Escape[31]: Argument

3.2K 87 15
                                    

SPENCER

"I'm Calvin Aiden Estollas" Ano ba naman 'tong lalaking 'to, late kung mag introduce. Kanina pa kami nagpakilalang mga bago ah tapos s'ya nagpahuli, solo nga naman n'ya.

"Sorry Ma'am, late po ka—" napatingin kami sa may pintuan at doon namin nakita si Renji at ang kapatid n'yang si Kaci. Oo, ayaw ipapatawag ni Renji si Kaci na kapatid n'ya ang babaeng 'yon  pero iyon naman ang katotohanan at wala kaming magagawa tungkol don.

"C-Calvin?" Magkakilala sila ni Kaci? Oh, hindi na ako magtataka, kaya pala ganon ang mukha ni Renji. Teka nga mukhang namumukaan ko 'tong Calvin na 'to ah.

"Spencer, hindi ba't siya iyong lalaking kasama ni Kaci noong makita natin s'ya? Noong araw na bumalik s'ya sa mansyon?" napatingin ako kay Ryou, tiningnan ko nang maayos si Calvin bago tumingin kay Ryou "Aba, ang talas ng mata mo ah!" naghigh five kaming dalawa. Oo, s'ya nga iyon. Yung lalaking dahilan kung bakit napaamin namin si Renji.

"Okay class we will start our introduction.." nakakatamad naman dito, parang gusto ko na tuloy ulit bumalik ng Japan "Anong ginagawa n'yo dito?" napatingin kami sa kanya at doon namin nakita si Renji. Halata ngang gulat na gulat s'ya "Napasok" simpleng sagot namin ni Ryou.

Napalinga-linga s'ya at mukhang may hinahanap "Kung hinahanap mo si Haru, wala s'ya dito. Sa pagkakaalam ko mag-stop muna s'ya ngayong semester para pagtuunan ng pansin yung business nila. Alam naman natin na s'ya lang ang successor ng pamilya n'ya kaya tutok na tutok s'ya sa training n'ya" hindi nagsalita si Renji.

Syempre expected ko na 'yon. Pagkatapos n'yang makipagbreak kay Harumi, awkward na para sa kanyang malaman pa ang ginagawa ng ex n'ya.

-

Mabilis natapos ang ilang subject namin at may one and a half hour kaming vacant. "Hoy, nagulat ako sa inyo ha. Hindi ko inaasahan na papasok talaga kayo dito" napalingon kami sa kanya at doon namin nakita si Rina kasama n'ya rin si Kaci.

"Aba syempre, hindi na namin kayang iwan si Renji" niyakap ko kunwari si Renji at mukhang diring diri s'ya sa ginagawa ko "Eww, Yaoi" natawa nalang kami sa sinabi ni Rina. Alam naman n'yang joke lang 'yon. Straight ako ha, straight na lalaki.

Napunta ang atensyon ko kay Kaci at napangiti ako sa naisip ko. Lumapit ako sa kanya "Hi, you must be Kaci, Renji's lov—" hinigit ako ni Renji papalayo kay Kaci. Ang seloso naman nitong lalaking 'to "Ano daw?" tanong ni Kaci at mukhang clueless pa. Parehas sila ni Renji, parehong manhid.

Oo nga't umamin na si Renji (kaya nga s'ya nakipagbreak kay Harumi),pero hindi pa rin n'ya masabi kung anong klase ba ang nararamdaman n'ya para kay Kaci. Alam n'yo 'yon? Nasa indenial stage pa rin s'ya eh.

"Wag mo nalang silang intindihin. Abnormal kasi sila, kakalabas lang nila sa mental" Ako? Galing mental? Sa gwapo kong 'to? Galing pa ako sa mental?

"Aba aba—"

"Eloise!" naputol ang sasabihin ko dahil sa isang intruder. Ayoko sa lahat bastos na bata. Lumapit s'ya samin—kay Kaci lang pala at nakangiti itong hinarap "May gagawin ka ngayon? Gusto mo sabay na tayong pumunta sa cafeter—"

"Paano mo nasabing sa cafeteria pupunta si Kaci? Paano pala kung sa restroom sasama ka pa rin ba?" Pasensya na, bastos s'ya eh, binabalik ko lang sa kanya ang ugaling pinakita n'ya sakin. First impression, ayoko sa kanya.

Tiningnan n'ya ako pero agad ding umiwas ng tingin at bumalik kay Kaci bago ulit ngumiti. "Shit, tol. Plastik. Sapakin mo na" tiningnan ako nang masama ni Renji "Tumahimik ka nga" nilakihan ko s'ya ng mata "Ano, hahayaan mo nalang s'ya?" tanong ko kay Renji.

"Ano pa bang magagawa ko?" nagkibit balikat nalang s'ya at nagsimula nang malakad papalayo. "Saan 'yon pupunta?" Tanong ni Ryou sakin. Nagkibit balikat din ako at sinundan nalang si Renji.

Escaping The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon