"... she said Cerium is a kind of element that is essential item for making a fiber glass..."
==========================================================================
Sabi ng doktor I am getting better, siguro dahil sa pagbalik ko sa music. Nakakawala naman kasi talaga ng stress ang music, ng pain, though some muic triggers my system at yun yung mga dapat kong iwasan.
Ilang araw na din ang lumipas mula nung ginawa namin yung rendition. Pag naaalala ko yun pakiramdam ko pinahiya ko yung sarili ko ng kaunti. Yung president ng music club, di niya talaga ako kilala, si kuya Craeyon, sya pa nga nagpakilala sakin as if gustong-gusto niya ako maging friend tapos nung nagkita kami parang hindi kami nagkakilala, or maybe, iniiwasan niya ako kasi nga mga elite student sila?
Sumasakit ulo ko kakaisip.
Naglalakad lang ako sa hallway dahil breaktime.
"You're always spacing out." Narinig ko na lang si Canary sa tabi ko.
"Canary!"
"Why so surprised?"
"U-uh... nothing." nitong mga nakaraang araw, madalas niya akong kinakausap, siguro nasa instinct nya na kailangan ko ng kausap pero pag ginagawa niya to, ganito yung usual na nangyayari, awkward. Siguro kailangan niya lang din ng kasama kaya niya ako kinakausap, ako lang naman yung feeling awkward eh, and she's normal, ewan ko kung paano niya nagagawa yun. She's just eating everytime, napakaliit na babae pero di naman tumataba kahit lagi siyang kumakain sa tabi ko.
"Yo bro!"
"Damn! Sorry di ako makadaan ng club, so busy man." Napahinto ako nang makita ko sa malayo si Frances at si kuya Craeyon.
Oh sht... di nila ako dapat makita.
"Yeah it was fine, and guess what..."
"Hmm?" Yes... I hear them. Naglakad ako ng mabilis para maabot yung kanto sabay hila kay Canary.
"Really? What's the name?"
"Hey... anong nangyayari?" tanong ni Canary, sinenyasan ko lang sya na manahimik. Hindi ko alam kung superpower ba yun pero naririnig ko talaga sila mag-usap, Canary is looking at me weirdly.
"Oh... kilala ko sya."
"Sorry Canary." Sabi ko sa kanya. "Can I just call you Cana? Ang haba eh."
"H-hah? Uh... sure... uhm... s-sige mauna na ako." Did she just blush? Umalis na lang sya bigla.
Nang makita ko na sila sa malayo ay nakahinga na ako ng maluwag.
"Why are you avoiding them?" Napatalon naman ako sa kinatatayuan ko.
"Oh sht!" Napamura ako nang makita ko si kuya Craeyon sa harap ko. Omg... kasama lang sya ni Frances ahh! "K-kuya... ba-bakit ka andito? Kasama mo si Frances diba?" kumunot naman noo niya pero nag-lighten din naman, pero yung aura niya talaga dark hindi tulad nung una ko syang nakilala. I thought of him as a sunshine.
"Ah... okay, akala mo ako si Craeyon." Akala? Wait...
"What?"
"He's my brother, my twin brother." K-Kambal pala sila? Napatango naman ako sa amusement. "Now, answer me, bakit mo sila iniiwasan? Well in fact, we are looking for you, Ms. Enriquez." Napakamot ako sa bunbunan ko.
"Okay... uhm... kasi... hindi ko alam, bakit? Pasok ba ako sa club?" he smiled. Magkamukha sila as in, he's just way more evil, I can sense it.
"Ayos ka din eh no? Pero I like that kind of attitude. You're not yet in but you have a callback." Napanganga ako sa sinabi niya. Call back. May ganun pa pala? Kala ko derecho pasok na agad. Pero diba parang pasok na din yun? I don't know the ways or rules.
BINABASA MO ANG
The Bridge
Teen FictionCerium lost interest in life after her parents died in an accident. She was sent to live together with her aunt. She was enrolled in a prestigious school where she met the elites of a music club that would make her life run like a song and will lead...