Chapter 24

9 1 8
                                    


May mga bagong member na ang music club kaya hindi muna ako pumupunta doon, mas okay na siguro yon, ayoko din naman maka-istorbo sa mga bago. Sa lumang music room ako nagpupunta pag may time ako, ina-advance ko na din kase yung units ko, ginagaya ko si Cana, kaso sa kanya malala eh, hindi talaga sya nakokontento, ang talino ng babaeng yun. 

I took a sigh. 

For sure magiging busy na naman ang mga tao ngayon since new semester na, ako naman hindi naman masyadong occupied yung schedule ko dahil ilang units na lang ang tinatapos ko na wala sa past curriculum ko, mag-fo-focus na lang muna ako sa shop o sa mga instruments ko.

I've heard violin. Come to think of it, hindi na ako nag-focus sa violin mula nang mamatay ang mga magulang ko. Sabagay, madaming bagay akong na-neglect dahil sa pagkawala nila, sobrang laki ng impact talaga ng pagkawala nila at ngayon unti-unti ko pa lang binabawi.

Pag naaalala ko sila sa gabi, nalulungkot ako syempre, iniisip ko kung ano buhay ko kung hindi sila nawala, makikilala ko ba sina kuya Crae? Ma-no-notice ba ako ni Sylvester? Malalaman ko bang nanakawan na ako kanta? haha... no one knows, it's just that these things are happening because they are meant to happen... I guess.

I was riding the waves without a boat, but with Frances and everyone on my side, I felt like I was saved by a cruise ship. 

Pumunta ako ng lumang music club at naghanap doon ng violin na matino. May mga case ng violin doon na walang mga laman, kung meron man, mga sira o kulang ng string pero yung huli kong tiningnan... okay pa... I just had to tune it a bit. Hindi ganon katino ang pandinig ko, hindi magaling, hindi accurate pero kaya ko naman. Sablay lang minsa, pero kung sa violin, mas nauna ko tong natutunan bago ang gitara kaya mas kabisado ko to kahit kaluluwa na lang ako.

Nag matono ko sya ay inalala ko ang violin piece na narinig ko nung first day... canon yun... pinwesto ko pa lang yung violin sa balikat ko, nag-re-ready pa lang ako nang bumukas yung pinto. Nagkagulatan pa kami ng pumasok.

"Nakakagulat ka naman!" sabi ni Craeyan.

"Mas nakakagulat ka."

"Kailangan ba kumatok ako?" sabagay... hindi naman talaga namin gawain kumatok, kung may aabutan o wala yun na yon.

"Well..." hindi ko na natuloy yung sasabihin ko at gagawin ko nang hubarin niya ang coat nya at pinatong nya sa upuan, itinupi niya din ang sleeves nya hanggang siko, binawasan nya ang pagkakabutones ng polo niya ng dalawa saka umupo sa piano at tumingin sakin. Nakaharap kasi ako sa piano eh.

"What?" uh... tanong niya sakin. Hinawi niya yung buhok niya pa-brush-up. What the...

"Wala." sagot ko.

"You can play violin too?" tumango lang ako. Bumwelo sya sa piano saka nagsimulang pumindot ng keys. It means we're going to play classic today... at canon ang tinutugtog niya. Who doesn't know canon in D diba?

Naghintay ako ng signal niya o baka timing-an ko na lang kaya? Pero base sa figure niya at sa pagkakakilala ko sa kanya, he'll definitely go for a signal. 

Tumingin sya sakin at saka tumango. Dun na ako nag simula. Hinigpitan ko ang hawak ko sa bow, I slowly glided it to the strings. The control of playing violin is not easy, you have to hold it tight but the energy should be different dahil pangit ang magiging tunog pag nagkami ka ang kaskas. It should sound solemn, you can play with it's tone... napapapikit na lang ako habang ginagawa ko sya because you have to feel the music, the sound, na-realize kong may kasama nga pala ako, napatingin ako sa kanya na nakapikit din habang nag-pi-piano.

The BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon