Lumipas ang mga araw, halos araw-araw na kaming mag-kausap ni Kaizo, kase mas magandang pag-usapan yung kanta sa call kesa sa chat. Hindi ko pa sinasabi kay Frances to, gusto ko syang i-surprise na naging composer ako ng isa sa mga sikat na banda. Na-e-excite na nga ako sa magiging result, mabilis ang progress namin ni Kaizo kase madali naming maintindihan ang isa't-isa tungkol sa kanta di tulad nung kay Craeyan dati, madami kaming revisions, pero as friends, we are good, sa professionalism ni Craeyan halos lahat gusto niya perfect.
Namimiss ko tuloy sya. Kahit ilang beses kong i-check yung email at kahit anong socials na meron ako sa kanya, walang reply. Never ko na din syang nakita na active sa mga yun. Para bang wala na din sya.
Nababawas-bawasan naman na yung mga reporters na umaaligid sa akin, nag-laylo din muna kami ni Frances at nagdesisyong wag muna magkita dahil sa chismis. Ang buhay ko ngayon ay school, music club, at sa darating na bakasyon ay yung tea shop.
Si Erylle, bihira ko na lang sya makita, si Graeson naman, huling kita namin yung sa lumang music club, yung mga pinsan ko hindi ko na din sila nakikita kase nga graduate na sila... ako naman isang sem na lang ga-graduate na. So good.
I will pursue music on the backstage pero ayokong umasa sa pangalan o sa pamamagitan ni Frances o ng lolo ko. I want to earn it my own.
Naka-receive naman ako ng notification galing kay Kaizo.
KAI ZO: My sched are good... are you available this week?
Oh... this week...
: Sure, kailan ba?
KAI ZO: Friday night? What do you think?
Tama lang yun kase may klase ako ng umaga eh. Sumang-ayon ako sa kanya since wala din naman akong ibang agenda that day. The piece is almost done na din naman and I think he's really excited to know hear the song. Excited din naman akong matugtog sya ng buo with Kaizo tsaka for sure may mga revisions kami pero minimal lang since nahihimay naman namin yung kanta through our calls.
He was actually fun to be with hindi tulad nung unang beses kaming nagkakilala. Mas nakikita ko na ngayon yung side niya, he's also gentle, sadyang matapang lang yung aura nya, and of course kung paano sya magsalita, may angas talaga sya sa sistema niya.
FRIDAY NIGHT
Nagpaalam ako sa lolo ko na pupunta ako kay Kaizo, so far kilala niya si Kaizo dahil sa Rising Band and mas updated pa sya sakin dahil mas kilala niya pa yung mga new singers and talents. Sabagay he's an investor eh tsaka hands-on talaga lolo ko sa businesses namin... NAMIN?! Wow... nasasanay na yan? AAHAHAHA Wala lang...
Nagpahatid ako sa isang exclusive condo building... Condo? Hm...
"Thank you Eloi, tawag na lang ako pag papasundo na ako." sabi ko sa driver ko. Sumang-ayon naman ito at saka umalis. Nakatira si Kaizo sa gitna ng city dahil sa dami ng buildings na nandito, tsaka matataas, puro high-rise.
Pumasok ako sa automated-sensory door, sumalubong sakin ang classic jazz music ng lobby with warm tone of lighting pero sobrang liwanag ng lugar, sa harap naman ay may mahabang reception. Nagpalinga-linga ako sa paligid dahil sabi niya ay susunduin niya ako sa lobby, may mga tables and chairs sa lobby at may mga ilan ding nakatambay doon. Nakasuot lang ako ng plain na black shirt, loose denim shorts, nag-cap ako ng white, tapos naka-sneaker, may dala lang akong maliit na bagpack.
Nakita ko naman ang pigura nyang papalapit sakin, galing sya ng elevator. Kumaway sya sakin. Ngumiti naman ako.
"Sorry, madaming gumamit ng elevator." sabi niya tapos pumalad sya sakin. I tilt my head. Hindi ko sya na-gets. Anong hinihingi niya? Yung piece? Like now na?
BINABASA MO ANG
The Bridge
Teen FictionCerium lost interest in life after her parents died in an accident. She was sent to live together with her aunt. She was enrolled in a prestigious school where she met the elites of a music club that would make her life run like a song and will lead...
