Chapter 21

10 1 20
                                    



The semestral break is going to start next week, ang daming nangyari sa isang semester ng buhay ko, hindi ko talaga inakalang I'll be happy. It's not that I am forgetting everything that had happened, I am moving on, yes, but not leaving them behind, they are here in my heart and I think I have the very right to be happy. 

"Ang galing mo talaga that night." sabi sakin ni Cana habang nakatingin siya sa phone niya. Nagulat naman ako kase bigla na lang syang nagsasalita, we are currently waiting for the next prof to come. 

"Uh..." ang totoo nyan, hindi ko pa din alam kung anong irerespond ko sa mga bumabati o nagbibigay ng compliment sakin maliban sa thank you. Pag kay Cana, mas lalong hindi ko alam kung anong irerespond ko. 

"See." Pinakita niya yung nasa phone niya. Pinanonood niya yung naging performance namin that night, nasa page ng school. Nagulat ako kase hindi ko alam ang part na yun tsaka ngayon niya lang sinabi eh nung nakaraan pa yon eh. 

"Wow..." 

"You mean... yeah wow... you're damn good. I love this version more than the first one." then she smiled at me tapos nung narealize nyang nakangiti sya and dropped it off instantly. I pressed my lips to stop myself from laughing. "What?" 

"You look good when you smile." I said smiling. Tapos tiningnan niya ako ng masama kaya I dropped my smile.  "Yeah..." ackward kong sabi. Nang dumating ang professor ay tumuloy na naman ang klase namin at kung ano-ano pang activities. 

I was able to focus more these days. I've become more active, I can really feel the life going, moving for me. It feels right.

After ng class ay pumunta kami ni Cana sa canteen. Wala pa ang mga elites pero may nakikita akong ibang pinagtitinginan yung mga tao. He's familiar. Yung reaction ni Cana mukhang kilala niya din yung lalake. He was sitting behind the table of the elites kahit na wala pang tao don. 

"Pamilyar sya." 

"Oh, that's Chrome. The vlogger. Sikat siya sa loob at labas ng school and he travels a lot. I can see na nakabalik na sya. Hindi ko alam kung bakit sya nag-accountancy when it's obvious na pang communications sya." sabi niya habang kinukuha ang order namin. 

"Oh... I remember."  Bago ako pumasok sa school na'to nag research din ako kung among special and nakita ko yung vlogs niya about this school. He's very friendly sa vlogs nya, mukha lang syang busy ngayon. "Tama, isa sya sa mga result ng searches ko nung nalaman kong ililipat ako sa school nato." 

"Well, he's good. Busy lang talaga sya sa vlogging, bihira lang din talaga sya makita dito, madalas sya sa building nila ng business people. He's like a rare species dito sa canteen. Member din sya ng swimming club and music club." Napatingin ako sa kanya nang sabihin niya ang music club. 

"Huh? Music club?" tumango lang sya at pumunta sa upuan namin. Sinundan ko naman sya. I haven't seen him there. Not even once? "Never ko pa sya nakita don."

"Pag ikaw taga-document ng mga bagay-bagay, isasama mo ba ang sarili mo?" napaisip ako sa sinabi niya habang paupo sya, may point yung question niya, kase hindi nga alam nang karamihan that I can sing not until recently.

"May point. Well... still vlogger pa rin sya, so technically kasama mukha niya sa mga ganon."

"I'm talking about music club documentary." feeling ko, lagi akong mali. Or feeling wala akong tamang idadahilan pag si Cana ang kausap ko. 

"Di ko alam."

"Kaya mo yan, find it for yourself." sabi na lang ni Cana then she eat. My nonchalant friend leaving me hanging. I rolled my eyes tapos kumain na din, pinagusapan na lang namin yung mga tungkol sa activities na gagawin before the semester ends. 

The BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon