Chapter 48

7 2 0
                                    



Natapos ang holdays - Christmas and New year - and I celebrated it with my family, my new family. It's just weird na sila na ang lagi kong makakasama sa buhay ko. I was just wondering before kung paano sila maging pamilya, pero ngayon nararanasan ko na. 

"Kumusta?" Tanong ni Cana sakin. "Ms. Ybanez..." 

"Shh!" sabi ko sa kanya.

"Hindi pa rin naman yon big deal, sayo lang o sa ibang nakakaalam." sabi ni Cana. Nakaka-bwiset mang-asar to eh, hindi nakaka-asar, nakakagalit. 

"Exactly, just wag mo na lang i-highlight. Okay?" sabi ko sa kanya. 

"Pinasa ko na nga pala applications natin for the internship, we can start earlier this year. We have permission na din naman." sabi ni Cana.

"Oh... Thank you Cana." sabi ko sa kanya, yun ba ang pinaggagagawa niya habang bakasyon? Sipag talaga.

"I included Lucille too," she said with shyness and pride. Hay nako...

"That's perfect, magkakasama pa din tayo."

"Sa company oo, pero sa department, feeling ko mag-kakaiba or di kaya rotation." Maganda nga naman yun para maikot namin yung mga dapat na gawin.

"Thank you Cana!" I stood to hug her. She did not move. Nakakatuwa sya pero mas madalas syang nakakabadtrip. Binitawan ko din sya kaagad. Pero ganito talaga siguro siya, mambubwiset tapos babawi din naman. 

"Mas okay yan na mag-start tayo after the go signal para mabilis tayong matapos at Thesis na lang ang po-problemahin natin." sabi niya. Tumango lang ako sa sinabi niya. May point naman sya, tsaka mahihirapan din naman kami pag nag stack yung mga school works. Next year ga-graduate na ako. HEHE... I like that idea. 

Ga-graduate naman siguro ako no? 

Magiging busy na ako, tapos ga-graduate na ang mga tao sa club, so probably magpapalit na sila ng committee as early as now. Hindi din naman ako pamilyar sa junior year na member ng club. Basta nandon ako as a member tapos kina kuya Craeyon lang talaga ako naka-focus. 

Ang highlight lang naman ng mga klase namin ngayon ay ang holiday at ang application forms for internship. Pwede na daw kami mag-internship pag-pasok ng bakasyon. Maganda yan para hindi na umabot ng second semester yung internship namin. Iniisip ko lang kung makakasama ko ba si Frances since doon naman kami mag-i-intern sa company at agency niya. 

Teka... magkakasama kami sa workplace? Omg... Wait... my thoughts are going somewhere that I can't reach anymore. 

Pumunta kami ni Cana ng canteen, doon na din kami nagkita-kita nina Lucille.

"Yo! How was holiday?" tanong ko kay Lucille. Umupo naman sa tabi niya si Chrome. Hmm... the ship sailed successfully. 

"Ayos lang. Nagbakasyon kami. ehehe!" sabi ni Lucille. She's a very outgoing person. I nod. Naalala kong na-check ko yung social media ni Chrome, he's still posting silhouettes of Lucille and I think she's aware of it this time. 

Napatingin ako kay Cana na unbothered while eating. 

"Hmm... by the way, may meeting daw mamaya sa club ah." sabi ni Chrome. Hmm... hindi ko pa alam yun ah, sabagay di pa ako nag-checheck ng phone ko eh. 

"Tungkol saan daw?" tanong ni Lucille. Oh yeah... member nga din pala sila ng club pero hindi ko din sila madalas makita doon. Sabagay sa kabilang music club din kase ang punta ko eh. hehehe... 

"Baka sa committee..." sabi ni Chrome. "Dami ga-graduate this year eh." we all nodded. 


MUSIC CLUB 

The BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon