Nagsimula ang party ni Lili. She was stunning in her off shoulder purple gown. Sobrang bagay sa complexion niya. Wala ding bahid na may sakit yung hitsura niya ngayon, make-up does something good to our faces, bringing out the best in us as long as tama ang application. I can sense that she's having fun.
The event was full of life tapos yung sakin nauubos na.
Hindi naman boring yung party, sadyang di lang ako fan ng parties siguro. Hindi naman ako kabilang sa major guest kaya talagang ang gagawin ko lang ay manuod. Pero pag may chance ako mamaya, I'll go to her and greet her.
Hindi na ako nakakasabay sa flow kahit na nakaupo lang naman ako. Ang alam ko lang eh tapos na yung 18th roses. Kasama si Frances doon. Kinukuhanan ko sila ng picture kahit malayo ako. Natutuwa ako sa friendship nila, masaya akong naligaw ako sa circle nila. Hahaha
"Okay ka lang?" tanong ni Frances sakin. Tumango lang ako, kaso nakakaramdam ako na naiihi ako kaya nagpaalam ako sa kanya na mag-c-CR, hindi naman nya ako pwede samahan don. Feelin ko nga kung pwede sya sasamahan nya ako eh. Di kaya, patay na patay na sya sakin?
Joke lang.
Nag-retouch na din ako. Medyo madam-dami na din akong naiinom na cocktail dahil kay Cana pero mukhang okay pa naman ako. Hindi naman din yun ganon katapang.
Nang makalabas ako nang comfort room ay nakasalubong ko yung matandang nasa table ng mga Fremenger. Yung mala-don ang pormahan. Muntik pa kami magkabanggaan.
"Pasensya na po." Yun agad ang nasabi ko. Tiningnan ko syang mabuti. Iba talaga dating ng mga mayayaman.
Hindi ko na naabutan ang mga grandparents ko but we used to visit their home in the province from time to time, binibisita din namin ang puntod nila, naglalaan kami ng oras at panahon for them kahit na wala na sila. Turo din sakin yun ng parents ko.
"Oh... it's alright hija." Aalis na sana ako kaso nakatingin sya sakin ng weird. Ang awkward layasan nang basta-basta.
"May problema po ba?" tinanong ko na sya. I don't want to be rude as much as possible.
"Nah, you're just familiar to me." After saying that he left.
Lagi kong naririnig yan, I'm always familiar, they have seen me somewhere before... para sakin, maliit lang naman kase talaga ang mundo, kahit ako di din ako makapaniwala minsan na yung taong nakita ko na, makikilala ko pa lang, o kilala ko na pero hindi ko natatandaan. Maybe past life is real. I believe in that too.
Lumabas na ako nang tuluyan nang masalubong ko naman si Craeyan. Oh... kakaiba din awra ng isang to.
"Cerii."
"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya. He nodded then left. Hala... he doesn't look good talaga. Bumalik ako ng table namin.
"You good?" tanong sakin ni Frances, I nodded as a response tapos nag-focus na ulit kami sa party. Natapos ang mga major events at nagpaalam na samin ang mga magulang ni Frances dahil kailangan na ding umuwi ni Elysia. The kid was pretty and kind.
"Sige po tito, ingat po kayo." Yun lang ang nasabi ko. Hinatid sila ni Frances sa entrance, nanatali kami ni Cana dito sa table. Lumapit naman si kuya Crae samin.
"Yo Cana!" Tumango lang si Cana sa kaniya tapos bumaling na ang atensyon nya sakin tapos umupo sya doon sa pwesto ni Frances. "Ceri, can you come with me? My parents wanted to meet you." HAH?
"Ako?" Tumingin samin si Cana.
"Well, remember that jam last time with my brothers?" I nod. "Recorded yun via CCTV, our CCTV has a good sound quality and I let them watch it. They liked it. They noticed that you were there and want to know you." He innocently smiled at me. Tumingin naman ako kay Cana, she's not looking at us anymore but I know she's a multi-tasker, she can hear everything.
BINABASA MO ANG
The Bridge
Teen FictionCerium lost interest in life after her parents died in an accident. She was sent to live together with her aunt. She was enrolled in a prestigious school where she met the elites of a music club that would make her life run like a song and will lead...