Escape [11]: A Nightmare

3.7K 118 14
                                    

KACI

Pagkarating ko sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti, hindi ko mapigilang maging masaya. Nagawa ko nang tama ang plano ko.

Nagsisimula palang ako, nagagalit na agad kayo sakin? Isa pa, sa ngayon galit ang nananalaytay sakin. Iniwan n'ya kami at sinaktan he deserves to feel the same—no he deserves to feel double than what we felt.

Agad akong napatingin sa phone ko nang magring ito. Agad kong kinuha ito at sinagot "Hello?"

[Kaci, sorry kanina] Si Renji pala.

"Sorry saan?" Alam ko naman kung saan s'ya nagsososrry eh. Hindi ba't dapat ako ang magsorry, dahil ako ang may gawa non? Pasensya nalang sila at wala akong balak gawin iyon.

[Nasaksihan mo pa yung nangyari kay Daddy] palihim akong napangiti. Nagtagumpay ako sa una kong plano. Paano mo nga ba gagantihan ang kaaway mo? Simple lang alamin mo ang kahinaan n'ya.

Hindi ko idinadamay si Mama dito, actually inilalayo ko s'ya sa Lu Han na 'yon. Wala akong galang? He's not deserving of my respect.

"W-Wala 'yon. Kamusta na pala si Mr. Lu? Ano ba kasing nangyari?"

[Okay na s'ya. May namba-blackmail lang kay Daddy. Sige na, magpahinga ka na]

"Sige, goodnight."

[Goodnight]

*End Call*

Blackmail? Blackmail pala ang tawag nila don? Tch, love letter 'yon galing sa anak n'ya eh. Ay nakalimutan ko hindi n'ya nga pala alam na may anak s'ya sa Mama ko, kaya mas maganda kunwaring hindi ko rin alam na may ama ako?

Pwede naman 'yon diba? Nabuo ako kahit walang ama. Miracle kung baga. Naniniwala kayo don? Ako hindi, dati pero ngayon mukhang matututunan ko nang maniwala don.

Sa susunod kaya na love letter ko para sa Papa ko lagyan ko na galing 'yon sa anak n'ya? Syempre iisipin non galing kay Renji diba? Haha, hindi naman n'ya talaga anak si Renji eh.

Wag n'yo akong kainisan dahil kung kayo ang nasa sitwasyon ko alam ko maghihiganti rin kayo lalo na kung malaman mong iniwan kayo. Isa pa, kasal sila ng Mama ko pero iniwan n'ya ito na parang basura at walang pakiramdam. Wow!

Napagdesisyonan ko nalang matulog dahil sumasakit ang ulo ko sa mga pinag iiisip ko. Ikaw ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon. Ikaw ang dahilan kung bakit gusto kitang pahirapan. Ikaw ang may kasalanan kung bakit naging miserable ang buhay ko. Dahil ikaw, ikaw ang naging ama ko.

-

"Sabihin mo sakin kung nasan ang tatay mo kung ayaw mong mamatay sa kinauupuan mo" hindi ako makasagot at hindi rin ako makalaban. Ano bang magagawa ng isang 12 years old na batang babae?

"H-Hindi ko kilala ang tatay ko. Wala akong tatay" nakatungo kong sabi sa kanila pero kahit anong sabihin ko sa kanila hindi sila naniniwala sa sinasabi ko.

"Wag mo nang itago ang tatay mo. Kaylangan pa n'yang magbayad sa ginawa n'ya sakin." Gusto kong tumakas pero nakatali ang mga kamay ko, gusto kong tumakbo pero nakakadena ang mga paa ko.

"Pauwiin n'yo na po ako nag aalala na si Mama sakin" nakita kong ngumisi ang isa sa kanila "Hindi ka makakaalis dito hangga't hindi mo sinasabi kung nasaan si Lu Han. Hindi ba s'ya ang tatay mo. Hindi ba't Lu ang apelyido mo?" hindi ko alam, pakiramdam ko unti-unti akong nalulusaw.

"Hoy bata, kapag ikaw tinatanong matuto kang sumagot" hinawakan nila nang mahigpit ang magkabilang pisngi ko "Nakikita ko si Lu Han sayo. Gusto tuloy kitang pahirapan" mariin n'yang binitawan ang pagkakahawak n'ya sa pisngi ko "Kalagan 'yan, may gagawin ako sa kanya." Napatigil ang iba n'yang kasamahan.

Escaping The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon