Chapter 9

14 2 2
                                    

"But at least you feel better now."

====================================

Hindi kami nagkikita ni Yana sa bahay. Siguro iniiwasan niya din ako, sana naman may hiya sya. Hinihintay ko din ang sorry niya maliban sa resulta ng imbestigasyon ng Music Club. Naibigay ko na ang pyesa na yun, kung kailan ko naisulat, sa paanong paraan ko naisulat. All of it was reasonable and acceptable.

Nandito lang ako sa lumang music room. Pag nalulungkot ako, dumiderecho na ako dito. At least dito, walang nakakakita sakin, tsaka hindi naman na ako naabutan dito ni kuya Craeyon. Andito lang din yung compose namin na wala pang bridge. Napagdesisyunan kong i-edit yung 2nd chorus at binura ang nasa music note. We created it using the musical notes para hindi madaling mabasa, tho tinuturo ang pagbabasa ng nota sa music club, hindi naman madaling tandaan. Kaya duda akong marunong bumasa ng nota si Yana, dati gusto ko sya turuan pero ayaw nya. Ayaw nya kasi ng mga mahihirap na bagay. Gusto niya magandang resulta agad.

Naalala ko ang compose ko na Wolves. Yung ginawa ni Yana, yun ang lagi naming ginagawa every summer. That acoustic version. Pero originally, I want it accompanied with drums and guitars. Because for me, this song... is about your soul shouting for it, longing for it, feeling the real emotion of this song is through that. At kahit kailan, hindi nya yun maiintindihan.

"Hey..." mahinang sabi ni kuya Craeyon. Masyado akong occupied na hindi ko na sya napansing nagbukas ng pinto. "Are you alright?" Napatingin ako sa pigura nya na papunta sakin. Tumabi sya sa akin sa harap ng piano since mahaba naman ang upuan.

"Kuya... kumusta na yung evaluation?" Di talaga ako mapakali. Gusto ko na talaga malaman yung resulta.

"Hmm... well, with the documents that you were able to provide, that's a clear proof that the song is your composition. You even have different guidelines for instruements that can be use to produce that song." Pero hindi yan ang gusto ko marinig. "Can you... sing that now?"

"To be honest kuya, di ko alam kung makakanta ko pa ba sya ng normal. Yung normal na acoustic version. Nang marinig ko kasi yun... parang hindi ko na gustong marinig yung ganung version. Yana and I used to sing every summer with this song, and with that version. Sorry to offend you... but with your sister... I don't know."

"Nah, I completely understand. Alam mo Cerii, kung sino man ang mas nakakaintindi sayo ngayon, yun yung mga tao sa Music Club. They know the struggle, the passion of pulling out such an emotion through a song and then it'll be snatch from you." He calmly said. "What do you want to happen?"

Ano nga ba gusto ko maliban sa mabalik sakin yung kanta ko ? Hmm... yun lang talaga.

"Yung mabalik sakin yung kanta ko." Tiningnan ko sya. His brown eyes is compelling. He understand the situation very well.

"It will be." He pat my head. Napapikit na lang ako sa ginawa nya. "By the way..." hmm?? Napatingin ako sa kanya. "May hindi ka sinasabi sakin."

"Hah?"

"Pag nakikita tayo hindi natin napapag-usapan to." Ano naman kaya yun? Wala ako idea. "So I guess this time is the best time to talk about it." Nilabas nya ang phone nya at nag select ng video.

Wait... may porn ba ako? Kinabahan ako bigla.

"Teka kuya... anong meron?" Tanong ko sa kanya.

"This."

'When it comes to you... there's no crime... let's take both of our souls... intertwine...'

Napangiwi ako nang mag-play yung cover namin ng 2U nina Frances sa music club.

The BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon