Chapter 20

10 1 6
                                    


"Kakantahin mo ngayong gabi ang sarili mong kanta."

"Kakantahin mo ngayong gabi ang sarili mong kanta."

"Kakantahin mo ngayong gabi ang sarili mong kanta."

Para bang huminto ang mundo ko at nag-echo ang mga katagang yan sa utak ko. By means na kakantahin ngayong gabi yung kanta ko... meaning, yung Wolves? Yun ba ang finale nila? Yun ba ang dahilan kung bakit sila busy lagi, kung bakit lagi silang may excuse?

"Ceri. This is your piece and we promised to bring it back to you, right? And this is that time. You sent us the arrangement for it and we love to do it... I just made some additions but it's nothing trivial. You got this." sabi ni kuya Crae. 

"We heard your voice earlier... you can pull this out." sabi ni Frances. Nakaramadam ako ng kaba at excitement, of course, I'd love to sing that, it's my song. But is it really today? Ngayon ba talaga dapat?

"We're going to prepare. Let's go." umalis sila sa harap ko at umakyat ng stage. Nagpaiwan naman si Frances. 

"Uhm..." Hindi ko pa nahahahanap yung mga salita na dapat kong gamitin.

"We trust you, you can do this." Frances softly said and held my hand.

"If she can't, I'll do it." rinig kong sabi ni Yana na may tingin na makahulugan sa paghawak sakin ng kamay ni Frances. Medyo uminit tenga ko sa sinabi ng pinsan ko, hindi ko alam kung saan nya nakukuha ang kakapalan ng mukha niya. 

"Alyana, I don't think you have the right to sing this song." sabi ni Frances sa kanya. Gusto kong tanggalin ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero ayaw niya akong bitawan. 

"I'm just kidding." umalis sya at sinalubong si CC sa gilid ng stage. Hindi ko na sila pinag-aksayahan ng atensyon dahil hindi naman dapat. Naiinis lang ako eh, pero at least di na ako gaanong kinakabahan. 

"I'll prepare my stuff up there... see you on stage dear." He hugged me then he left. Huminga ako nang malalim saka sinundan si Frances at huminto sa gilid ng stage. Lumunok ako ng laway ko at nagpakawala ng hininga na mabigat. 

"What's with you?" Tanong ni CC sakin. "You seemed close." hindi ko pinansin ang sinasabi ni CC. I've got something to worried about other than her. "I'm talking to you Cerium." 

"Wag ngayon." This is not the time to argue, wala ako sa mood and it's a waste of my energy. Ayoko siya bigyan ng satisfaction pagdating sa ganitong bagay, I can feel her.

"She's going to sing her piece." singit ni Yana.

"This is the finale?" so hindi niya alam. "Wow... you've become so special Cerium, I guess sharing my name gives you luck." kumunot noo ko sa sinabi niya, ano na naman problem neto sa pangalan? Ganyan ba sya ka-bitter. Umiling lang ako. "I don't like being ignored lalo na ng isang tulad mo." hinawakan niya ako sa braso to the point na bumabaon ang kuko sa balat ko. 

"Nasasaktan ako CC." may diin kong sabi. 

"So I got your attention now?" Binawi ko ang braso ko pabagsak, gumuhit ang kuko nya sa balat ko. 

"Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan sakin. I don't have anything against you. The name? There are a lot of people wearing the same name, you're not so special, to be honest." Hindi ko napigilan ang sarili ko na sabihin ang mga hindi ko dapat sinasabi. "At least to me." I added saka ko itinaas kilay ko. She's about to say something... ayokong isipin niya na I am what I am because we share the same name. I made this far from scratch, I am the fruit of my parents.

"Cerium." Pareho kaming tumingin kung saan nanggagaling yung boses. Si Craeyan, kasama si Lili. "Please change." Nakatingin siya kay CC. "Umakyat ka na don." saka tumingin sakin. 

The BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon