Chapter 30

13 1 15
                                    

Pagdating ng weekend, nagkita-kita kami sa dining table, si tita, si tito, si kuya Allen, at si Yana. A family breakfast they say. As always, they are talking, hindi na ako sumasabat sa kanila unless I am being asked.

"Anong oras darating yung mag-aayos sakin?" tanong ni Yana kay tita.

"After lunch para maaga kayo matapos." Mukhang nag-hire sila ng home service para sa mag-aayos kay Yana. Mamayang gabi kase yung party ni Lili and she's also invited, i'll go there as a simple person that I am.

"Hmm... I see." sabi na lang ni Yana na itinuloy ang pagkain niya.

"May lakad ka ba mamaya Cerii?" tanong ni tita.

"Yes po." Ang totoo nyan, madami silang bagay na hindi alam sakin, hindi din naman kase ako nagsasabi dahil hindi naman din nila ako tinatanong. Kung tinatanong man nila ako, sumasagot ako ng malawak, hindi na ako nagpapaliwanag unless they ask again.

"Saan ka pupunta?" tanong naman ni tito.

"Ah... inimbitahan po ako sa birthday." simpleng sabi ko.

"Wag mong sabihing invited ka sa birthday ni Lilanya?" tanong ni kuya Allen. I just nod.

"What? Why?" tanong naman ni Yana.

"Sya kaya tanungin mo. She handed me the invitation personally." paliwanag ko.

"Sabay na lang kayo mamaya." sabi ni kuya Allen. "Since iisa lang din naman pala ang destination niyo."

"May susundo po sakin." yun lang ang sinabi ko. "Thank you po sa food, I'm done." tumayo na ako at dinala ang pinagkainan sa kusina.

"Sino naman ang susundo sa kanya?" rinig kong usapan nilang pamilya. 

Dumirecho ako ng kwarto ko. Inihanda ko ang mga gagamitin ko. Inilabas ko yung gown tsaka yung stilleto, nakakatuwa na they compliment each other. Inilabas ko din yung make-up kit ko, kahit papaano meron ako neto, simple nude color lang for eye shadow, liners, blush on and contour, then lipstick. My mom used to buy me make-ups, she likes dressing me up lalo na pag may mga recitals or performances ako, and I never complain because I love how she does it on me.

Right now, I'll be doing it alone.

Ini-lock ko ang pinto, masyadong mataas ang trust issues ko kay Yana to the point na naiisip kong sisirain nya yung gown na napili namin ni Erylle or di kaya itatapon niya yung sapatos. Ang laki ng impact ginawa sakin ni Yana na even I myself can't believe that I had to act this way. I always look for possibilites that she might do.

Matapos kong i-lock yung pinto, naligo ako. After ko maligo ay nag-relax muna ako. I browsed on facebook just to kill time, napansin ko din na madami ang posts ng page ni Chrome so I checked. 

I wasn't surprised cause I don't know them, but she's really familiar. The woman in his photograph is... Lucille? Familiar eh. Sya talaga yan.

Mga limang picture na niya na silhouette ang nakita ko. Hmm... Hmm... Ewan basta feeling ko lang din naman siguro yon. Nagulat naman ako nang biglang lumabas sa screen ko na may tumatawag... si Sylvester. Sinagot ko naman agad yun. 

"Hey..." sabi ko sa kanya. 

"Hi." Napansin kong naka-relax sya sa isang upuan at background niya ay isang taupe curtain.

"Nasa taping ka?" tanong ko sa kanya. Halata ko naman dahil naka-porma sya.

"Yeah, matatapos na to ng 3pm siguro." he looks exhausted. Kawawa naman tong boyfriend ko... ii... boyfriend.

"Aww... that's exhausting. Okay lang kung hindi mo ako masusundo later, I can manage naman." ayoko din naman kase talagang abalahin ang kahit sino sa kanila. Kahit ang sarili kong boyfriend.

The BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon