Despite of my busy days, pumunta pa rin ako sa meeting ng music club as we plan the event for the upcoming valentines day. Masasabi kong music is really part of my priority at hindi na sya maaalis sa akin kahit saan man ako magpunta, kaya nga ako nandito sa field na meron ako ngayon.
Maaga akong nakarating ng music club at nandito na din ang bagong president. Hindi ko sure kung makakarating ba ang mga pinsan ko dahil mga graduating student sila, mas busy sila sa lahat ng bagay. Na-realize ko din that I am starting to get used to it, calling them cousins.
"Hi Ms. Cerii." bati sakin ng bagong President ng Club. His name is Kean, to be honest wala talaga ako sa focus nung mga panahong nag-r-rise sya sa club because I was busy with my own world.
"Kumusta?"
"Eto, busy din pero wala nang mas bi-busy sa mga graduating at sa inyong mga nag i internship." he's polite at mukhang galing din to sa isang magandang pamilya, yan ang bagay na ayoko nang alamin pa.
"Makakarating ba sina kuya Crae?"
"Di din ako sure eh kase diba mga graduating na sila? Si kuya Craeyan nagsabi na hindi sya makakapunta kase hinahabol niya lahat ng requirements and subjects nya para makahabol sya sa graduation. Feeling ko hindi na sila makakarating." Nalungkot naman ako sa binalita niya sakin pero naiintindihan ko naman sila, sadyang kaya ko pa magbigay ng time ngayon. Si Frances hindi din makakapunta dahil busy na sya sa lahat. Buti nga at may time pa sya magpahinga. From school, work, thesis, halos doon na lang umiikot ang buhay niya pero kahit paano nagkaka-chat naman kami at video call para hindi namin maramdaman na napapabayaan na namin ang isa't-isa.
"Yun lang. Hindi na darating yung mga yun." Yun na lang ang nasabi ko, anticipating it.
"Well, may oras pa naman." Nag-asikaso kami ng music club together with others na nagsisidatingan. I will miss the seniors of this club. Lahat sila aalis at ga-graduate na, technically, isa ako sa maiiwan dito sa club... si Lucille...
"Hoi!" Speaking of Lucille, nandito na sya. "You're spacing out!"
"Oh..." Nakahawak lang pala ako sa mic pero hindi ako gumagalaw.
"Gutom yan. Long time no see." sabi ni Erylle sakin. Totoo naman. Si Lucille kahit papaano nakakasalubong ko sa company.
"Oo nga no, long time no see Erylle." niyakap niya ako.
"Namiss kita."
"OA mo naman." sabi ni Lucille na tinapik pa sya, feeling ko malakas yun kase na-out of balance sya.
Sila-sila na lang pala talaga ang makakasama ko ng matagal sa club. Supposedly si Erylle dapat ga-graduate na din pero he delayed himself... ayun nga... well ganon talaga siguro pag mayaman ka you have the world around your hands... he took his time learning something in exchange of his time for his education. Hmm... i'm not invalidating his reasons... kase partly I was one of them...
"You okay?" tanong ni Erylle.
"Uh... oo naman..." tinapos ko na yung mga ginagawa ko tapos pumunta sa pwesto kung saan ako laging nakaupo. Marami-rami na rin akong naging experience sa music club na hindi ko ini-expect na mangyayari at lahat nang yun ay may contribution ang elite members or yung seniors. Tumabi sakin si Erylle habang sinalubong naman ni Lucille si Chrome. Busy din sila pero mas madalas ko na silang nakikita dito sa music club, siguro napagbilinan din sila ni kuya Crae.
"Kumusta? I can see that you're always busy."
"Oo nga eh pero wala eh, need natin. Ikaw, hindi ka ba busy?"
BINABASA MO ANG
The Bridge
Teen FictionCerium lost interest in life after her parents died in an accident. She was sent to live together with her aunt. She was enrolled in a prestigious school where she met the elites of a music club that would make her life run like a song and will lead...