Chapter 27

14 1 6
                                    


Hindi ko kinaya yung mga nalaman ko. Ayoko muna pumunta ng clubs. Ayoko pumunta sa lugar na kung saan makikita ko sila, I feel broken hearted. Gusto ko sa lugar na tahimik kaya nagpunta ako ng library, tahimik nga naman doon.

Nang pumasok ako ng library bumungad agad sakin ang high ceiling nilang structure. Isang buong building to na naka-hiwalay sa lahat ng college buildings. May lobby and reception kung saan pwede ka pang maging ikaw at mag-ingay. They took my ID number and recorded it on their system.

"Just ask the attendants, they're on the corners, they'll help you with all your needs including coffee, drinks, and snacks." sabi sakin sa reception. Even snacks. Binuksan ang malaking pinto para makapasok ako sa loob, it's a double door. Screaming in greatness ang lugar na to.

Pagpasok ko sa mismong library ay bumungad sakin ang high ceiling nilang shelves, but it's not that high compared to the lobby. Para syang hinati para may second floor pero mataas pa din sya. The colors are more like wooden, black cherry, antique cherry, and some whitewash to lighten the area. Mukha syang lobby ng isang hotel na may grand chandelier. For a moment I thought I teleported somewhere, bat ba ngayon lang ako nagpunta ng library? Umakyat ako sa taas since nandoon daw ang mga musical docus or anything about music. Natutuwa naman ako kase may mga guides doon na magtuturo sayo kung saan ka pupunta, and if you're introverted, they will give you a pamphlet for you to read. Kuya Croan's way of doing things in this school is high end just like him.

Umupo ako sa isang single sofa na may rounded table. Inilapag ko doon yung bag ko saka ako kumuha ng libro. Kumuha lang ako ng libro for the sake na may babasahin ako, Queen: As It Began by Jacky Smith and Jim Jenkins... hmmm... malayo ang narating ng bandang to at sobrang sikat talaga sila. May chance na maging ganon din sina Sylvester pag nilabas nila yang talent nila.

Sobrang tahimik nga sa lugar na'to. Mga yabag lang naririnig ko at natural noise ng lugar. Ngayon mas nakakapag-isip ako, hindi ko alam kung paano ko gagawin yun request ni Lili, what Craeyan and I have is a professional friendship, we do it because we share the same passion when it comes to composition. Ngayong nalaman ko naman na sya pala yung tinulungan ko, medyo naging awkward sakin yung mundo, nahihiya ako sa kanya dahil hindi ko nailigtas ang mama niya though sinabi na nya sa sulat na hindi ko naman kailangang mag-alala tungkol sa bagay na yun, kaso the conscience is there.

I sighed as my sadness flowed in my system.

Hindi ko tuloy alam ngayon kung paano ko haharapin ng normal si Craeyan. Napatingin ako sa bintana. Mahangin sa labas at maganda ang sikat ng araw, I bet that the air is cold. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko.

Syl: Princess is where?

Nagpalingon-lingon ako, baka kase may nakatingin sakin dahil nakaramdam na naman ako ng kilig. Isa pa to, paano ko sasabihin ang mga to kay Frances? Sumasakit ulo ko.

'Reading. I know you're busy, don't mind me too much.'  reply ko sa kanya. Ayokong maging hadlang sa mga pinaggagagawa niya sa buhay nya kaya hangga't maaari, ayokong lagi nya akong ina-update. Well, hindi naman sa ayaw ko, binibigay ko lang yung dapat na oras nya.

Sabi niya, nagsho-shoot sila ngayon ng music video niya, kasama niya si CC. Other than modeling, looks like she's planning to enter the showbiz industry, nagpapabango na sya through music videos, kadalasan. 

I'm happy for them. I have to face some challenges on my own.

"Cerii." Napatingin ako kung sino yung bumulong. Si Erylle... wow... he's everywhere. "Anong ginagawa mo dito?" Lumapit sya sakin saka itinanong yan."

Uh... reading?" sabi ko lang nang pabulong. Napansin ko din na may dala syang libro. Inaya ko syang umupo sa katapat kong single sofa.

"You look down." Ibinaba ko yung binabasa ko. Hmm... Ayokong pag-usapan sana eh kaya pinipili kong mag-isa.

The BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon