Escape [24]: False Hope

3.1K 103 14
                                    

RENJI

"A-Ano? Paano nangyari 'yon hindi ba't magkasama kayo?!" ngayon ko lang narinig na tumaas ang boses ni Tita, lagi kasi s'yang kalmado kapag nakakausap ko s'ya. "H-Hindi ko rin po alam kung paano nangyari 'yon. Nagpaalam po kasi ako sa kanya na pupunta lang sa CR tapos sabi n'ya po sa parking lot nalang daw po s'ya maghihintay. Kumontra pa nga po ako sa kanya pero bago ko pa man po s'ya magawang pigilan umalis na s'ya" tila nawalan ako nang buhay sa sinabi n'ya. N-Nawawala si Kaci.

"Isa lang po ang hindi ko makakalimutang sinabi n'ya sakin" napatingin kami sa kanya, halos nanginginig ang buong katawan n'ya. "Sabi n'ya po sakin, may lalaki daw pong sunod ng sunod samin. Lumingon ako nang may makita nga akong isang lalaki. Hindi ko nalang po iyon pinansin dahil sabi n'ya kunwari daw wala nalang kaming napapansin pero huli na nang marealize ko kung sino ang lalaking tinutukoy n'ya" lalong lumakas ang pag iyak n'ya.

"Yung lalaking 'yon, siya ang kumidnap kay Ate Kaci noong bata pa ito" nakarinig kami ng isang malakas na kalabog at doon lang namin napansin na napaupo na pala sa sahig si Tita. Lumapit kami ni Daddy sa kanya para sana alalayan s'ya.

"T-Tita, s-sorry po" tumayo ito sa pagkakaupo n'ya at nagbow ng paulit ulit habang nagsosorry. "H-Hindi ko po nagawang protektahan si Ate Kaci" iyak s'ya nang iyak. Halata mo rin na mismong s'ya natatakot.

"Wala kang kasalanan, hindi mo rin ginusto ang nangyari. Kami na ang bahala dito, ipapahanap na natin si Kaci at ang kumuha sa kanya, this time pagbabayaran n'ya ang lahat" sabi ni Daddy.

Pinatawag n'ya ang lahat at inumpisahan na ang paghahanap kay Kaci. Hindi pa kami makatawag sa mga pulis dahil wala pa s'yang 24 hours na nawawala at hindi rin naman alam kung totoo bang nakidnap ito pero dahil maimpluwesya si Daddy, nakuha namin ang tulong ng mga pulis.

"Tita, dito lang po kayo. Tutulong na rin ako sa paghahanap. Madami na po ang naghahanap kay Kaci, I'm sure mahahanap natin s'ya" tumingin si Tita sakin at matipid na ngumiti.

Nagsimula na rin akong tumulong sa paghahanap, tinawagan ko si Rina, baka naman bigla lang n'yang hinigit nang makita n'ya sa mall si Kaci. Malay n'yo nagmall s'ya.

"Nagpunta ka ba ng mall kanina?"

[Hindi eh, why?]

"Nawawala si Kaci" sandali kaming natahimik na dalawa, mukhang nagulat s'ya sa ibinalita ko.

[Ano? T-Teka, paano?]

"Hindi ko rin alam. Tulungan mo naman kami oh, alam kong may magagawa ka"

[Sige, gagawin ko lahat nang makakaya ko.]

"Thanks"

*End Call*

"Dad.." nakita ko si Daddy na papalapit sa pwesto ko, kanina pa rin sila naghahanap "May balita na po ba?" dahan dahan s'yang umiling. "Wala pa nga eh, pero hindi ako dapat sumuko. Kaligtasan ng anak ko ang nakasalalay dito" ngumiti ako sa kanya bago tapikin ang balikat n'ya. "Nangako ako sa inyo diba? Pareho nating po-protektahan si Kaci?" tumango s'ya at ngumiti.

Tinawagan ko si Spencer at si Ryou para na rin sana humingi ng tulong. "Sinong nawawala?" ayan agad ang tanong nila nang magkita kita kami "Oo nga, gabing gabi na eh"napahikab nalang si Ryou, mukhang inaantok na ata ang isang 'to. "Si Kaci" kumunot ang mga noo nila tapos bigla rin silang tumawa.

"Sino 'yon? Babe mo? Hahaha!" binatukan ko silang dalawa "Hindi, s'ya yung anak ni Daddy" tumigil sila bago ako tingnan ng seryoso "Ah, yung kapatid mo?" huminga ako nang malalim "Hindi, hindi naman ako tunay na anak ni Daddy eh, hindi nga kami magkadugo" nagtinginan sila bago ngumiti at tapikin ang balikat ko.

Escaping The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon