RENJI
Naglalakad ako ngayon sa corridor ng school namin. Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang malaman namin na pwedeng ipawalang bisa ang adoption paper ko pero ang sabi ni Tito Kyungsoo mas maganda daw kung mahanap namin kung sino ang tunay kong ama.
Habang naglalakad ako nakasalubong ko si Calvin. Napatigil ako saglit pero agad ding nagpatuloy sa aking paglalakad. Ewan ko ba, habang tumatagal nag iiba ang kutob ko sa lalaking 'to. Para bang ang dami rami n'yang nililihim sa pagkatao n'ya.
Katulad ko, nilagpasan n'ya lang ako at hindi na pinansin pa. Well iyon ang akala ko.
"Balita ko, nagkagulo daw ang pamilya mo. I mean pamilya n'yo ni Eloise" napatigil ako sa paglalakad ko dahil sa biglaan n'yang pagsasalita. "At balita ko rin, magkapatid pala kayong dalawa" napabuntong hininga nalang ako nang marinig ko s'ya.
"Bakit ba ang dami mong alam" simpleng sabi ko sa kanya. Ayoko nang masyado pang pahabain ang usapang 'to lalo na't pamilya ko ang pag uusapan naming dalawa. Problema ng pamilya ko na wala namang koneksyon sa kanya.
"Wala lang, nabalitaan ko lang. Actually, hindi nga ako makapaniwala eh lalo na sa part na magkapatid kayo ni Eloise. Hindi ba't may namamagitan sa inyong dalawa." Nilingon ko s'ya at doon ko nakitang dahan dahan n'ya rin akong nilingon at tiningnan ng diretso.
"Hindi kami tunay na magkapati—"
"By blood, yes, but by papers and by laws you are" nakita ko ang pagngisi ni Calvin kaya napakunot ang noo ko. "Ano bang gusto mong iparating?" diretso kong tanong sa kanya. Sa way ng pananalita n'ya may gusto s'yang ipahiwatig sakin. Alam ko kung ano 'yon pero gusto kong makasigurado kung tama ba ang iniisip ko at ng iniisip n'ya.
Ngumiti si Calvin bago magsalita "Gusto kong iparating? Nahuli mo agad ako don. Actually, gusto ko lang magpayo sayo" hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ko. Naiinis ako sa way ng pagsasalita n'ya.
"Isang advice lang Renji, magkapatid kayong dalawa ni Eloise kaya hindi kayo pwede. Kung ayaw mong masaktan mas mabuti pang ngayon palang tumigil ka na. Hindi kayo pwede dahil magkapatid kayo" dahil sa sinabi n'ya gusto ko ring ipamukha sa kanya na hindi lahat ng bagay ay masama dahil sa akala ng tao ay masama talaga ito.
"At sinong pwede kay Kaci? Ikaw? Sa totoo lang, mas hindi kayo pwedeng dalawa" hindi ako sarcastic na tao pero sa puntong 'to mukhang kaylangan kong gumamit ng sarcasm.
"At bakit naman hindi pwedeng maging ka—"
"Dahil hindi ka n'ya mahal" nginitian ko s'ya nang makita kong magbago ang itsura n'ya. "Ang pagiging magkapatid namin sa mata ng batas pwedeng mawala, pwedeng mabago pero ang katotohanang wala s'yang nararamdaman para sayo at hindi ka n'ya mahal mukhang malabo" nginitian ko ulit s'ya bago talikuran at iwan s'yang mag isa roon.
Dumiretso ako sa classroom namin ngayon at doon ko nadatnan ang mga kaibigan ko kasama si Rina at Kaci. Napangiti nalang ako bigla nang makita ko sila at agad lumapit sa kanila. "Renji!" napailing nalang ako dahil sa pagsigaw ni Spencer. Minsan talaga nakakatakot magkaroon ng kaibigan na isip bata, nakakatamad rin kasing mag alaga. If you get what I mean.
"Saan ka ba galing?" tanong naman sakin ni Ryou. Umupo ako sa tabi ni Kaci bago sagutin ang tanong ni Ryou "D'yan lang, may pinuntahan" wala naman akong importanteng ginawa o pinuntahan kaya hindi na nila kaylangan ng ditelyadong sagot.
"Oy, kamusta? Ano nang balita doon sa kaso mo?" napatingin ako kay Rina nang marinig ko iyon mula sa kanya "Ang sabi ni Papa, malaki daw ang chance na paboran ka ng korte sa petisyon mo pero mas malaki yung chance kung makikita mo at makikilala mo ang tunay mong ama" dagdag n'ya pa.

BINABASA MO ANG
Escaping The Game
Chick-LitNo Softcopies| No Compilation|| On-Going [Game of Love Series #2] "I got ice in my veins, blood in my eyes. Hate in my heart and love in my mind" -Escaping The Game Note: This story is full of fiction. Any part of this story should not be reproduced...