Escaping The Game

10.4K 239 15
                                    

Introduction:

“Mama, bakit po wala akong tatay?” lagi nalang ganito ang tanong ko sa kanya pero ni-minsan hindi ako nakatanggap ng matinong sagot mula sa kanya.

“Anak, alam mo kasi may mga bagay na hindi kayang ipaliwanag.” Hindi ko rin naman masisisi si Mama kung ayaw n’yang sabihin sakin, siguro dahil baka nasa malayo ang tatay ko.

Akala ko, magiging okay lang ang lahat, akala ko tatakbo ng normal ang buhay ko pero nagkamli pala ako.

“Siguro iniwan s’ya ng tatay n’ya. Kawawa naman, hindi s’ya mahal ng tatay n’ya. Ang panget mo kasi!” Hindi ko pinansin ang lahat ng pangpapahiyang ginagawa nila sakin. Hindi ko ipinapakita at ininda ang sakit kahit sa loob ko wasak na wasak na ang pagkatao ko.

Isang araw umuwi ako ng bahay, siguro sadyang totoo ang kasabihang walang lihim na hindi nabubuking.

“Mama naandito na po ak—“

“Anong gusto mong sabihin ko sa kanya? Anong gusto mong sabihin ko sa anak ko? 11 years old palang s’ya hindi n’ya maiintindihan ang lahat.” Naglakad ako papalapit sa kusina ng bahay dahil doon ko naririnig ang pag-uusap na iyon.

“Pero Faye, hindi mo pwedeng itago ang lahat tungkol sa tatay n’ya. May karapatan si Kaci na malaman ang totoo” sumilip ako roon at nakita ko si Tito Errol at si Mama.

“Para sakin, matagal nang patay ang tatay ng anak ko!”

“Hindi patay si Lu Han, buhay na buhay s’ya at hinahanap ka n’ya! Faye, hindi mo pwedeng itago panghabang buhay kay Kaci ang lahat at hindi pwedeng panghabang buhay kayong tumakbo at magtago sa kanya” tumutulo ang luha ko dahil nakikita ko kung gaano nahihirapan si Mama.

“Anong gusto mong sabihin ko sa anak ko, Kuya? Na iniwan kami ng tatay n’ya para sa ibang pamilya?! Ganon ba?! Ayokong maramdaman ng anak ko ang sakit na naramdaman ko noon. Ayokong malaman n’yang iniwan at tinalikuran kami ng sarili n’yang a—“

Tumakbo ako papunta sa kwarto ko at doon nagmukmok at nagkulong.

Galit, inis, pagkammuhi at puot. Tila namanhid ako sa lahat nang narinig ko.

Sa murang edad, natutunan kong kasuklamaan ang taong dapat ay minamahal ko.

Paghihiganti

Sabi ko sa sarili ko, kapag nagkrus ang landas naming mag ama, isang bagay lang ang gagawin ko.

Iparamdam sa kanya ang sakit na naramdaman ng Mama ko at ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

-Escaping The Game

Escaping The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon