RENJI
Lumapit ako sa kanya at agad na hinawakan sa kwelyo nito "Nasan si Kaci, wag mo s'yang itago samin!" hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pinigilan ako nila Daddy, "Ang kulit n'yo, hindi ko na nga alam" sabi nito at tumayo bago lumapit sa pulis na nagbabantay sa kanya "Ikulong n'yo na ako, wala na naman kayong mapapala sakin" nilagyan na s'ya ng posas sa dalawa nitong kamay bago sila umalis at iwan kami.
"This is bullshit! Hindi ko na alam ang gagawin ko at iisipin ko. Hindi ko alam kung maayos ba ang lagay ng anak ko. Baka natatakot na s'ya ngayon! Ahhhh! Bakit ko hinayaang mangyari 'to?! Hindi ko man lang s'ya nagawang protektahan!" pinagsusuntok ni Daddy yung pader. Pinigilan namin s'ya pero ayaw n'yang magpapigil.
"Lu Han tama na 'yan sinasaktan mo lang ang sarili mo. Hindi tayo susuko, hangga't hindi natin nakikita si Kaci walang susuko!" napalingon ako kay Tito Baekhyun, halata mong natatakot rin s'ya sa mga posibleng mangyari o nangyari kay Kaci pero halata mo ring tinatatagan n'ya ang sarili n'ya.
-
Umuwi na rin kami, si Dad na daw ang bahalang magsabi kay Tita ng tungkol sa nangyari. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Tita tungkol dito, pati ako naaawa sa kanya.
Dumiretso ako sa kwarto ko pero hindi rin naman ako agad nakatulog, iniisip ko pa rin kasi kung nasan na yata si Kaci ngayon. Nag aalala ako sa kanya.
Napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong magvibrate. "Hello?"
[R-Renji-kun..] hindi ako agad nakapagsalita, si Harumi.
"Bakit?"
[Pwede ba tayong magkita ngayon?]
"Para saan?"
[Gusto kong magkaayos tayo, please?]
"Bakit, handa ka na bang magbigay ng sapat na oras para sakin?" Hindi agad s'ya nakasagot sa sinabi ko.
"Wag na muna, Harumi. Pagod rin ako ngayon. Bye"
Pagkatapos kong sabihin iyon ay agad kong ibinaba ang cellphone ko at pinatong sa side table. Bakit ganito ako ngayon? Pati sarili kong girlfriend inaabandona ko.
Agh! Kaci nasan ka na ba ngayon?
-
Pagkadilat ko nang mga mata ko doon ko lang napagtanto na nakatulog pala ako sa sahig habang nakasandal sa gilid ng kama ko. Sa sobrang pag iisip ko kagabi hindi ko na nagawang matulog sa mismong kama ko, hindi ko na nga rin napansin na sa sahig na ako nakatulog.
Napahawak ako sa ulo ko, medyo sumasakit rin kasi.
Tumayo ako sa agad na pumunta sa banyo para sana ayusin ang sarili ko pagkatapos noon ay bumaba na ako sa sala.
Nakita ko si Daddy doon at ang mga kaibigan n'ya. "Dad.." tumingin sila sakin bago ngumiti ng matipid. Umupo ako sa tabi ni Dad at nakinig lang sa kanila. "Nagpa-lie detector test na rin kami pero lahat nang sinasabi ni Patrick totoo talaga. Hindi na n'ya alam kung nasaan si Kaci" Hindi ko alam ang dapat kong sabihin pero isa lang ang alam ko, hindi dapat kami sumuko.
Tumayo ako sa pagkakaupo ko "Alis po muna ako" hindi ko na hinintay ang sagot nila at lumabas na ng bahay. Pupunta ako sa mall na pinuntahan nila, baka sakaling bumalik doon si Kaci.
Pagkarating ko ng mall, agad akong pumasok sa loob. Ten o'clock narin kasi kaya kahit papaano ay bukas na ito at marami na ring tao
Agad akong nagpasikot sikot sa loob pero walang kahit anong sign ni Kaci. Nasan na kaya s'ya, sobra na kaming nag aalala sa kanya. Hindi ako mapalagay, sana okay lang s'ya.
"Renji.." agad ako napangiti nang marinig ko iyon. Nilingon ko s'ya "Kac—" nawala ang mga ngiti sa labi ko nang malaman kong hindi si Kaci ang babaeng tumawag sakin "Harumi" napaiwas agad ako nang tingin sa kanya, nakakahiya akala ko si Kaci na.
"M-May problema ba?" buti nalang hindi n'ya napansin na pinagkamalan ko s'yang siya si Kaci. "W-Wala" napatingin ako sa kanya at doon ko lang nakita na papalapit na s'ya sa kinaroroonan ko "Nag aalala ako sayo Renji eh, ilang araw na tayong hindi nakakapag usap, gusto ko sanang ayusin natin dalawa ang lahat. Busy ka ba? Pwede bang mag usap muna tayo?" hindi ko nagawang tanggihan si Harumi kaya pumasok kaming dalawa sa isang restaurant dito sa mall.
