Chapter 23

16 1 24
                                    


 "...I didn't say that I don't like you, but it was not easy to say that I love you for him."

==================================

That vacation is something that I'll never forget but it was over, just like that. Para lang akong kumurap tapos natapos na. Sobrang saya ko na tanggap ako ng pamilya ni Frances, we're legal on his side... LEGAL KAMIIII!!!! AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!

Hold on. 

Huminga ako nang malalim bago pumasok ng classroom, first day of class today. Medyo iba yung timeline ng pasok ko, dapat third year na ako pero kulang ako ng isang semester. Ngayong natapos ko na ang isang semester, kailangan ko mag take ng special courses para makasabay ako sa pagpasok ng 3rd year next sem. Christmas is in 2 months... tama lang din yon para habang naghihintay ako ng pasukan for next year ay may extra studies akong nagagawa, and besides, makaka-pag focus din ako sa cafe, madami-dami akong kailangang pag-aralan mula kay Ling. 

Bumungad sakin si Cana na naka-upo na sa seat nya, hindi ko inaasahang makakasama ko pa sya sa iba kong special courses. I observed her... she has this different look towards me. Weird look. 

"Bakit?" imbis na goodmorning ang sabihin ko, napatanong ako ng bakit... 

"Wala lang, I am just fascinated na girlfriend ka ng kuya ko." lumapit ako bigla sa kanya at pinatahimik sya. Buti wala pang tao sa klase. "What?" 

"Fascinated ka pang nalalalaman eh alam mo na nga bago pa namin sabihin sayo at bago ko pa malaman na magkapatid kayo." Napabulong ako sa kanya. "Alam ba nila na magkapatid kayo?" umiling sya. 

"Hindi naman sila nagtanong eh." May point sya, hindi din naman ako nagtanong sa kanya, I didn't suspect anything about her. As in never, wala. Ya'll know that! 

"Hmm..." 

"Nandito ka ba dapat? Diba mag-pe-prepare kayo for the promotion?" Ow... actually di ko alam yun part na yon... o baka nakalimutan ko? Hindi ko alam, I've been on cloud 9 mula nung school fest hanggang vacation. My heart is happy, my brain is floating, everything is just... relaxing. 

"Uhm... hindi ko din alam. Ehehehe..." Naka-receive ako ng text. 

'If you're looking for me, we're at the audi... it's okay if you won't come, try to relax.' 

Ano ba yaaaaan! Kinikilig ako! 

"You're blushing." sabi niya sakin. Shet... tapos alam niya na lahat ng blush ko ay tungkol sa kapatid niya since day one. 

"Cana!" 

"What?!" 

"Wala... naiinis ako na hindi, kase ikaw nakakaalam ng tungkol sa akin - though not all - still... ewan... basta... AHAHAHAHA EWAAAANN!!!" nilapag ko gamit ko saka umalis. Hindi ko na nakita yung reaksyon ni Cana. Natatawa ako na naiinis na hindi ko maintindihan eh. 

Maganda ang mood ko kumpara nung unang first day ko... unang first day... unang first day... whatever... hindi siya kasing gloomy noon sa ngayon, it changes in months lang, siguro nga malakas ako katulad ng sinasabi ng doktor ko at ni Frances, he was actually surprised how I was able to cope up alone. It's just that I have no choice but to be strong, tsaka kilala ko parents ko, they will keep me going... they will do that kahit nasa kabilang buhay na sila, ayoko umabot sa point na dadalawin ako ng multo nila. 

Pumunta ako ng auditorium, ang pwede lang pumasok ay member ng club since hindi pa start yung promotion, mukhang recruitment na naman to for sure kase every sem or kahit middle of the semester merong nag tatransfer eh. Kita ko sila mula dito sa itaas. Busyng-busy sila sa ginagawa nila specially kuya Crae and Frances, hands-on talaga sila sa ganitong bagay. Napangiti naman ako, mukhang malapit na sila matapos sa ginagawa nila. Napasandal lang ako sa pader habang lowkey na tinitingnan si Frances. 

The BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon