Bago maging tuluyang busy ang lahat, Lili created a party, an intimate party. Hindi ko to matatawag na party kasi nga, it's an announcement of her... passing or something like that.
"I want it to be purple and aesthetic." she said with enthusiam. Nandito kami sa music club at nagpa-plano. Kasama namin is Craeyan at Graeson. Tinanggal namin sa listahan ng tutulong si Erylle kase guest dapat sya, yun ang sabi ni Lili. Gloomy naman ang mood ng dalawang kasama ko. "Come on guys... this thing should be done."
"Sino-sino ang i-invite mo?"
"Hmm... of course, you, people here at the music club, pero specific person lang... I'll give you the list when I'm done." Di ako makapaniwalang gumagawa kami ng party para sa taong mamatay na - I don't want to say that but I have no choice.
"Okay, sige."
"Just treat this as a despedida for me. You all know that I am not getting any better."
I took a sigh. Inilapag ko yung ginagawa ko.
"I do not like this," I said to them. "To be honest." I had to support this, this is a dying wish... but... "I understand... hindi lang talaga sya nakakagaan ng loob ko. I feel like celebrating 'cause 'I am glad that you're dying'... that's not how I should think but it comes out and I don't like it. That's how I feel." sabi ko na lang. Hindi ako nag stutter.
"I understand how you feel," Lili said. "To be honest, I am not happy about his either. But thinking about everyone I will leave behind without seeing them breaks my heart even more. My heart was trying to make memories that I can remember once I travel alone on the other side, if it exists, I want something that I can cherish. I may sound selfish right now but when you're dying you tend to be more... selfish because you only have a little time." Walang bahid ng galit ang pagkakasabi niya non. Naiintindihan ko naman, pinilit ko ding i-sink-in. Siguro masakit lang talaga tong part na to ng buhay.
"I'm sorry."
"No, I'm sorry for giving you the pressure in doing this." sabi ni Lili. Napatingin ako kay Graeson na nagpunas ng mata. Di nga ako umiyak eh, sya naman tong umiyak.
"I can't." sabi ni Grae saka tumayo at umalis. Nagkatitigan lang kaming tatlo na naiwan.
"Can't blame him, he's been there for you..." sabi ni Craeyan. Masakit kasi talaga tong pinagggagawa namin. Gusto ko habulin si Graeson kaso hindi ko din alam ang sasabihin ko sa kanya, kung may tao mang dapat kumausap sa kanya, si Lili yun.
"I'll talk to him." Tumayo si Lili, bago pa sya makatayo ng tuluyan ay parang bumagal ang oras para sakin, unti-unti kong nakikita ang panlalambot nya. She wasn't able to stand straight and her body fell, bago pa bumagsak ang katawan niya ay nasalo na sya ni Craeyan, and now she's unconcious.
"Babe! Lilania!" tinapik-tapik naman ni Craeyan ang mukha ni Lili, dumudugo din ang ilong niya. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at tumawag ako ng ambulansya, hindi naging sapat ang cellphone ko kaya habang kumukontak ako ay nagtawag ako ng iba pang estudyante na makakatawag ng ambulansya.
"Tumawag ka ng ambulansya!" sabi ko sa nakasalubong ko. Lumabas ng music room si Craeyan buhat-buhat si Lili. Ang ginawa ko ay tumakbo kami papuntang entrance kaso malayo yun, hinawi ko ang mga estudyanteng nakaharang sa daraanan namin.
"Tumabi kayo!" sigaw ko. I was crying as we run on the hallway, tumutulong na din ang mga ibang estudyante, some are asking what was happening. Nang makarating kami ng lobby ay sinalubong kami ng mga medic. Hingal na hingal ako kaya medyo natisod na ako sa pagtakbo, di pa ako nakakabangon ay may lumagpas sakin na napakabilis ng takbo. It was Graeson.
BINABASA MO ANG
The Bridge
Teen FictionCerium lost interest in life after her parents died in an accident. She was sent to live together with her aunt. She was enrolled in a prestigious school where she met the elites of a music club that would make her life run like a song and will lead...