"Renji, sorry. Nagselos lang talaga ako nang makita kong may iba kang kasamang babae kayak o 'yon nasabi. Isa pa, alam ko naman na ako talaga ang may kasalanan eh. Minsan ko lang kasi makitang ngumiti ka nang ganoon sa ibang babae dahil kahit sakin malimit mong ipakita ang ngiti mong iyon. Sorry din kung lagi akong walang oras sayo" nakayuko s'ya habang sinasabi ang mga iyon sakin.
"Kalimutan mo nalang, wala na rin naman magbabago sa mga nangyari eh" wala akong masabi eh, para bang wala ako sa katinuan ko.
"Renji, okay pa ba tayo?" agad akong napatingin sa kanya nang sabihin n'ya iyon. "H-Huh?" lumilipad talaga yung isip ko ngayon. Huminga s'ya nang malalim "Ang sabi ko, kung okay lang ba tayo?" halata mong dismayado s'ya. Siguro kasi naramdaman n'ya na wala yung atensyon ko sa kanya.
"O-Okay lang." bakit ganito ako, si Harumi yung kasama ko pero na kay Kaci pa rin ang atensyon ko. Hindi ko pa rin kasi maialis sakin na mag alala.
Kaci, hindi mo ba alam na sobra na akong nababaliw kakaisip kung nasaan ka? Sana ligtas ka lang.
KACI
"A-Ah" Idinilat ko agad ang mga mata ko. Pakiramdam ko namanhid ang buong katawan ko at wala akong masyadong maramdaman. Dahan dahan akong tumayo pero nahihirapan akong gumalaw dahil siguro sa pananakit ng ibang parte ng katawan ko.
Hinawakan ko ang ulo ko dahil nakakaramdam ako nang pagkahilo "Ah, n-nasan ako?" nang tingnan ko ang buong paligid wala akong maalalang sa ganito akong lugar dinala ng dumukot saki—Oo nga pala, dinukot nga pala ako ng isang lalaki, yung lalaking dumukot sakin noong bata pa ako.
Nilibot ko ang mata ko sa buong paligid, madilim, nakakatakot at tahimik. Sinubukan kong tumayo pero hindi kinaya ng katawan ko kaya napaupo lang ulit ako sa maliit na kamang hinihigaan ko kanina.
Nanatiling tahimik ang paligid nang makarinig ako nang isang pagyabag at tila papalapit sa kinaroroonan ko. Napalingon lingon ako sa buong paligid pero wala pa rin akong nakita. Nagsimula na naman akong makaramdam ng takot. Hindi kaya..hindi kaya si—
"Buti naman at gising ka na" agad akong napatingin sa kanya. Hindi ko s'ya makita dahil masyadong madilim ang paligid pero isa s'yang lalaki at alam ko na hindi s'ya ang taong dumukot sakin. "Ilang araw ka na rin kasing walang malay" base sa boses n'ya alam kong ibang tao na s'ya.
"S-Sino ka?" muli akong nakarinig ng pagyabag at doon ko lamang nakitang unti unti na s'yang lumalapit sakin "Ako ang nagligtas sayo, hindi mo maalala?" ngayon nakikita ko na s'ya dahil na rin sa liwanag na dulot ng bilog na buwan.
"Ako ang tumulong sayong makatakas sa kamay ng mga taong dumukot sayo" ngumiti s'ya sakin bago ilapit nang kaunti ang mukha sa akin kaya agad akong napaatras. "Walang dapat ikatakot, hindi kita sasaktan" agad akong napatungo. Hindi ko pa rin kasi s'ya pwedeng pagkatiwalaan paano pala kung kasabwat s'ya.
"You owe me for the second time, Eloise" Agad napatunghay ang ulo ko nang marinig ko ang sinabi n'ya "H-Huh? Paano mo alam ang pangalan ko? Wala pang tumatawag sakin nang ganyang palayaw. Isa pa, second time? Sa pagkakaalam ko ito ang una nating pagkikita" naguguluhan ako. Sino ba ang lalaking 'to.
"Totoo nga ang nabalitaan ko, hindi mo na maaalala" ngumiti s'ya sakin. What's the meaning behind those sad smile?
"S-Sino ka ba?" muli n'ya akong tiningnan "Ako?" ngumiti s'ya, ibang iba sa ngiti n'ya kanina "Ako si Calvin Aiden Estollas" Sa hindi malamang dahilan biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko.
Calvin Aiden Estollas? Bakit parang alam ko at narinig ko na ang pangalang iyon?
Auhor's Note:
Sino si Calvin? Hindi ko rin alam, tsaka kung may alam man ako syempre secret muna. Sorry ulit sa late update :) Thank you sa patuloy na nagbabasa <3
BINABASA MO ANG
Escaping The Game
Chick-LitNo Softcopies| No Compilation|| On-Going [Game of Love Series #2] "I got ice in my veins, blood in my eyes. Hate in my heart and love in my mind" -Escaping The Game Note: This story is full of fiction. Any part of this story should not be reproduced...