Chapter 64

8 0 0
                                        


Nagustuhan ng banda nila yung piece, dumating din yung manager nila that night tapos may naka-ready na contract para doon sa piece na ginawa namin, kase nga diba nanakawan na ako, so parang may doubt ako ng slight na baka hindi nila ako bigyan ng credits don sa pinaggagagawa ko kaya binigyan nila ako ng kontrata para mapanatag ang loob ko. Their Manager is around 30s, he's looking sharp and mukhang madami din siyaang alam. Syempre, manager sya nila. 

Napakinggan niya din yung piece at kahit sya nagandahan at mukhang swak yung kanta para doon sa kakanta nung song. Hindi ko pa alam kung sino ang kakanta ng babaeng part... magkakaroon pa kami ng meeting regarding it kase kulang pa kami ng hahawak sa instruments at feeling ko maghahanap sila ng tutugtog ng violin dahil sa piano na nga ako. 

It was a nice experience, working with professionals is a different level talaga and I was able to enjoy it. I was happy... to the point na nakakalimutan kong may iba pa pala akong commitment sa buhay! 

OMG! 

Pero okay lang din naman, sinabi naman din samin na mag-focus na sa outside world since malapit na din naman kami grumaduate at dapat na masanay na kami sa mga ginagawa pag wala ka na sa school at nasa isang organization ka na. Ganon din naman ang ginagawa ng ibang mga students kaya halos lahat ng graduating students ay nasa field. 

Naisip ko lang before, kaya siguro may oras yung mga seniors namin sa music room kase pag natatapos nila yung mga prior commitments nila ay tumutuloy na sila sa music club.  Technically, ang focus nila ay music club dahil mas marami silang oras na nailalaan doon kumpara sa mga araw na wala sila. 

Pero right now, I think I'll focus for the reality world... the outside, I am trying to find a place where I could do what I love and at the same time have honor on it... madali lang naman talaga yun, kung gagamitin ko lahat ng meron ako as a resources. 

Nasa cafeteria kami ngayon ni Cana... this little moment of us before we go on our own ways. Lagi naman kaming ganitong dalawa... para kaming may reporting, inaalam namin yung nangyayari saming dalawa. Nabanggit ko naman sa kanya yung sa Rising Band and she was happy about it and supportive. Sinabi ko lang sa kanya na wag na muna sabihin sa kuya niya para surprise. Hehe! 

Naalala ko lang yung meron sa kanila ni Rick kaya ngayon ko na lang din itatanong, I never had the chance kase we were so busy. So I think this is the right time. 

"Cana... hindi pa kita natanong." tanong ko. 

"Hmm??" 

"Kayo ba ni Rick?" Tinigil niya ang ginagawa nya nang tanungin ko yun. Tumingin siya sakin. "Matagal ko nang gustong itanong yan eh." 

"Hmm... Rick is courting me. Yun lang ang masasabi ko sa ngayon." Honest as ever. 

"Oooohhh... do you like him?" Tanong ko sa kanya. 

"Hindi ko naman sya hahayaang manligaw sakin kung hindi ko sya gusto eh." May point sya. "Gusto ko lang talaga na nahihirapan sya... ng kaunti." dagdag nya. Oo nga no, hindi kase kami dumaan sa ganyang stage eh... well... wait... oo nga... hindi nga, namalayan ko na lang kami na ni Frances, kase we bare the same feeling naman, so bakit pa namin patatagalin. Pero kung buhay siguro yung parents ko hindi nila ako hahayaan sa mga pinaggagawa ko, hahaha... iimbitahan nila si Frances sa bahay like normal people do... wait... 

Nag-tanan nga pala sila... so baka hindi din ganon yung maging proseso naming dalawa kahit buhay ang mga parents ko... hellooooww... sinunod nila ang kanilang gusto at kanilang mga puso... so might as well bakit nila ako pahihirapan... I've been the good daughter that does what they say so they will comply to what I want either.

The BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon