KACI
Hindi ko alam pero ang bigat nang pakiramdam ko, bakit kaya biglang nagkaganon si Renji? May ginawa ba akong masama sa kanya? Talaga bang iniisip n'ya na plano ko ang mawala nalang bigla? Kahit naman gustong gusto kong sirain ang buhay ng tatay ko noon hindi ko naman itinuloy, isa pa hindi sa ganitong paraan pati si Mama apektado.
Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko nang biglang may kumatok dito. Tumayo ako para sana pagbuksan s'ya ng pintuan "R-Renji?!" nagulat ako eh, pagkatapos nang sinabi n'ya sakin kanina hindi ko inaakala na pupunta s'ya dito sa kwarto ko.
"Gusto ko sanang magsorry, yung mga sinabi ko kanina hindi ko sinasadya siguro masyado lang magulo yung isipan ko noong mga oras na 'yon, sorry talaga" hindi ko alam pero napangiti ako nang makita kong sincere s'ya sa sinasabi n'ya.
"Okay lang 'yon." Napatingin s'ya sakin bago ngumiti "Welcome back!" natawa ako sa sinabi n'ya, ang bilis magbago ng mood parang kanina lang iniisip ko kung bakit s'ya ganito tapos ngayon okay na kami. Hindi ko rin alam pero gusto ko s'yang patawarin.
"Lady Kaci, Master Renji the dinner is ready" tumango kami doon sa maid at sumunod rin agad. "Yung lalaking kasama mo kanina.." bigla n'yang tanong sakin habang pababa kami ng hagdanan "Sino?" Sino bang tinutukoy n'ya?
"Yung kasama mo nang bumalik ka di—"
"Ah, si Calvin? S'ya yung nagligtas daw sakin" nakangiti kong sabi sa kanya, bigla naman s'yang bumuntong hininga "What's with the sigh?" umiling s'ya bago nakangiting tumingin sakin. "Wala, natutuwa lang ako at naandito ka na" tumango nalang kami at pumunta na sa dining area.
"Naandyan na pala sila eh" nagulat ako nang pati sila Ninong naandito "Ninong? Bakit po kayo naandito pa?" nagtawanan sila sa sinabi ko bago sumagot "Ayaw mo ba? Gutom na ako eh" tumawa ako sa sinabi ni Tito Chen. Kahit kaylan talaga.
"Tsaka namiss ka namin" napangiti ako sa inihabol nila. Ang sweet lang nila Ninong.
Nagsimula na kaming kumain, tahimik nga lang ang lahat. Haha halatang gutom nga sila Ninong. Kadalasan kasi ang dadaldal nila "Ah!" nagulat sila nang bigla akong nagsalita, may naalala ako eh.
"Mama, may kilala po ba kayong Calvin Aiden Estollas?" napakunot ang noo nila sa sinabi ko. Malay mo may kilala sila hindi ba? Pamisteryoso pa kasi 'tong si Calvin eh "Calvin? Wala naman akong kilalang ganoon. Bakit?" napabuntong hininga nalang ako. "S'ya po kasi yung nagligtas sakin ang sabi n'ya po, hindi daw po ito ang unang pagkikita namin" nagkibit balikat nalang ako, baka naman niloloko lang ako ni Calvin?
"May kilala kaming Estollas" napatingin ako kila Ninong Kris "Talaga po?" tumango tango ito bago muling magsalita "Oo, katulad ng Papa mo at ng mga Ninong mo which is kami isa rin sila sa may pinakamalaking kompanya dito." Hindi pa rin eh, hindi naman kasi mayaman si Calvin, isa pa wala na ata s'yang pamilya hindi ba?
"Baka po iba 'yon." Tumango tango nalang si Ninong. I wonder kung magkikita pa kami ni Calvin, may part kasi sakin na gusto kong maalala kung sino s'ya.
"Tutal naandito na ulit si Kaci at malapit nang matapos ang semester nila mag outing naman tayo" pagyaya ni Ninong Tao. Outing? Wow! Gusto ko 'yan "Oo, nga masaya 'yon! Maganda out of town. Tara sa Saipan!" masayang sabi naman ni Ninong Xiumin.
"Ah, oo madaming nagpupunta don at sa pagkakaalam ko maganda nga daw doon" sabi naman ni Ninong Sehun. Waa! Gusto ko tuloy pumunta don. "Opo, maganda po talaga sa Saipan. Nakapunta na po kami don ni Mommy bago s'ya.. bago s'ya mamatay" napatingin ako kay Renji. Mapait s'yang nakangiti habang kami natahimik dahil sa sinabi n'ya.
"Kung ganoon, edi gagawa ulit tayo ng panibagong alaala sa lugar na 'yon." Napatingin kami kay Mama, mukhang ayaw n'ya ring makitang malungkot si Renji ah.
Napatingin ako kay Renji, this time nakangiti na s'ya at mukhang natuwa s'ya sa sinabi ni Mama. "Okay na?! Let's go!" excited na sabi nila Ninong. Nakakatuwa naman sila, akala mo teenager.
