Chapter 4

17 2 2
                                    

It feels like it's for me.

==================================================================

Isang linggo ang nakalipas mula nang mangyari yung aksidente, as of now, okay naman ako, halos tumagal din ako ng 3 days sa hospital dahil may nakapagpatrigger ng memories ko about sa parents ko, it was a nightmare for me.

"Here." napatingin ako sa nag-abot ng gatas na nasa box. Si Canary. "You look tired everyday and exhausted kahit wala pa tayong ginagawa. I think you need that." sabi niya sabay alis. Hindi man lang ako nakapag-thank you sa kanya. napahawak ako sa ulo ko, masakit na naman ang ulo ko.

Kumusta na kaya sya? Is he alright?

Hindi ako mapakali kaya nagpunta ako ng guidance council, they can help me I guess.

"Come in." Napalunok ako. Tatlong araw na din mula nung huling bisita ko dito.

"Ms. Enriquez, ikaw pala, take a seat, how are you?" tumango lang ako kay Mam Vallarta, she's at her 50's, maganda at mahinahon syang magsalita, fitted for the role of a guidance councilor.

"Mam... Hindi po kasi talaga ako mapakali, I don't know him but at least I want to know what's his state, kung ayos lang ba sya? Kung nakakapasok na ba sya? Mam... I need to know... please..." She sigh, lagi ko syang kinukulit pero wala naman siyang sinasabi sakin, we just end up about me, about my depression, my prescriptions. All about me. What about him?

"Cerium, hija..." feeling ko nag-isip muna sya... "Okay fine... walang problema sa kalusugan niya, he's well, but not emotionally well, and he is facing a huge problem." kumunot noo ko pero hinyaan ko lang si mam na ituloy ang sasabihin niya. "His eyes were damaged by the accident." napa-nganga ako, napatakip din ako ng bibig ko dahil sa nalaman ko.

"Wait mam..." lumunok muna ako bago ko ituloy. "... What do you mean?"

"Cerium, nabulag sya dahil sa aksidente. I know you've seen the damage on his face because of the glass particles, as of now he is going to US, kailangan niya ng eye donor, both eyes." tumulo ang luha ko sa narinig ko. Napahawak ako sa noo ko.Hindi na sya makakakita unless may eye donor sya. "And he can't find it here... so he needs to leave the country."

Tulala akong lumabas ng guidance office, nagtaka siguro yung student assistant dahil sa umiiyak ako at nakatulalang lumabas ng office, but it's really painful. I thought I saved him... I think I did but it's not enough. Sobrang bigat sa pakiramdam. I don't know him but... I can't stop thinking about it.

Umupo ako sa bench at tumingala. Sobrang sama na naman ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit ako guilty sa nangyari, dahil ba hindi ko nailigtas ang mama niya? Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit ko nararamdaman tong guilt na'to, I don't even know him.

"Omg... na-release na yung bagong music ni Frances!"

"Oh gosh, lemme see!"

"I'll come back for you! Wow!"

Napaupo ako ng maayos nang marinig ko yun sa mga tao. Kinuha ko yung earphone ko at pinasak sa tenga ko, kinuha ko din sa bulsa ko yung phone ko. Totoo nga, may bago nga syang music video.

I'll come back for you, back someday for you
If it's too hard for you, then do what you gotta do...

Naiyak na lang ako habang pinapatugtog ko yung bago niyang kanta. Bumalik ako sa pagsandal ko at pagtingala sa langit habang pumapatak mga luha ko. These tears are unstoppable, so as the pain.

The BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon