Nakatingin lang ako sa kisame ko tapos naririnig ko lang ang tahimik na andar ng air-con. Napatingin ako sa kaliwang side table ko kung nasaan yung digital clock na rectangle.
12:45am
Napabangon ako at tiningnan ko ang mga box na nasa gilid ng pinto. Hindi ko napansin kanina na may shelf yung tabi ng pinto. Nakapwesto doon ngayon yung mga boxes kung nasaan yung gamit ko mula kina tita. I insisted na ako na lang ang mag-aayos noon, limang box din yun na malalaki. Iniwan lang doon ang piano pero yung ibang instrument ko naman ay nandito, nakagilid din.
Binuksan ko yung lamplight na nasa kanan. Napatingin ako sa kurtina na nakakabit, ngayon ko lang din naisip na what if bintana din ang nasa likod niyan? Out of curiosity ay tumayo ako at binuksan yon hindi ako tama pero hindi din ako mali, isa itong sliding door na gawa sa salamin na kapareho ng structure ng bintana. May terrace nga naman tong kwarto ko. Binuksan ko ang sliding door, merong glass table and two chairs dito na gawa sa bakal, sinalubong ako ng malamig na hangi ng pasko. Two days from now, pasko na, hindi na ako lumabas kanina mula nung dumating yung mga gamit pero hindi din ako nakakilos kaagad dahil napagod ang utak ko sa buong araw na'to. Ngayon ko pa lang nakita na napupuno pala to ng christmas lights, itong lugar. Hindi ganon kalayo yung gate mula dito sa bahay tapos may mga street lights sa kalsada pero sa palayan wala na kaya madilim doon. Dumungaw din ako sa kanan ko dahil palayan din yun, wala ding ilaw pero kita ko dito ang view ng matataas na building ng city na syang nagsisilbing bituin sa lupa. Napatingin ako sa langit, mas kita dito yung mga bituin kase mas lamang ang dilim sa liwanag. Tumingin naman ako sa kaliwang side, napansin kong may ilaw na pa-arko doon tapos may mga streetlights. Di ko yun napansin kanina. Baka tingnan ko yun bukas pagkauwi ko.
I hugged myself seeing this. Di ako makapaniwalang dito lumaki ang mama ko. I sighed.
Hindi ko alam kung anong klaseng hakbang gagawin ko para hindi nila malaman na kamag-anak nila ako. Feeling ko lang di ako worthy, HAHAHA, hindi I mean, I look up to them especially kuya Craeyon, ang taas ng tingin ko sa kanya, tapos biglang pinsan ko pala sya. Ano ba yun?! Parang knowing Crae having a cousin like me is a downgrade.
Kailangan ko talaga ng doktor. Basta hindi ako handa. Kailangan kong balaan si Yana bukas... hindi naman siguro sya dadaldal no? Agad-agad?
The urgency hit me so I went inside to sleep. Bahala na bukas.
♫₊˚⋆。♪₊°♬˚.⁺
Bumaba ako wearing my best. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil madami akong iniisip, manok... tulog manok.
Dumirecho ako ng dining hall. May mga nakakasalubong akong mga katulong na nag-b-bow sakin. Nag-bow din ako sa kanila. Uh... tama ba yun?
Nakarating ako ng dining hall tapos wala akong naabutan doon pero may naka-set-up na na plates doon. Timing naman ng paglabas ni lolo mula sa kitchen.
"Goodmorning po lolo." Sabi ko sa kanya. Masaya naman syang tumingin sakin, may bitbit syang... fried rice. Oh, fried rice!
"Oh apo, goodmorning! Tamang-tama ka lang, pinagluto kita." agad syang pumunta sa table, sinilip ko naman ang kitchen tapos lahat sila nakatingin sakin. Nag-bow ako, ganon din ginawa nila. Mga naka-suot sila ng puti... as in chef talaga sila. Sinundan ko si lolo tapos inilapag niya yung dala-dala niya sa mesa. Mukhang masarap yun, amoy pa lang eh. Aalalayan niya sana ako sa upuan pero sabi ko kaya ko na. "Paborito to ng mama mo." sabi niya at itinuro ang fried rice. Fried rice lang ang nasa mesa. Napalunok naman ako.
"Mukha pong masarap."
"Sa tingin mo?" nakangiti syang nakatingin sakin, I nodded. "Ilabas nyo na yung iba." Tapos nagulat ako kase lumabas yung limang tao galing sa kitchen area tapos may dala-dala silang food. Unang nilapag ay fish filet, tapos chicken na fried, meron ding beef, itlog at hotdog, brocolli and chopsuey, at buttered shrimp. Napatingin ako sa lolo ko.
BINABASA MO ANG
The Bridge
Teen FictionCerium lost interest in life after her parents died in an accident. She was sent to live together with her aunt. She was enrolled in a prestigious school where she met the elites of a music club that would make her life run like a song and will lead...