"Sige sige, pero kaylangan muna naming maayos ang ibang papeles ni Kaci para makakuha s'ya ng passport n'ya at para matuloy ang plano natin" tumango silang lahat at nagthumbs up.
-
"Yehey! Tapos na ang first semester. Anong balak n'yo? Dapat may sem ender tayo" pag aaya ng mga kaklase ko. Hindi na ako nakialam pa sa kanila, hindi naman nila ako iimbitahin eh diba nga ayaw nila sakin?
Papaalis na sana ako nang pwesto ko nang bigla akong harangin ng ilang kababaihan. "Kaci.." teka nga bakit parang may iba sa boses nila? Parang ang amo amo nila.
"Gusto mo bang sumama sa sem ender namin? Isama mo na rin sila Rina at Renji. Gusto rin kasi naming makabawi sa lahat nang ginawa namin sayo noon" Maniniwala ba ako sa sinasabi nila? Para kasing nakakapanibago eh.
"Okay lang, kalimutan n'yo nalang pero sorry ha, hindi ako makakasama sa sem ender n'yo may plano na kasi kami kasama ang family ko" nginitian ko nalang sila bago umalis. Hindi ko pa masabi kung okay na ba kami, pakiramdam ko kasi hindi pa rin eh.
Pagkalabas ko ng classroom doon ko nakita si Rina at Renji "Hoy!" panggugulat ko sa kanila "Jusko naman Kaci, muntikan na akong atakihin sa puso ah" natawa ako sa sinabi ni Rina, makareact naman 'tong babaeng 'to.
"Haha sorry na. Ano, saan tayo?" natahimik kaming tatlo at nagisip "Mall—Hindi may alam akong resto doon nalang tayo. Nakakatakot sa Mall" alam ko pinaparating nitong si Rina. Hindi ba't sa Mall ako nawala?
Kumain kami sa restaurant na sinasabi ni Rina, mukha ngang high class pero hindi masyadong marami ang tao kaya masayang tumambay dito kasi tahimik.
Umorder kami at nagkwentuhan "So, sa Saipan kayo magbabakasyon para sa sembreak natin? Kami kasi balik Japan muna" uminom si Rina sa juice na inorder n'ya "Pero dito ka pa rin naman papasok next semester hindi ba?" Baka kasi hindi na, malay n'yo doon na mag second sem si Rina, mawawalan pa ako ng isang kaibigan.
"Oo naman, naandito kayo eh" napangiti kami sa sinabi n'ya. Minsan lang kasi ako magkaroon ng kaibigan kaya masyado kong inaalagaan 'yon.
Napatigil kami sa pagdadaldalan namin nang marging ang cellphone ko "Si Papa" sabi ko kina Rina bago sagutin iyon.
"Hello?"
[Kaci, naayos na namin yung mga papeles mo kaya bukas sasama ka samin para sa iba pang kaylangang asikasuhin]
"Wow, okay na po yung mga papeles ko? Ang bilis non ah"
[Oo, inayos lang naman namin yung about sa relationship mo sakin as a father, kasi may ilang papers dito na Fernandez ang nakalagay na surname mo]
"Ah sige po"
[Okay, take care]
"Kayo rin po"
*End Call*
"Ano daw 'yon? Tungkol sa papers mo?" tumango tango ako sa tanong ni Rina. "Oh? Edi ibig sabihin n'yan talagang magkapatid na kayo ni Renji?" natigilan ako sa kinauupuan ko at agad na napatingin kay Rina. Halata mong nagulat rin si Renji sa narinig n'ya.
"Bakit ganyan kayong makatingin? Natural lang naman na maging magkapatid kayo hindi ba ganoong legally adopted son 'tong si Renji although he's not changing his sur..name" tiningnan kami ni Rina at halata mong nagtataka s'ya.
"Paano mo nasabing adopted son ako?" napakamot si Rina sa batok n'ya bago sumagot "Diba nga lawyer ang father ko? So, s'ya yung kinausap ni Tito Lu Han tungkol don at narinig ko 'yon noong nag uusap sila. Bakit hindi n'yo alam ang tungkol don?" umiling kaming dalawa ni Renji.
"Opps, dapat atang hindi ko sinabi 'yon" napatakip si Rina sa bibig n'ya, kami naman ni Renji parehas lang tahimik.
"Ibig sabihin kami ni Kaci.."
"O-Oo, kahit hindi kayo magkadugo sa mata ng batas magkapatid pa rin kayo" Bakit ganito, pakiramdam ko may tumusok sa dibdib ko?
Sa pangalawang pagkakataon, bumigat ang nararamdaman ko.
Author's Note:
Boom patay! Magkapatid pala sila eh, paano ba 'yan wala na bang #KaNji? Sorry your ship is sinking na. Haha joke lang. Salamat sa lahat nang nagbabasa at nagbibigay ng oras magcomment. Love you all <3

BINABASA MO ANG
Escaping The Game
ChickLitNo Softcopies| No Compilation|| On-Going [Game of Love Series #2] "I got ice in my veins, blood in my eyes. Hate in my heart and love in my mind" -Escaping The Game Note: This story is full of fiction. Any part of this story should not be reproduced...