MERRY CHRISTMAS!
Kumakabog dibdib ko habang nagiging pamilyar yung daanang tinatahak namin. Second time ko nang makakarating dito pero naaalala ko pa yung lugar.
Nung papasok na ng gate, grabe yung buong lugar nila ang liwanag dahil sa warm Christmas lights. Last time I took a cab pero this time pumasok ang sasakyan hanggang sa labas ng pintuan ng Fremenger mansion, ang nasa gitna. Ang naaalala kong tinuro na bahay ni Lili ay maliwanag din pero walang christmas lights. Of course, they're mourning. Hmm...
"Hijo, just go back para maka-abot ka sa party. Salamat sa paghatid samin. Magpapahatid na lang kami bukas." sabi ni lolo. Wait...
BUKAS? You mean, dito kami matutulog. Wait sabagay... ano nga pala, christmas... pero wait... di ako prepared. OMG!
Napansin kong may mga taong nag-aabang sa entrance ng mansion. Lalong bumulis yung kaba ng dibdib ko. Bumukas yung side ni lolo, napakapit ako sa dulo ng manggas nya saka lumunok.
"Lo parang gusto ko na lang makiparty with the kasambahay." biglang lumabas sa bibig ko yun without stuttering. Nagulat naman si lolo, napansin ko din yung driver na nakatitig sakin, parang gulat. Nakaramdam naman ako ng hiya.
"My apo, you'll be fine." Binitawan ko ang manggas nya kaya nakababa na sya, sinara ko naman ang pinto. Kita kong nilapitan sya ni kuya Cerille. Nagulat naman sya kung bakit sumara yun tapos parang sinilip pa ako kahit tinted yung bintana. Hindi ako mapakali talaga!
Nagulat ako nang bumukas yung pinto sa side ko. Napatalon talaga ako sa upuan ko, nakabukas pala yun.
"Oh... Cerii?" Si Claude pa ang nagbukas. "Bakit ka nandito?" Gulat sya na nandito ako sa sasakyan ng lolo nya. Nagsipuntahan silang magkakapatid sakin tapos si kuya Cerille binuksan yung pinto kung saan lumabas si lolo.
"Hehe... hi." Sabi ko na lang.
"I'll explain later!" Sabi ni lolo.
"What the heck lolo, wag mong sabihing sugar baby mo to?" Rinig kong sabi ni Cerium tapos hindi maganda yung tono niya.
"Psst! Ano ba yang pinagsasabi mo!" sigaw ni lolo. Nakatingin ako kay kuya Crae habang nagtatalo-talo ang ilan sa kanila. My anxiety is starting to pile up.
"Tumabi ka nga Claude." sabi ni kuya Crei. "Bumaba ka na jan." sabi nya, medyo matapang yung pagkakasabi niya. Huminga ako ng malalim.
"Come." Inabot ni kuya Crae yung kamay nya tapos tinanggap ko yun. Ang lamig talaga ng kamay ko, tuluyan na akong bumaba.
"She's wearing peach. You're not part of this family, anong ginagawa mo dito?" tanong ni CC. Hindi pa din ako bumibitaw ng hawak kay kuya Crae.
"CC, I think that's a bit rude." Sabi naman ni kuya Crei. Lumapit naman si lolo samin.
"Come on Ceri, come." sabi niya na para bang nagpapapunta sa kanya ng batang nagsisimula pa lang maglakad. Bumitaw ako kay kuya Crae tapos inabot ang kamay ni lolo. Kumapit ako sa braso niya tapos hindi na ako lumingon. Dumirecho kami sa pinto kung saan nag-aabang si Tito Froi at Tita Floris. "I told them."
Nakatingin ako kay tita tapos kitang-kita sa mga mata nya yung lungkot. I was just curious, did she felt it? Did she feel that her twin is gone? Her eyes were teary habang papalapit kami sa kanila. Nang makatapat ko na siya ay agad nya akong niyakap.
"Was it hard?" tanong niya. I nodded in between our hug. Umaapaw yung puso ko sa sakit na hindi ko maintindihan. Siguro kase my blood feels like it was the same as moms. I hugged her back.
BINABASA MO ANG
The Bridge
Genç KurguCerium lost interest in life after her parents died in an accident. She was sent to live together with her aunt. She was enrolled in a prestigious school where she met the elites of a music club that would make her life run like a song and will lead...