60 minutes before the performance...
Nasa tent ako kung saan ang mga artist ng music club. After nyan, set na namin ni Craeyan. Nasa kabilang side sya ng kwartong to tapos may nakapasak na earbuds sa tenga nya, naka-sandal sya sa upuan niya tapos nakatingala.
Nakakaramadam naman ako ng kaba which is normal when performing. NAsa likod ng utak ko yung kantang ginawa namin ni Craeyan para kay Lili, tapos aprang sa kabilang part ng utak ko yung kantang narinig ko kanina. Napakamot ako sa batok ko. Lalabas na muna siguro ako para makasagap ng hangin at mag-prepare.
Paglabas ko ng tent ay saktong pagsalubong sakin ni CC kasama si Yana, I gave them a boring look.
"What's with the changes?" salubong niya sakin. Wala nga din pala sya sa meeting kanina.
"I think you're asking the wrong person." sabi ko sa kanya at nilagpasan sya pero hinawakan niya ako sa braso ko, ano bang problema ng isang to sakin? "Bitawan mo ko." Sabi ko sa kanya.
"You've been pretty annoying lately, don't you know that?" kumunot naman ang noo ko. Hindi ko talaga sya naiintindihan.
"Anong sinasabi mo?" hndi ko alam kung saan nanggagaling yung mga emosyon na binibigay niya sakin eh.
"What's with your show this noon? Kung maka-iyak ka for Lili kala mo ang tagal nyo nang magkaibigan." sabi nya. Hawak niya pa din yung braso ko. She's so insensitive.
"Why are you mentioning her name here? What's wrong with you!" Binawi ko ng pwersahan yung braso ko mula sa pagkakahawak niya. "Pinsan ka ba talaga niya hah?!" Nagagalit ako sa kanya, bakit kailangan pa nyang banggitin yung pangalan ni Lili tapos yung galit niya hindi ko naman alam kung saan nanggagaling.
"Mukhang you're enjoying the spotlight na eh, ipapaalala ko lang sayo kung sino ka. We bare the same name pero hindi ka ako." I looked at her with boringness, ito yung part ng buhay na ayokong mag-effort dahil hindi ko naiintindihan kung saan sya nanggagaling. Hindi ko alam mararamdaman ko kaya tumawa ako.
"Hindi ko alam kung anong trip mo s buhay pero sana wag ka nang mandamay." sabi ko sa kanya. "Nagsasama-sama ka kase dito kay Alyana kaya nahahawaan ka ng masamang ugali eh." Sabi ko sa kanilang dalawa. Napa-awang naman ang bibig ni Yana.
"Ang kapal naman yata ng mukha mo?" tanong sakin ni Yana.
"Wag mong hintaying ako ang magbalik ng tanong na yan sayo." mataman ko syang tiningnan.
"Anong isusumbat mo sakin yung kanta mo?" sabi niya. Humakbang ako palapit sa kanya then I smirked.
"Buti alam mo." Matagal nang naubos pasensya ko sa pinsan kong to, pareho sila ni CC, mga taong hindi ko maintindihan. Kung ayaw nila sakin pwede naman nila akong kausapin at prangkahin hindi yung ganito na paligoy-ligoy pa.
"Tss... kala mo naman ang ganda non." sabi ni CC.
"Kaya nga ninakaw kase maganda eh." Baling ko sa kanya. "Diba?" tingin ko sa pinsan ko. Hindi naman sya nakasagot sakin. "Wag niyo nga akong ini-istorbo kung wala kayong importanteng dulot sakin." Pakiramdam ko salubong na ang kilay ko dahil sa dalawang to. Mas iritable ako ng mga panahon na to.
"Anong meron sa inyo ni Frances?" tanong ni CC. I looked at her sharply.
"Ngayon si Frances naman ang topic natin? Can we have one topic at a time?" ang gulo ng utak nya!
"Sumagot ka."
"You're curious? Ask him, don't ask me."
"Alam namin kung gaano mo sya ka-idol... you can't seduce a fine man Enriquez." sabi ni CC. "You think magkakagusto sya sayo pag dumikit ka ng dikit sa kanya?" Anong sinasabi ng babaeng to tungkol sa boyfriend ko? Napapailing na lang ako.
BINABASA MO ANG
The Bridge
Teen FictionCerium lost interest in life after her parents died in an accident. She was sent to live together with her aunt. She was enrolled in a prestigious school where she met the elites of a music club that would make her life run like a song and will lead...