FAYE
"Luhan, may problema ba?" kakauwi lang kasi ni Luhan galing sa hearing ng kaso ni Renji tungkol sa adaption paper niya at mukhang hindi maganda ang naging resulta nito. "Mababa daw ang chance na mapawalang bisa ang adaption paper ni Renji. Mas maganda pa rin daw kung mahahanap namin ang biological father niya." huminga nang malalim si Luhan.
"Shh, okay lang 'yan. Magiging maayos din ang lahat" ngumiti ako para naman kahit papaano ay mabuhayan ng loob si Luhan. Ngumiti rin siya bago hawakan ang pisngi ko.
"Oo nga pala, Faye. May nakasalubong akong doktor kanina. Ibinigay niya sakin 'to, medical history daw 'to ni Kaci. Aalis daw kasi siya ng bansa kaya ibibigay na niya 'to sayo." kinuha ko yung brown envelope.
"Paano niya nalaman na magkakilala tayo?" nagkibit balikat si Luhan. "Ewan ko rin, siguro dahil sa mga balita. Basta tinanong niya ako kung ako daw si Mr. Lu Han at tinanong niya kung kaano-ano ko si Kaci pagkatapos non ibinigay na niya sakin 'yan." tinitigan ko ang envelope. Ito ang medical history na pinatago ko sa doctor ni Kaci noon.
"Nacurious ako kung anong laman kaya binuksan ko. Faye, nabasa ko na may selective amnesia si Kaci. Totoo ba 'yon?" natahimik ako sa tanong ni Luhan. Hinawakan niya ang kamay ko, "Sa mga nagdaang panahong wala ako sa tabi niyong dalawa alam kong maraming nangyari. Anong nangyari kay Kaci?" napatungo ako at huminga nang malalim bago magsalita.
"Nagkaroon nang aksidente noon. Nabunggo si Kaci ng isang kotse at nagkaroon ng damage ang utak niya. Nagkaroon siya ng selective amnesia. Iilan lang ang naalala niyang alaala bago siya maaksidente at ang iba ay nakalimutan na niya. Kaya may ilang taong nakilala na niya noon at may mga nangyari na sa buhay niya na hindi na niya magawang maalala pa." Totoo iyon, kaya minsan kapag may bumabating kaklase ni Kaci dati ay hindi niya maalala dahil nga sa may amnesia siya.
"Akala ko nga, masasama ka sa pagkawala ng alaala niya eh. Ang laging paghahanap niya sa tatay niya pero nagkamali ako." matipid akong ngumiti. "Okay lang naman dahil namuhay pa rin nang normal si Kaci, ayon nga lang masyado siyang maraming tinatanong." tiningnan ko si Luhan na mukhang hindi pa makapaniwala sa sinasabi ko.
KACI
"So ngayon may gagawin tayong activity by partners." nagsigawan ang mga kaklase ko dahil mukhang excited silang lahat sa gagawin naming activity. "Bubunot kayo ng number at kung sinong katulad ng number na hawak niyo siya ang kapartner niyo. Bawal makipagpalit ng number. Ililista ko naman ang mga pangalan niyo at ng partner niyo sa record book kaya walang makakapanloko sakin" Parang high school naman 'to.
Bumunot na ako nang number at binuksan ko ito. Sana man lang isa sa mga kaibigan ko ang kapartner ko para mabilis naming matapos ang activity namin. "Kaci anong number mo?" Tanong sakin ni Rina. Tiningnan ko siya at mahinang sinabi kung anong nabunot kong number. "Nine." at ipinakita ko ang papel ko. "Hindi tayo magkapartner. Five ang akin eh" Aww, so hindi si Rina ang magiging kapartner ko.
"Find your partner guys! I'll give you ten minutes." tumayo na ako sa upuan ko para hanapin ang katulad ko ng number. Una kong pinuntahan si Renji. "Anong number ang nubunot mo. "Eleven, ikaw?" napasimagot ako. Hindi rin si Renji ang partner ko. "Nine." muli ako naglakad at nilapitan sila Spencer at Ryou pero hindi rin sila ang nakabunot ng number na katulad ng sakin.
Nilibot ko ang buong classroom namin at nagtanong tanong sa iba kong kaklase hanggang sa lumapit sakin si Calvin. "Anong number ang nabunot mo?" nakangiting tanong niya. "Nine." simpleng sagot ko sa kanya. Lumawak ang ngiti niya bago ipakita ang papel na hawak niya, "We have the same number." napangiti ako atleast kahit papaano kilala ko pa rin ang kapartner ko. May ilan kasi sa mga kaklase ko ang hindi ko kakilala.
BINABASA MO ANG
Escaping The Game
ChickLitNo Softcopies| No Compilation|| On-Going [Game of Love Series #2] "I got ice in my veins, blood in my eyes. Hate in my heart and love in my mind" -Escaping The Game Note: This story is full of fiction. Any part of this story should not be reproduced...