LU HAN
Pagkatapos kong gawin ang dapat gawin sa Sky High dumiretso na kaming dalawa ni Lay sa kulungan kung saan nakakulong si Patrick. May gusto kaming itanong sa kanya.
"Sir.." bati samin ng isang pulis na nagbabantay kay Patrick. Pumasok kami sa isang kwarto kung saan naandon at nakupo s'ya. "Lu Han!" mapang asar n'yang tawag sa pangalan ko. Kaylangan kong maging kalmado, kaylangan kong malaman ang sagot sa tanong ko."Naandito lang ako para magtanong kaya sagutin mo ako nang maayos" nakangiti lang s'ya nang nakakaloko sakin at hindi na nagsalita pa.
Huminga ako nang malalim bago magsalita "Sinong nag utos sayong kidnapin si Kaci?" mahinahon kong sabi sa kanya kahit na gusto ko s'yang suntukin sa kinauupuan n'ya "Oh, nalaman n'yo na pala na may nag utos sakin. Ang galing talaga!" napakuyom ako ng kamay ko dahil sa sinabi n'ya, nagpipigil ng inis.
"So, meron nga?" ang mga nakakalokong ngiti n'ya ay napalitan ng isang pagngisi. "Paano kung sabihin ko sayong meron nga, anong gagawin mo?" nanatili s'yang nakangisi habang nakatingin sakin.
"Sino?" tumawa nang malakas si Patrick "Sa tingin mo ba ganon ko kadaling sasabihin 'yan sa inyo?" napakunot ang noo ko sa sinabi n'ya. "Anong gusto mong gawin ko para sabihin mo samin kung sino?" nagkibit balikat si Patrick.
"Pasensya na pero mas takot ako sa kanila kaysa sayo" tumayo ako sa pagkakaupo ko sa sobrang galit "Papatayin kita d'yan sa kinauupuan mo kapag hindi mo samin sina—"
"Kapag pinatay mo ako, mas lalo mong hindi malalaman, kapag pinatay mo ako makukulong ka." Nakangising sabi nito sakin. "Bakit kaya hindi ka mag obserba sa paligid mo. Hindi naman ikaw ang target ng taong 'yon eh hindi rin si Kaci, mas lalong hindi si Faye." Nagtaka ako sa sinabi n'ya, anong ibig nitong sabihin.
"Hindi n'ya sasaktan si Kaci, kaya hayaan mo nalang ang lahat. Nakakulong na rin naman ako hindi ba?" tumayo si Patrick at tinapik ako sa balikat. Tinabig ko iyon at hinawakan ang leeg n'ya "Sino, sinong target n'ya sa pamilya ko? Sabihin mo!" tinanggal ng mga nagbabantay pati na ni Lay ang kamay ko na nakahawak sa leeg n'ya.
"AHAHAHA! Sino? Sa tingin mo, sino lang bang hindi ko nabanggit na pangalan kanina?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya. Si Renji.
"Anong kaylangan n'ya kay Renji?" nagkibit balikat ulit s'ya "Malay ko, at wala akong pake" lumapit s'ya sa mga pulis na nagbabantay sa kanya "Ikulong n'yo na ulit ako" inalalayan s'ya ng ilang pulis papunta sa selda n'ya.
S-Si Renji ang target ng nag utos ipakidnap kay Kaci? Pero bakit, anong atraso ni Renji sa kanila? "Wag kang mag alala Lu Han, papaimbistigahan ko 'to" tumango ako sa sinabi ni Lay at nagpasalamat.
KACI
"Good morning~!" bati ko kay Rina nang makasalubong ko s'ya papasok sa loob ng campus "Morning, Kaci!" mukha namang ayos kami ni Rina eh, buti hindi na namin pinagtalunan yung nangyari kahapon. Sabagay hindi na naman kaylangang pagtalunan pa iyon eh.
"Kamusta kayo ni Renji?" Oo nga pala si Re—Napaiwas ako nang tingin kay Rina, pakiramdam ko kasi biglang uminit yung mukha ko eh. Hindi kami sabay pumasok ngayon dahil may practice daw sila. Practice sa tennis. Tennis player kasi s'ya eh.
"O-Okay naman kami" Bakit ganito, lalong umiinit yung mukha ko. Kahapon kasi, hindi ko makalimutan yung mga sinabi ni Renji kahapon. Pero dahil nga hindi pa ako sure kung ganoon din ako para sa kanya, paninindigan muna namin na magkapatid kami. I wonder kung pwedeng ipawalang bisa ang adoption ni Renji.
"Yo!" napatingin kami sa kanila at nakita namin sila Renji kasama sila Spencer at Ryou. Mukha ngang kakatapos lang nilang magpractice eh "Saan kayo papunta?" napatingin ako kay Renji, at nang mapansin n'ya sigurong nakatingin din ako sa kanya bigla n'ya akong nginitian at kinindatan. Nyeta! Pakiramdam ko namumula na naman ang mukha ko.
