Hinintay ako ng mga pinsan ko at ni Frances sa labas ng violin workshop para isabay na ako sa pag-uwi o baka lumabas kami. Di namin alam, basta ang sabi nila hihintayin nila ako. Nang makita ko sila ay agad kong hinampas si Frances.
"Ikaw talaga, di ka nagsasabi sakin!" sabi ko sa kanya. Tumingin ako sa kambal kong pinsan.
"Kayo din!" sabi ko sa kanila.
"Bat damay ako?" tanong ni kuya Crei.
"Nandito ka eh, alangan namang lusot ka?" sabi ko sa kanya. Nagkibit-balikat naman sya.
"Chill. Hindi mo kailangang magalit." sabi ni kuya Crae. Sinimangutan ko sya.
"Hindi ako galet no! Nabubwiset ako."
"Ganun na din yon." He pat my head.
"Shh..."
"Cerii." Napatingin kami sa tumawag sakin. Si Kaizo... tapos 'Cerii'? Luh, anyareh sa kanya? Di naman niya ako ginaganyan.
"Eh?" sabi ko sabay taas kilay.
"See you tomorrow." sabi niya tapos tumingin kay Frances. Napatingin din tuloy ako sa kanya hanggang sa makaalis na sya.
"Ang wirdo niya." sabi ko.
"Close kayo non?" tanong ni Frances.
"Hindi ah." sabi ko na lang. Dumaan naman samin si Erylle. Tumango lang sya sa kanila. Hindi ko alam kung anong ibig-sabihin non pero hinayaan ko na lang. Inintindi ko na lang din sya.
We went for a late night dinner sa isang fast food restaurant. Si kuya Craeyon, Creiyon, Frances, at ako. Dahil late na din naman na, wala na din gaanong tao kundi ang mga staff at iilang taong nag-te-take-out.
"Kayo ahh... nasa piano pala kayong tatlo." sabi ko sa kanila.
"Idea talaga yun ni Frances. Hindi niya sinabi to surprise you kase darating din talaga ang araw ng recital at kailangan niyo ng accompaniment." paliwanag ni kuya Craeyon habang kumakain ng fries.
"Ay wow..."
"Wag ka na magalit. Na-surprise ka naman eh." sabi ni Frances. Napakagat ako ng labi ko sa bwiset. Hindi ko din naman magagawang magalit dahil lang doon, hindi naman sya ganon ka-trivial na bagay kaya hinayaan ko na yon.
"Di ka pa ba tapos sa internship mo?" Tanong ni kuya Crei. For a moment, huminto ng miliseconds yung buhay ko kase parang ngayon lang sya naging interesado sa mga bagay-bagay about sakin.
"Ah... malapit na po, hanggang this week na lang tapos focus na ulit ako sa school." paliwanag ko.
"Mabuti yan para hindi ka magahol. Yung iba kase masyado nilang na-take for granted yung oras kaya naghahabol pag malapit na." sabi naman ni kuya Craeyon. Tumango naman sila bilang pag-sang-ayon.
"Ay... diba nag-start na yung class? Nakikita mo ba si Grae?" tanong ni kuya Crae. Oh... si Grae...
"Oo nga no... to be honest, dahil sa busy ako hindi ko na sya naalala, tsaka hindi ko din siya nakikita." sabi ko. Oo nga pala no? Kumusta na kaya yon? Check ko na lang siguro one of these days baka makita ko sya sa music club. "I'll check." Isa pa, wala din samin nakakaalam kung hanggang kailan sya magiging ganoon, kailangan namin siyang maintindihan.
"For sure sa pasukan, papasok na yun, irregular." Sabi ni kuya Crae. Malalim talaga yung sugat na nagawa ng pagkawala ni Lili sa amin.
"Si Craeyan naman nanahimik na rin, it's another isolation. Away from homeland talaga." sabi ni kuya Crei. Hindi ko na kase sya kinontak after nung last na usapan namin kase nga sinabi naman na nya, nag-warning naman sya na i-ta-try nyang sumagot, pero most of the time hindi talaga sya mag-re-response regardless of the platform. We all sigh.
BINABASA MO ANG
The Bridge
Fiksi RemajaCerium lost interest in life after her parents died in an accident. She was sent to live together with her aunt. She was enrolled in a prestigious school where she met the elites of a music club that would make her life run like a song and will lead...
