Chapter 1

50 4 0
                                    

His eyes sparkle.

======================================================================

Napatingin ako sa kabuuan ng labas ng bahay na'to. Maganda, mataas, malinis tingnan ang labas, may mataas din na gate na kulay brown. Napabuntong-hininga ako habang tinitingnan ito ng mabuti.

"Cerium, hija, pumasok ka na." tapik sakin ng tita ko. Medyo nagulat pa ako kasi nakatulala na pala ako sa bahay. Tumango lang ako at sumunod sa kanila. Pagpasok ng gate ay may garahe, nang makapasok naman ako sa loob ng bahay, malinis na sala na cream ang kulay ang sumalubong sa akin.

 "Maghanda na kayo ng hapunan." Sigaw ni tita habang papunta sa kusina, hindi na ako nag-abala pang sundan sya, tiningnan ko na lang ang magandang bahay na may maliit na chandelier sa gitna. Nakita ko naman mula sa itaas ang pamilyar na mukha, nang makita ko sya ay agad syang bumaba.

"Cerii!" niyakap nya ako matapos nyang makababa. Tipid akong ngumiti sa kanya. "I see, uhm... dadalhin na kita sa kwarto mo ahh." tumango lang ako. Sinundan ko sya habang paakyat. Hindi ako sanay dahil mas maliit ang bahay namin pero kailangan ko na kasing umalis doon.

Nang maka-akyat kami ay dinala niya ako sa kwarto ko. Hindi ko gusto yung idea na walang terrace ang kwarto ko pero hindi ko naman pamamahay to kaya wala akong karapatang mag-reklamo, ang mahalaga ay may bintana na pwedeng tungtungan.

"No available rooms for you, but then mom decorated this place just for you, so you can be comfortable." Wala silang rooftop at ang kwartong to ang nasa pinaka-tuktok ng bahay kaya ang bintana ay pwedeng sampahan papunta sa bubong. Ayos na to, ang mahalaga may air-con.

Tiningnan ko ang sulok kung saan may piano, gitara at violin. Request ko kasing dalhin dito yung instruments ko eh.

"Thank you." tipid kong sabi sa kanya.

"If you need anything, just tell the maids." Umalis na sya at isinara ang pinto.

Pinagmasdan ko ang kwarto, pastel pink ang kulay ng kwarto na to, from paints hanggang sa furniture and bedsheets. I like the idea that I have a set of computer and TV inside. Di na masama. Napaluhod ako sa sahig sa tabi ng kama.

Ipinasak ko ang earphone ko sa tenga at pinakinggan ang paborito kong kanta.

This is going to be a lonely life.

---

"Allen, alagaan mo tong dalawang to."

"Mom! I am busy with my thesis."

"Di ko naman sinabing bantayan mo sila, just at least check them out, especially Cerium."

"I think she can handle it, she's already a Junior College student mom." hindi ko alam kung para saan ang pagtatalo nila.

"And there's Yana! They are in the same year."

"Excuse me, I'm Fourth year!"

"I can handle myself." Bahagyang tugon ko sa kanila. Alam kong kahit di nila sabihin, malaki ang ipinagbago ko. Masasabi kong dati, magana ako sa lahat ng bagay, lagi din kaming bumibisita sa kanila kaya hindi nalalayo loob ko sa kanila, may mga bagay nga lang talaga na nakakabawas ng interes lalo na kung malaki ang impact at mabigat.

Nanahimik sila nang magsalita ako. Nasa kotse pa kasi kami habang nagtatalo sila. Bumaba ako ng kotse dahil nasa gilid naman ako ng pinto. Sumunod naman ang mga pinsan ko at nagpaalam samin sina tito at tita.

"Yana! You take care of Cerii! I have to go, aasikasuhin ko pa thesis ko eh!" humalik sya sa noo naming dalawa saka patakbong umalis. Naiwan kami ni Yana.

The BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon