Natapos yung bakasyon, yung workshop naman malapit na din matapos. Hindi na ako kinausap ni Erylle matapos yung naging usapan namin sa may hallway kung saan kami nagkagulo ni Heralyn. Nakakalungkot lang na hindi na ako pinapansin ni Erylle.
Buntong-hininga na naman ang pinakawalan ko habang naka-upo sa pwesto ko at naghihintay ng klase. First day ulit, of course intro na to ng last year namin dito sa school so... goodluck. Ang na-mi-miss ko sa school na'to ay ang music club at si Cana. Naaalala ko sya dahil naglapag sya sakin ng gatas.
"Thank you!" sabi ko saka tinusok yun ng box ng straw.
"You don't look good." Napatingin naman ako sa kanya.
"Paano mo nasabi?"
"I can feel it. Sa mga makukulit bang press yan at socmed?" "Alam mo namang tinanggal ko na ang socmeds ko para hindi ko makita kung ano mang sasabihin nila." I sighed. Umiiwas lang din talaga ako sa stress na pwedeng mabigay sakin ng social media dahil ang mga tao sa platapormang to ay perpekto ang mga tao.Isa din sa mga dahilan ay si Erylle... Bumaling ako kay Cana.
"Si Erylle kase... nagtatampo yata sya sakin."
"Hindi sya galit?" tanong nya. Nanghina ako lalo.
"Cana naman eh..." Alam niya talaga mga ganap hindi ko alam kung paano. |Napailing na lang ako.
"Well, di ko alam mapapayo ko sayo about jan, time maybe? I don't know." she said. Time talaga ang kailangan niya. Napabuntong-hininga na lang ako hanggang sa magsimula yung first day namin. Feeling ko never ako nagpahinga pero I think my extra curricular activities made me more active and productive so I guess it was fine.
Hindi naman gaanong nag-focus sa acads since first day naman tsaka mas pinapauna samin matapos yung internship namin para thesis na lang and then we're good to go.
Pagdating ng tanghali ay pumunta ako kung saan laging nagaganap yung promotional ng music club, na-schedule sila ng tanghali ngayon instead na umaga which is okay din naman para hindi gaanong ma-pressure yung mga students sa oras.
I was invited to be part of the promotions pero hindi ko tinanggap dahil nga busy ako sa internship ko at sa workshop. I wanted to be part of the promotions sadyang di lang kinakaya ng oras ko.
Ang mga nakasalang ngayon sa stage ay mga new recruits at feeling ko ang highlights neto ay ang mga remaining seniors. Nasa malayong parte ako pero sapat na para marinig ko kung paano sila mag-perform.
They're good but not as good as the past batch. I didn't mean to compare, but the elites just set the standards, yun yung masasabi ko. Though noong nandito pa sila, they kept on praising the earlier batch from them. I guess that's how it works, and the cycle goes on.
Nag-flashback sakin yung mga panahong pinanonood ko lang sila dito din sa lugar na'to, where I fell in love with the music that they have created. The promotion that I never thought would change my life. Akalain mo yun, isang taon na din... I feel grateful for everything.
"You okay?" rinig kong tanong sakin ng katabi ko. Napatingin naman ako kung sino. Naka-jacket syang black, naka-face mask na black, naka-nerdy glass sya, tapos naka cap na white. I checked underneath his jacket, naka-uniform naman sya pero alam ko yung boses niya. I pressed my lips.
"Graduate ka na ahh." sabi ko sa kanya ng pabulong. He winked and held my hand. "Pag ako na-issue sa ginagawa mo ah."
"Ako naman to eh, tsaka I don't believe in gossips." my heart smile on that phrase. I held his hand. Tago-tago pa sya eh ang alam ng mga tao magjowa kami so technically pag nakita to, edi malalaman din nila na sya to. Kaloka naman tong boyfriend kong kakaiba ang trip. Natawa naman ako. "Why?"

BINABASA MO ANG
The Bridge
Novela JuvenilCerium lost interest in life after her parents died in an accident. She was sent to live together with her aunt. She was enrolled in a prestigious school where she met the elites of a music club that would make her life run like a song and will lead...