Chapter 13

14 1 0
                                    

Chapter 13


My weekend was a blast! Di ko akalaing maliit talaga ang mundo. Kung tutuusin malaki, pero kung nakatadhana kayong magkitang muli, talagang magkikita at magkikita kayo. Di ko inasahang ibabalik niya sakin yung mga sinabi ko sa kanya. Natutuwa ako pag naaalala ko yun. Siguro nga tama yung isang linya ng drama na napanood ko na darating talaga ang isang tao o sitwasyon kapag kailangan mo. Kailangan ko ng masasandalan o makakapagpagaan ng loob ko sa mga panahong to at sya yung dumating para iligtas ako, well in fact he's  been saving me, through his songs. 

"Baliw ka na ba?" Cana snapped at me.

"Oh?" Napatingin ako sa kanya. 

"Nakangiti ka mag-isa." May inabot sya saking pamphlet tapos umalis na sya. 

Hmm... Ano to? 'School Fest'? Wow, gaganapin siya one whole week after exam. Hmm... Mukhang magandang ganap to ah. Mukhang lahat ng clubs kailangang mag-participate. Ano kayang gagawin ng music club?

Naramdaman ko naman ang pag-vibrate ng cellphone ko kaya binuksan ko kaagad. Nasa notification panel ko si Sylvester.

Sylvester: School Fest.

Me: Oh, nakita ko nga. 

Sylvester: Time to show yourself in the club. We'll be having a meeting tomorrow after ng exam. 

Me: Wait. 

I was just thinking about this, kung anong gagawin ng music club without thinking na kasali ako. 

Sylvester: I know. But you have to do this. Di naman pwedeng nakatago ka sa club habang buhay, you need to show what you've got. 

Di na ako nakapag-reply sa text nya. Alam ko, naiintindihan ko, hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi ko pa magawang gawin harapin tong nararamdaman ko. Siguro, I feel guilty, because all my life, lahat ng pagtugtog ko kasama ko ang mga magulang ko because they are the one who supported me and pushed me to do the things that I love. Sila ang humubog sa talent na meron ako, hinasa nila ako tapos ngayong wala na sila... parang pakiramdam ko wala na din akong... 

"Excuse me, I am looking for Ms. Cerium Enriquez." sabi ng isang lalake na hindi ko naman kilala at hindi ko din naman namumukhaan. Tinaas ko yung kamay ko.

"Bakit?"

"Ah... pinapatawag ka ni Ms. Vallarta. Pumunta ka na lang doon." sabi niya sakin saka umalis. Napatingin naman sakin ang mga classmates ko lalo na si Cana na namimigay ng pamphlet. She's giving me a question mark look. Kumaway lang ako sa kanya as a sign of goodbye tapos nagpunta na ako ng guidance office. 

"Ms. Vallarta, pinapatawag niyo daw po ako." tumango lang sya. 

"Maupo ka hija." She seems to have a good day. Maaliwalas ang hitsura nya at mukhang may magandang balita syang ibibigay sakin. "I have a good news for you." Sabi niya. Alam kong good news yon pero bakit nakaramdam ako ng kaba?

"Ano po yun ma'am?" I am inquisitive right now. 

"This is a letter from him. You know who," she said. And I know who that is. "Pinapasabi niya na his operation is going to be tonight. Maybe it was indicated in the letter pero dahil sa delay pinasabi na nya, baka hindi umabot yung sulat. Nakahanap na sya ng eye donor." sabi ni Ms. Vallarta. Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan tapos naramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko kaya napatakip ako sa bibig ko kase di ko alam kung paano ko ilalabas yung kasiyahan ko. 

"Talaga po ma'am?! Makakakita na sya?!" pabulong kong sabi. Tumango naman si Ms. Vallarta at masayang nakangiti sa balitang ibinahagi niya sakin. 

"We're hoping for his fast recovery." sabi pa nito. Kinuha ko ang letter at nagpasalamat sa kanya. Pumunta ako ng lumang music room at doon ko ibinuhos lahat ng kaligayahan na nararamdaman ko. Napakasaya ko grabe! Yung weekend ang ganda, tapos weekday ko ganito!

The BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon