Chapter 25

10 1 31
                                    




She has become paler.

Nakita ko na ulit si Lili. Ilang araw din kaming hindi nakita mula nung magpasukan, they said she was on medication. Looking at her now, she looks different. Tinitingnan ko si Graeson, his energy is screaming with sadness.

Magkakasama na naman kaming tatlo dito sa canteen.

"Sabihin niyo nga sakin." Sabay silang tumingin sakin. "Anong nang nangyayari sayo?" tanong ko directly kay Lili. She smiled.

"I'll tell you soon." sabi niya. That sweet smile.

"You sure?" sabi ni Grae samin. He looked worried. He asked me if I could take it, and he asked her if she could do it. It's a two-way conversation. She nodded and so I did.

"But not now." Tumingin sya sa labas. Ang layo ng tingin nya sobra. I sigh...

"I understand, o-order ako ng coffee, would you like some?" tanong ko. Umiling silang dalawa. 

"Okay, hold on." sabi ko na lang at pumunta sa counter at um-order ng kape. Habang hinihintay ko yung kape, tiningnan ko ang buong paligid, andon na naman yung Chrome tapos may ilang nagpapa-picture sa kanya.

That guy is good. I remember watching some of his vlogs and he explained things smoothly. So... sikat talaga sya when it comes to vlogs. Malayo sya sa upuan namin pero almost aligned lang. Baka hindi sila super close nina Grae or what.

"Here's your coffee po."

Nag-order ako ng iced coffee para magising-gising naman ako. Curious din ako kung ano ba yung sakit ni Lili, she's not looking good as the time goes by, parang palala lang ng palala yung sitwasyon niya. I sigh as I leave the counter papunta sa table namin. Nakakailang hakbang pa lang ako ay may bumangga mula sa likod ko, hindi ko na-kontrol ang impact ng pagkakabangga mula sa likod kaya natulak ko paharap ko yung kape na naging dahilan kung bakit natapon yun sa kasalubong ko. Yung kapeee kooooo! Napangiwi naman ako sa tili ng kasalubong ko.

"Are you not looking on your path?!! The fuck!" tumingin naman ako sa nakabangga sakin, she mouthed sorry tapos tiningnan niya yung natapunan ko ng drinks, pinapagpagan ng mga kasama niya yung uniform niya. Yung nakabangga sakin has this disgusted looks on the girls, oh... tourism students.

"Hala sorry!" sabi sakin ng nakabangga, tapos ako naman nagsosorry din dun sa natapunan ko ng kape ko. Gulo-gulo ng mundo, tapos na-realize ko na hindi ko naman din to fault... pero nagso-sorry ako.

"What? Sorry? Natapunan sya oh." sabi ng friend nung nabangga ko, mas hostile talaga ang friend.

"Uh, di ko sadya eh." sabi ng nakabangga sakin. She has this familiar sound though ngayon ko lang sya nakita.

"Enough talking! Dinumihan niyo uniform ko! Wala akong pake kung sino sa inyo ang may kasalanan, it seems to me that both of you have done this thing!" Di ako makasagot, hindi ko din kasing ugali ang manisi, kasalanan niya naman yun talaga pero para ipagdiinan pa, parang hindi naman na tama yun since aware naman sya sa nangyari.

"Pwede naman sigurong labhan." sagot niya. Her personality speaks a lot...

"Ano?" ang nangyayari ngayon, silang dalawa ang nag-uusap tapos nasa gitna ako. The effect was my coffee, the cause was her, and I am the weapon. AHAHAHAH ewan...

"I mean, labhan na lang. Dala mo naman yata yung PE mo diba? Magpalit ka na lang tapos kami na ang bahala sa uniform mo." sabi niya. Omg... tiningnan ko yung babae na nabangga, she looks high end, same course ni Yana, tapos yung pagiging conyo niya, medyo masakit sa tenga pero halatang natural.

The BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon