Escape [18]: Like a Puzzle

3.6K 114 19
                                    

Author's Note:

Kung sa tingin n'yo ang bitter ni Kaci sa previous chapter, ano pa kaya sa chapter na 'to, lalo na't si Lu Han na ang kaharap n'ya? Good luck guys! Salamat sa lahat nang nagbabasa, sana magcomment kayo :) <3

Tweet me: @B2utyfulgalaxy :)

KACI

"K-Kaci.." gusto kong tumawa sa reaksyon n'ya "That's not the reaction I'm expecting to see" dahan dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa office chair n'ya.

"You're not happy to see me? Kasi ako hindi lang masaya, nae-excite rin. After 18 years nagkita na tayo, nagkakilala na tayo. Hindi bilang ako na secretary ng anak mo kundi bilang anak mo mismo." Nanatili s'yang tahimik at kitang kitang hindi pa rin s'ya makapaniwala.

"Hindi ka ba naniniwala sakin o sadyang hindi ka makapaniwala na ang anak mo ay nakapasok na pala sa buhay mo nang wala ka man lang kaalam alam" nakangisi kong sabi sa kanya. Nag uumpisa na ako, kapag nagbitaw pa ng ano mang salita ang bibig ko sa tingin ko hindi ko na ito mapipigilan pa.

"I-Ikaw ang anak ko?" sarkastiko akong tumawa sa sinabi n'ya "Hindi ka talaga naniniwala 'no? Ako rin noong una ayokong maniwalang ikaw ang tatay ko. Alam mo kung bakit? Kasi ayoko, ayoko sayo" nag iba bigla ang istura ng mukha ko. Kung kanina ang sarkastiko kong magsalita ngayon seryoso na ako.

"I-Ikaw ba talaga ang anak namin ni Faye?" napaiwas ako nang tingin dahil sa sinabi n'ya, ako malapit na akong mapuno. Pinakita ko sa kanya ang brown envelope na hawak ko "Ayan ang ebidensya kung talagang nahihirapan kang tanggapin ang katotohanang ako ang anak mo" tumingin s'ya sa secretary n'ya at pinalabas muna ito, isinara na rin n'ya ang pintuan ng office n'ya.

"Ako, si Kaci Eloise Fernandez-Lu, ang anak na iniwan mo noon. Hindi ko nga alam kung bakit itinago ni Mama na 'Lu' pala ang apelyido ko. Siguro ganoon s'ya kagalit sayo noon ewan ko lang ngayon. Sabihin mo nga.." tumingin ako nang diretso sa kanya bago ipagpatuloy ang sasabihin ko.

"..bakit mo kami iniwan?" matagal tagal ko rin s'yang tinitigan bago s'ya sumagot "Dahil akala ko kaylangan kong panagutan ang ginawa ko kay Rima, dahil akala ko anak ko si Renji. Hindi ko talaga gustong iwan kayo. Isa pa hindi ko rin alam na may anak kami ni Fa—"

"Oh? Hindi mo alam? Ako rin eh, hindi ko alam na may tatay pala ako. Baliktarin ko kaya ang tanong ko.." ngumiti ulit ako bago magsalita "Bakit ka pa bumalik at muling pinasok ang buhay namin?" nararamdaman ko na naman ang sakit. Makita ko lang s'ya nag aalburuto na naman ang puso ko dahil sa sobrang sakit nang nararamdaman ko.

"Kasi gusto kong ayusin lahat, gusto kong makabawi sa inyo, lalo na nang malaman kong may anak ako kay Faye. Hindi mo alam kung gaano ako kasayang malama na may anak ako." Muli akong tumawa dahil sa narinig ko.

"Masaya kang malaman na may anak ka kay Mama? P'wes ako, hindi ako masayang may tatay ako. Alam mo ba kung gaano katagal kong hinintay na makita at makilala kita? Siguro kung noon ka pa nagpakita may chance pa sigurong mapatawad kita pero iba na ang takbo ngayon, kasi yung maliit na galit ko sayo noon naipon na sa pagtakbo at paglipas ng panahon" tiningnan ko s'ya, mata sa mata.

"Alam mo bang kinailangan kong pagbayaran ang mga ginawa mo noon? Sa murang edad naranasan ko lang naman ang pagpapahirap na pwede kong maranasan pero wala akong matawag na pwedeng tumulong sakin kasi naalala ko wala akong tatay na pwedeng takbuhan. Wala yung haligi ng tahanan namin na dapat nagtatanggol samin." Naramdaman ko, ano mang oras iiyak na naman ako.

"Alam mo ba, nakakatawa lang. Noong nakidnap ako imbis na "Papa" ang isigaw ko para iligtas ako "Ninong" ang lumalabas sa bibig ko. Buti pa nga ang mga kaibigan mo eh, nagawang tumayong ama ko. Eh ikaw mas tumayo ka pang ama sa hindi mo anak" napasapok ako sa noo ko at tumingala habang umiiling.

Escaping The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon