I started the workshop.
I was successfully enrolled to a workshop on the company so after shift ko sa internship, workshop naman. I feel like I am going to have productive days. Violin workshop... dito ako nilagay ni Cana kase sa tingin niya yung ibang workshop ay sobrang easy para sakin. She's confident about my skill, hindi pa nga ata niya ako nakikitang nag-violin.
"You're Cerium." I was fixing my things on the locker area para ilagay yung mga gamit na hindi ko naman magagamit tapos dala-dala ko yung violin na bigay ni Erylle, ayoko to matulad sa luma kong violin na naluluma na lang dahil hindi ginagamit. Tsaka mas ma-a-appreciate ni Erylle kung alam niyang ginagamit ko yung bigay niya.
Binaling ko atensyon ko doon sa tumawag sakin. Hindi ko sya kilala, naka-bob-cut sya tapos may highlight ng blue yung buhok niya. Medyo singkit din yung mga mata niya, mukha syang barbie pero yung tono nya towards me parng chaka doll. Tumango lang ako sa tanong niya.
"So you're the famous girlfriend of Frances?" sabi niya. Yung ibang nasa locker area napatingin samin. Tiningnan na naman nya ako from head to toe. JusQ naman... gusto ko lang naman magworkshop at bumalik sa violin... well not really, si Cana naman nag desisyon nito. Sa Violin niya ako nilagay kase akala niya sobrang basic sakin nung ibang class, hindi pa nga niya ako nakikitang nagv-violin.
"Sya pala yon..."
"She looked normal to me."
"Plain?"
Dapat ba dyosa ako sa paningin nila para approve ako sa kanila as his girlfriend? Tsk... ito yung isa sa mga problema na iniiwasan ko na hindi inisip ni Frances. Well, di naman ako insecure or what, naiinis lang ako sa part na madami nang nakikialam sa buhay ko. Kung hindi nga ako hinahatid sundo, for sure masusundan ako kung saan ako nakatira.
"You're taking advanced level ng violin, are you sure you can keep up?" tanong niya. Maganda talaga sya kung ako ang tatanungin kaso hindi ko gusto yung awra niya sakin.
"I don't know..." yun lang sinagot ko, as much as posible, hindi ako pwedeng maging aggressive kase si Frances din ang mada-damage. Now, I need to adjust to this kind of people.
"Well, it's a shame na ganyan pala ang type ni Frances." kumunot noo ko sa sinabi niya, sure akong galit ako pero hindi ko alam kung sa pagbanggit niya ng pangalan ni Frances at yung salitang shame o yung subtext ng sinabi niya... siguro pareho.
"Miss... I don't think I've met you before para i-bring-up sakin kung anong type ng boyfriend ko." yun lang ang sinabi ko sa kanya. Mas lalong lumiit yung mga mata niya.
"Pero how was he as a boyfriend?"
"Omg... swerte niya naman."
Hindi ko ma-gets yung attitude ng mga tao towards me, hindi ko din mahanap kung sino ba sa kanila yung genuine ang pakikisama sakin.
"I'm just saying na..." bago niya ituloy yung sasabihin niya ay tiningnan niya ako from head to toe na naman... kanina pa to. "He can have someone better."
"Sa kanya mo sabihin yan." sabi ko. Inilagay ko doon sa locker yung mga hindi ko naman kailangan tapos bitbit ko yung bag ng violin ko. "Ah... close ba kayo? Mukhang hindi, you could've said those words to him." iniwan ko sya doon tapos nag-iwan yun ng bulungan sa locker room.
Napansin kong medyo nagbago na talaga ako ng konti, I can face that woman, parang yumabang ako sa part na yun. Napahinto ako nang hawakan niya ang braso ko. Nilingon ko sya.
"Anong sa tingin mo ang gagawin mo?" Napatingin kami sa bagong dating. Baritono ang boses nito. Well, he's tall...
"Kaizo..." Kaizo?
BINABASA MO ANG
The Bridge
Teen FictionCerium lost interest in life after her parents died in an accident. She was sent to live together with her aunt. She was enrolled in a prestigious school where she met the elites of a music club that would make her life run like a song and will lead...