bat nga pala hindi ko tinanong yang part na yan kay Erylle, eh mukhang magkakilala naman sila?
"Hmmm... sya ata yung new girl."
"Feeling ko din." Umalis na ako pagkatapos kong magpaalam sa kanya. Dumirecho ako ng cafeteria, inikot ng paningin ko yung buong area, tama nga ako nang makita ko sya.
"Uhm..." sabi ko sa kanya, hindi ko alam pangalan nya eh.
"Yes... Cerium right?" sabi niya sakin. Mukhang kilala na nya ako. Wait... yung isang Cerium yung kilala niya sure ako.
"Uh yes. Halos ilang araw ko nang kinukulit si Erylle na ibigay yung uniform na natapunan ko ng juice ngayon niya lang binigay." paliwanag ko sa kanya.
"Akala ko sya mismo nagsaoli niyan?" Umiling ako. Hmm... she's not soft spoken like the girls that I've met on this school, hindi din naman sya tunog kalye o palengke, it's just that her voice is rough. Not a typical voice of a woman... but I think it's cool.
"Siya lang nag asikaso ng laundry kasi maarte si Sally." Pabulong kong sabi sa part na maarte yung Sally, halata naman kase.
"Ahh... so isasama mo ko magsauli niyan?" Tumango ako.
"Sana. Kasi... feeling ko kaya mo eh. Medyo naiilang kasi ako sa kanila." Mas matapang sya sakin eh, kung ako nga matatapunan siguro non ako pa mag-so-sorry.
"Sige. Tapusin ko lang kain ko. Upo ka muna. May klase ka ba?" sabi niya. Umupo naman ako at sinunod ko sya. Marahan akong umupo.
"Uh... hindi, breaktime ko din ngayon. Ano nga pala pangalan mo?" Tinanong ko na sya baka makalimutan ko syang tanungin eh.
BINABASA MO ANG
The Bridge
Teen FictionCerium lost interest in life after her parents died in an accident. She was sent to live together with her aunt. She was enrolled in a prestigious school where she met the elites of a music club that would make her life run like a song and will lead...