"Sa shower room, kakatapos lang kasi naming magpractice. Hindi naman pwedeng pumasok kami sa classroom na basang basa kami ng pawis" Hindi ko alam kung saan ako titingin, pakiramdam ko kasi may kanina pa tumitingin sakin.
Palihim akong tumingin kay Renji at nahuli ko s'yang nakatingin sakin. Napansin n'ya siguro na hindi ako mapakali dahil sa kanya kaya natawa s'ya at napangisi nalang. Agh! Ayoko na nang ganito.
"Kaci, tara na" Doon lang ako bumalik sa wisyo ko. Kaylangan ko na bang magpasalamat kay Rina dahil sa ginawa n'ya. "Ano ka ba, bakit wala ka sa sarili mo? Utang na loob Kaci, nakadrugs ka ba? Kanina ka pa nakangiting ewan d'yan ah?" Mararamdaman mo ang pang aasar sa tono ng pananalita n'ya. Sa hindi malamang dahilan natawa nalang ako.
-
"Eloise~!" Sa tingin n'yo sino pa bang natawag sakin ng ganyan bukod kay—"C-Calvin" ngumiti nalang ako sa kanya. Ano ba naman 'to, nagpromise na ako kay Renji na hindi na ako lalapit kay Calvin eh.
"Sayang yung date natin kahapon, kung gusto mo mamaya nalang u—" napatingin ako sa tatlong lalaking pumasok ng classroom namin at doon ko nakita sila Renji. "Ah, ano. Sorry Calvin pero hindi kasi ako pwede mamaya eh" halata mo ang pagtataka sa kanya.
"H-Huh? Bakit?" Hala, ano kayang sasabihin kong dahilan? Ang hirap naman nito, hindi pa naman ako magaling sa gani—"Dahil sabi ko" napatingin kami sa nagsalita—Si Renji.
"Sabi mo? Bakit, ano bang karapatan mong pigilan s'ya sa mga balak n'yang gawin?" nakataas ang isang kilay ni Calvin habang kinakausap si Renji. Wag naman silang mag away dito sa classroom, buti sana kung kami lang ang tao dito eh.
"Dahil ako ang kapatid n'ya, at sino ka ba para yayain si Kaci?" napangisi si Calvin nang marinig n'ya iyon mula kay Renji "Gusto mo siguro ulit mapahiya 'no? Bakit hindi natin tanungin si Kaci?" Bakit ba masyadong confident 'tong si Calvin, parang hindi naman ganito si Calvin noong una kaming magkita ah.
"Ah Calvin, sa tingin ko kaylangan kong makinig kay Kuya." Ngumiti nalang ako sa kanya, nawala ang nakangiting labi ni Calvin samantalang sila Rina mukhang gulat na gulat "Kaylan pa naging Kuya ang tawag mo kay Renji?" tanong ni Spencer sakin.
"Ah, kahapon? Wala namang masama dahil iyon naman talaga dapat ang itawag ko sa kanya hindi ba?" nagkibit balikat nalang sila. Muli akong tumingin kay Calvin "Sorry talaga ha" kahit papaano naman ay nakokonsensya ako 'no.
"Okay lang, maybe next time" bigla s'yang ngumiti. Tumango nalang ako bilang sagot sa kanya. Hindi naman nagtagal ay dumating na rin ang professor namin.
"Guys, makikiayos naman ng mga bangkuan n'yo. Mahiya kayo sa bagong mapapasama sa section n'yo" natigilan kami sa sinabi ni Ma'am. May bago kaming kaklase?
"Ms. Akiyama, please enter" inabangan namin s'yang pumasok at isang magandang babae ang nakita ko. Mukha s'yang anghel.
"Harumi!" hindi pa man nakakapagpakilala iyong babae may nagsabi na agad ng pangalan n'ya. Napatingin kami sa kanya at nakita namin si Renji. Halata mong gulat na gulat s'ya.
Ibig sabihin ang babaeng 'to ay.. "Nice to meet you" nakangiti s'ya samin pero sa iisang tao lang s'ya nakatingin—Kay Renji.
Ang babaeng 'to ay ang ex girlfriend ni Renji.
Author's Note:
Ano sa tingin n'yo ang dahilan kung bakit naandon si Harumi? Manggugulo o mag aaral. Haha ang dami kong nababasang comment na tama sa nasa isip ko. Isa lang ang masasabi ko sa inyo. Ang galing n'yo. <3

BINABASA MO ANG
Escaping The Game
Literatura FemininaNo Softcopies| No Compilation|| On-Going [Game of Love Series #2] "I got ice in my veins, blood in my eyes. Hate in my heart and love in my mind" -Escaping The Game Note: This story is full of fiction. Any part of this story should not be reproduced...