Nagising ako sa malambot na higaan. Inilibot ko ang paningin ko... nasa mausoleo pa din ako, nakahiga sa sofa yakap-yakap yung unan. Bumangon ako then I checked my wristwatch. Nakatulog pala ako.
It's already 5pm... mga tatlong oras na din pala akong tulog. Naalala ko si Craeyan. Wala na sya sa kabilang upuan, naka-sara din ang pinto. Mukhang umalis na sya.
Ramdam ko ang mga mata ko. Feeling ko namumula pa din sya. I sighed. Nagulat naman ako nang dahan-dahang bumukas yung pinto, parang nag-iingat magbukas. Bumungad sakin yung nakayukong pigura ni Craeyan tapos parang binuksan niya lang kung saan sapat syang kakasya tapos tumalikod para isara nang dahan-dahan yung pinto. Pagharap nya nagulat pa sya dahil nakita niya ako.
"Akala ko tulog ka pa." May dala syang echo bag na sakto lang naman ang laki tapos sa kabilang kamay niya may dala syang basket of flowers. Inilapag niya yung basket in between the names of my parents. "Sabi mo nakalimutan mo bumili ng flowers for them, tsaka I bought some food for you, I don't think you have enough, for sure di ka lalabas."
Hindi ako makapagsalita... I appreciate this so much. I nod.
"Thank you." Sabi niya. Kung tutuusin we are both broken by the loss of our loved ones. Inisip kong mabuti kung anong sasabihin ko dahil baka madulas ako. "Uhm... thank you. Yun lang kaya kong sabihin for now... you're supposed to be at your mother's grave... pero nandito ka."
"It's crowded there. Our relatives who failed to..." but he wasn't able to see her... "attend the funeral were there, besides, I always visit her... every time." he smiled. "So I'm just giving them this holiday. I can always take my time. Buti nga nandito ka eh, akalain mo yun. At least I get to stay in a quiet place." Napatingin kami sa labas. Madami-dami na yung tao compared kaninang lunch time.
"It's fine." Nilapag niya yung mga pagkain sa table.
"Kumusta ka?" he asked after sitting on the other side.
"Much better." he nodded. Now it's awkward. Hindi ko alam, siguro kase medyo okay na ako? Wala na ako sa dramatic part ng buhay ko. Medyo nahimasmasan na ako at nabawas-bawasan na yung bigat na nararamdaman ko.
"Nandito ka pa din bukas?" tanong niya sakin. Tumango naman ako, I plan to stay here until tomorrow.
"How 'bout you?"
"Wala akong choice. It's part of our family tradition, to stay here pag undas. Halos lahat ng kamag-anak namin sa side ni mom ay dito nakalibing. Dad's ancestors are in Spain so... yeah."
"Mukhang malaki pamilya niyo ahh." he nodded.
"Yeah... both sides, buti na lang nasa ibang bansa yung sa side ng dad ko." sabi niya. "Dadalaw din ang mga Fremenger, pero bukas pa. Tita Clarissa is mom's best friend, it must be painful for her too." I remember that their mothers set up their names. "Would you like to visit my mom too?"
I looked at him. I still remember how he looked like when I rescued him, puno sya ng bubog sa mukha. There was no trace of that now.
"I love to." ngumiti ako sa kanya. "Oh. uhm..." tumayo ako at humarap sa puntod ng mga magulang ko. Pinatayo ko sya at pinatayo sa tabi ko. Naguluhan man sya sa mga demands ko pero ginawa nya pa din "Ma... Pa... si Craeyan... he's from the Ahrillis University, we're on the same club too... we worked on a song and it was nice." I smiled introducing them a friend.
"Nice to meet you po." Sabi naman ni Craeyan at nag-bow as a sign of respect. Tumingin siya sakin, ngumiti lang ako sa kanya.
Bumalik kami sa magkabilang side ng upuan. Napatingin ako sa labas, padilim na, binuksan ko yung switch ng ilaw. Warm color yung ilaw na naka-install dito.
BINABASA MO ANG
The Bridge
Teen FictionCerium lost interest in life after her parents died in an accident. She was sent to live together with her aunt. She was enrolled in a prestigious school where she met the elites of a music club that would make her life run like a song and will lead...