Escape [39]

2K 65 6
                                        

SPENCER

"Hoy, seryoso ka ba sa gagawin natin? Baka mapahamak tayo dito?" Ano ba 'tong si Ryou, ayaw nalang tumahimik.

"Kung ayaw mo, ititigil ko 'tong sasakyan at bumaba ka na. Ang bakla mo tol. Para rin naman 'to sa ikatatahimik ng isipan natin" sabi ko sa kanya. Kasalukuyan kasi naming sinusundan ang sasakyan ni Calvin. Wala lang, may gusto kaming malaman sa kanya, gusto kog magkaroon nang kahit katiting na hint tungkol sa kanya.

"Hindi ako bakla, at alam kong para 'to kay Renji pero tol pwede naman nating kausapin ng maayos si Calvin" nag iisip ba s'ya.

"Nagbibiro ka ba? Sa tingin mo ba kakausapin tayo ng maayos ng gagong 'yon." Ilang beses na ba namin s'yang kinakausap pero ni minsan hindi naman namin s'ya nakausap ng maayos. Punung puno ata ng sarcasm ang taong 'yon.

Tumahimik nalang si Ryou, sa wakas. Kanina pa rin ako naririndi sa kakasalita n'ya eh. Hindi tuloy ako makapagfocus sa pagda-drive ko at pagsunod dito kay Calvin.

-

Tumigil ang sasakyan nila Calvin sa isang malaking bahay. Nang makasigurado kaming iyon nga ang bahay nila Calvin, ipinark ko muna ang kotse ko sa tapat ng isang bahay malapit sa bahay nila Calvin.

Lumapit kami sa gate ng bahay nila na kasalukuyang nakabukas. Napakunot ang noo ko sa pagtataka, ganito ba talaga si Calvin? Hinahayaang bukas ang gate ng bahay nila?

Mayaman pati sila, bakit walang guard? Nakapasok kami ng walang kahirap hirap sa loob ng bahay nila "Ang easy naman palang pasukin ang bahay nila" Magtataka ka talaga dahil parang hinahayaan lang nilang pasukin sila ng kung sino.

"May kakaiba akong pakiramdam dito pero kahit pa, naandito na rin naman tayo basta mag ingat nalang tayo." Dahan dahan kaming lumapit sa pintuan ng bahay nila. Binuksan ko ito nang kaunti para sumilip, walang tao. As in sobrang tahimik na iisipin mong walang nakatira doon.

Tumingin ako kay Ryou bago tumango at pumasok sa loob ng bahay. Alam kong masama itong ginagawa namin pero pakiramdam ko kapag hindi kami kumilos malaking gulo ang mangyayari.

Nang nasa loob na kami ng bahay iginala ko ang aking paningin pero wala talaga akong nakita "Masaya ka ba?" agad kaming napatingin sa 2nd floor ng bahay nila. Mukhang doon nang gagaling ang boses na iyon.

"Oh, bakit parang iba ang sinasabi mo sa sinasabi ng ekspresyon ng mukha mo?" tumingin ako kay Ryou bago s'ya higitin "Spencer, wag na. Mahuhuli tayo kapag pumunta pa tayo d'yan.

Hindi ko s'ya pinansin at nagdiretso nalang, kung ayaw n'ya ako nalang. "Pwede ba Calvin tigilan mo na sila. Wag kang magsimula ng gulo" napatigil ako nang may marinig akong ibang boses, siguro ito ang tatay ni Calvin.

Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy sa pagakyat sa hagdanan. "Oh? Hindi nyo ba gustong makasama ang anak n'yo?" napatigil ako sa narinig ko. Anak? Sinong anak?

"Ako kasi gusto kong makasama ang kapatid ko, gusto kong malaman niya kung gaano ako kasabik na makita at makasama siya. Hindi ba ganoon naman talaga ang magkapatid, nagmamahalan?" nang marinig ko ang mga iyon, hindi na ako nakagalaw pang muli sa kinatatayuan ko.

"Calvin, wag kang gagawa ng bagay na pagsisisihan mo sa huli, wag mong sasaktan ang kapatid mo" Teka ang gulo, ano bang kapatid ang sinasabi nila?

"Hindi ko naman sasaktan si Renji ah? Pahihirapan ko lang" nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang pangalan ni Renji. Paano nadamay si Renji dito?

"Tumigil ka na sa kahibangan mo. Tahimik naman ang buhay natin dati kahit hindi mo pa siya nakikilala hindi ba? Tama n—"

"Sinong nagsabing tahimik ang buhay ko kahit hindi ko pa siya nakikilala? Simula nang malaman kong may anak kayo sa ibang babae naging magulo na ang buhay ko. Kayong dalawa ni Rima Mitsui ang dapat kong sisihin sa pagkamatay ng Mama ko, kayo ng kabit mo pati na ng anak mo sa labas!" nakarinig ako nang malakas na pagkalabog mula sa kwartong iyon.

Escaping The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon