I wouldn't be lonely if you're here...
==============================================================
Kalmado akong naglalakad papuntang main building nang madaanan ko ang Bulletin Board. Madaming Bulletin board sa buong campus at itong malapit sa main building ang pinakamadalas makita at mas naging kapansin-pansin sya ngayon kasi madaming babaeng estudyante ang nagtitipon.
Anong meron?
Dahil sa curiosity, naki-join ako. Nakita ko naman sa malayo ang pinsan ko kasama ang ilan sa myembro ng Music Club, pati na din si Cerium Clair. Mukha silang mga elite na nanonood sa mga pulubi. O ... Elite nga talaga sila?
Huminga ako ng malalim at nakitingin na lang din, wala din naman kami pake-alamanan ng pinsan ko kahit nasaan kami eh. Before, maybe, we were so close, halos sabay kaming natuto sa instruments and we used to sing one of my favorite composition, pero simula nung tumira ako sa kanila, nagbago sya, everything about her changed.
Natulala ako nung makita ko yung Bulletin Board. Tiningnan kong mabuti kung nasama ba pangalan ko doon... isa to sa mga announcement call back ng Music Club. Nasa sampo lang ang nakapasok sa dami ng nag-audition. Bumuntong-hininga ako nang makita kong wala naman doon ang pangalan ko.
"The name mention above needs to prepare a complete band piece for a unique rendition..." rinig ko lang. Umalis na ako doon at dumerecho ako sa room.
Para akong baliw, ako na din naman nagsabi na wag ilagay yung pangalan ko doon, pero bakit parang nanghihinayang ako, parang may namatay na apoy sakin nung nakita ko yung bulletin board. Pero... ibig sabihin ba non... may callback pa din ako kahit wala doon ang pangalan ko? Kasi yun naman ang pinag-usapan namin ni kuya Crieyon eh. Pero... kung mismong ...
Sumasakit ulo ko kakaisip.
"Ang aga mo ma-stress." Bigla namang may naglapag ng milk drink sa desk ko. Tiningnan ko naman kung kanino galing...
"C-cana..." madalas na niya ako binibigyan ng mga kinakain niya, pakiramdam ko tuloy nakakahawa yung katalinuhan niya sa pagbibigay niya sakin ng makakain. Parang ganun sya mag-transfer.
"Hmm..." tahimik naman syang umupo at humigop din ng gatas. Ganun na lang din ang ginawa ko.
"Thank you." Sabi ko na lang.
Nagpatuloy ang araw na ganun, pag meron akong hindi naiintindihan sa pinagsasasabi ng professor kay Cana ako nagtatanong, sabay kaming kumakain ni Cana pero hindi kami nag-uusap, more like gestures ang nangyayari saming dalawa, kung may bagay man syang hindi nakakalimutan... yun yung gatas, binibigyan niya ako ng gatas.
Nang sumapit ang uwian ay nauna na sya. Mukhang busy syang tao, busy magpakatalino.
Uuwi na lang din ako... pwede naman ako dumalaw sa lumang music room... or... ah! Dadalawin ko na lang yung nagbigay sakin ng uniform! Pwede naman siguro ako dumaan ng pool area...
Dumaan muna ako ng music club... gusto ko lang din malaman yung sagot sa tanong ko, pero dapat kay kuya Crieyon ko lang yun itatanong kasi siya lang naman ang direct kong nakausap. Kinakabahan talaga ako pag dumadaan ako dito.
Palapit pa lang ako ng music club parang sinusunog na ako sa kaba... pero may mas naririnig akong instrumental... more like piano... kesa sa kaba ko... baka nakabukas na naman yung pinto ng music club. Mas lumapit pa ako... nakakalungkot yung tono ng music, actually familiar sakin yung kanta... pero di ko maalala kung ano yun tsaka pure instrumental kaya di ko din matukoy.
Tamang-tama yung music dahil hapon at wala na din dumadaan dito dahil dulong parte.
Napasandal ako sa pader habang nakikinig, sobrang lungkot niya... nakakahawa, parang nawalan... hm... naalala ko lang sina mama at papa... napangiti ako ng mapait, yung way ng pagtugtog niya, parang may inaalalang mga memories na hindi na mababalikan... kaya malungkot... masakit... napaupo ako sa sahig.
BINABASA MO ANG
The Bridge
Teen FictionCerium lost interest in life after her parents died in an accident. She was sent to live together with her aunt. She was enrolled in a prestigious school where she met the elites of a music club that would make her life run like a song and will lead...