Chapter 18

12 1 20
                                    


We've been going out, secretly.

Swepre hindi pwedeng malaman ng mundo na may girlfriend sya. He's not hiding me; I am hiding myself. Alam ko ang mangyayari pag nalaman nila yun. Madaming controversies and I don't want to ruin his career. Kilala na sya pero malayo pa ang mararating nya, ayokong maging dahilan ng fall nya. I am happy about his achievements in life, and I wasn't there by his side that time para ako ang sumira nun ngayon so I'll keep myself hidden until the right time comes.

Sa ngayon, we are preparing for our performances.

Nakaramdam ako ng kaba pero I am converting it to excitement, wala kasing Magandang dulot yung kaba sa kahit anong stage, sa kahit anong bagay.

At isa pa, ngayon na lang ulit ako sasalang sa stage. Hindi ko alam kung ilang malalalim na buntong hininga na ang nabitawan ko habang nandito kami sa dressing area. They are all preparing.

Nakakaramdam ako ng kaba dahil crucial ang role ko, hindi ako pwedeng magkamali at hindi ko ding gugustuhing magkamali. I'll be doing piano, and I won't do any singing since I said I'll focus on the piano. They agreed to it. I am running the song in my mind. We rehearsed it perfectly and had a good run yesterday, so I think we'll be fine. I need to stop overthinking it.

They have started the event, and I can hear the loud voices of the crowd, madami talaga ang tao since the music club is one of the highlights of the school fest. Lalo akong nakaramdam ng panlalamig.

Nagtayo ng concert stage sa school ground instead of using the auditorium. Tapos ang backstage namin ay ang entrance ng school at doon din nagtayo ng mga tent that serves as dressing area.

Lumabas ako ng dressing area kase nga kinakabahan ako pero nakaramdam ako ng paghila sakin nang makalampas ako sa isa sa mga tent.

"Hey." Nakita kong si Frances yon.

"Oh! Nagulat ako sayo." Sumenyas sya ng 'shh', naka-separate yung dressing area ng lalake sa babae at mukhang wala na ang ibang boys dito, sya na lang.

"Are you okay? Para kang kinakabahan ah?" Nabasa nya pala ako. I nod. Kahit pilit kong tanggalin sa utak ko na hindi ako kinakabahan lumalabas yun tulad ng panlalamig ng mga kamay ko. "I see... di naman kailangang ma-pressure o kabahan, you've been doing this for a long time, well you stopped, or made a pause, but it doesn't mean na nawala yung talent mo, it's always there. The rehearsals were good, so I think you're going to be fine.'

"What if magkamali ako?" Ito talaga ang isa sa mga iniisio ko, nakakahiya kaseng magkamali sa crowd.

"Mistakes are always there, and there is always room for making it up, kaya wag mo munang isipin yan. Just breathe in, breathe out, relax, you'll be fine." He smiled at me. Hindi ko inakalang kailangan ko to sa buhay ko, hindi ko inakala na darating ako sa ganitong klase ng comfort from him. Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin sya.

"Thank you." Alam kong nagulat sya sa ginawa ko pero yun lang kase ang kaya kong magawa ngayon. Naramdaman ko ang pagyakap nya sakin pabalik.

"You're fine." He kissed my forehead na nagpa-relax lalo sa pakiramdam ko. "You'll be fine my dear." Aww... to be loved like this. I can't ask for anything else. Niyakap ko ulit sya dahil sobrang sarap sa pakiramdam non pero kumalas din ako kaagad.

"Thank you." Sabi ko sa kanya. "Alis na ako, baka may makakita pa sa'tin haha." We both chuckled.

Lumabas na ako ng tent o dressing room niya, I checked my surroundings before going out, mahirap na baka may makakita, ma-issue pa sya. Bumalik ako sa tent kung saan dapat ako at nandoon sila naghihintay.

"Ceri! Are you okay?" Sinalubong ako ni Lili, ngumiti ako sa kanya at tumango. "Good. Let's do this!" She giggled. Halatang excited sya sa mangyayaring performance. Lagi naman sila sumasalang sa ganito kaya normal lang na lagi silang may fire, or drive to do this, like I used to do.

The BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon