KACI
"K-Kaci?! K-Kanina ka pa d'yan" halata mong kinakabahan si Mama nang makita n'ya ako "Hindi naman Ma, kakarating ko lang din" mukhang nakahinga silang dalawa sa sinabi ko "Hi Ninong!" agad akong ngumiti sa kanya at kumaway.
Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanila at pumagitna ako sa kanilang dalawa "Kamusta ang paggawa ng project? Maaga kayong natapos?" napakunot ang noo ko sa sinabi n'ya. Ay, muntikan ko nang makalimutan, project nga pala ang dinahilan ko kanina para lang makapunta kina Renji.
"A-Ah, o-okay naman po." Ngumiti si Mama sakin. Napatingin ako kay Ninong nang biglang maring ang phone n'ya "Sasagutin ko lang" ngumiti s'ya samin bago umalis.
"Ah Mama, may nakita akong cake d'yan sa may lamesa. Kanino 'yon?" tanong ko sa kanya "Ah, dala 'yon ng Ninong mo? Gusto mo ba? Teka kukuha ak—"
"Ako nalang Mama, kukuha ko na rin po kayo" ngumiti s'ya sakin bago ako umalis at pumunta sa kusina kung saan naandon ang cake.
"Ano?! Seryoso ka ba sa sinasbai mo Kai? Cassandra and sinabi mong pangalan ng nanay ni Kaci?!" napatigil ako sa paghiwa ng cake at nakinig kila Ninong.
"Tapos ngayon gusto mong sakyan ko yang kalokohan mo para hindi ka mabuking ni Lu Han?! Seriously Kai?"
"Talagang mag uusap tayo ngayon. Wait for me" napangisi ako sa hindi maipaliwanag na dahilan. Cassandra pala ha.
"K-Kaci" napatingin ako kay Ninong Baekhyun, halata mong gulat na gulat s'yang makita ako dito "Hi Ninong, gusto mo ng cake?" umiling s'ya "Kanina ka pa ba d'yan?" kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya "Hindi naman, kakarating ko lang rin. Bakit?" halata mong nakahinga s'ya ng maluwag bago ngumiti.
"Wala, kaylangan ko na kasing umalis eh. May kaylangan akong puntahan, pakisabi nalang sa Mama mo?" tumango ako at ngumiti sa kanya "Sige po, Ninong. Ingat!" tumango s'ya bago guluhin ang buhok ko "Alagaan mo ang Mama mo ha?" nagthumbs up ako sa kanya.
So, lahat sila alam ang totoo pero wala silang balak sabihin sakin.
-
Kinabukasan inagahan ko talaga ang pasok ko, wala lang gusto ko nang umpisahan ang lahat. Sa isang naging dahilan kung bakit ako nawalan ng ama.
"Good Morning Kaci" napatingin ako sa kanya at ngumiti "Morning...Renji" ngumiti ako, teka ngiti nga bang matatawag ito o isang pagngisi?
"Nasan si Rina?" umupo s'ya sa tabi ko dahil dito naman talaga s'ya nakaupo. "Absent, dumating kasi ang Papa n'ya" tumango nalang ako at tumingin sa bintana "Ah, Kaci may gusto sana akong itanong sayo" hindi ko s'ya nilingon pero sumagot naman ako "Ano 'yon?" narinig ko ang pagbubuntong hininga n'ya bago magsalita.
"Pwede ko bang itanong kung anong tunay na pangalan ng Mama mo?" napatigil ako saglit sa sinabi n'ya pero agad din naman akong napangisi. Nilingon ko s'ya "Cassandra Fernandez. Bakit?" halata mo ang pagkagulat sa istura n'ya. Shock huh? Believe my lies Mr. Renji Nathaniel Mitsui.
"Ah, g-ganon ba?" tumango tango ako. "Bakit parang disappointed ka nang marinig mo ang pangalan ng Mama ko?" bigla n'yang binawi ang reaksyon n'ya at ngumiti "W-Wala, akala ko kasi mahahanap ko na yung hinahanap ko. Marami rin palang magkaka-apelyido dito" tumango ako sa sinabi n'ya.
"Sino ba yung hinahanap mo? Malay mo kilala ko, baka matulungan agad kita" para bang nagdadalawang isip pa s'ya kung sasabihin n'ya ba o hindi "Faye Alexandrea Fernandez ang babaeng hinahanap ko. Kilala mo ba s'ya?" agad nawala ang pekeng ngiting pinapakita ko sa kanya at napalitan ng isang blangkong ekspresyon dahil sa sinabi n'ya.
"Wala" simpleng sagot ko sa kanya bago umiwas ng tingin "Sayang naman" nakaramdam na naman ako nang pagkadismaya sa boses n'ya. "Bakit?" nilingon ko s'ya halata mong nagulat s'ya sa pagtatanong ko "Bakit mo s'ya hinahanap? Wanted ba s'ya?" kunwaring natawa ako sa sinabi ko kahit na alam kong hindi naman ako masaya.

BINABASA MO ANG
Escaping The Game
ChickLitNo Softcopies| No Compilation|| On-Going [Game of Love Series #2] "I got ice in my veins, blood in my eyes. Hate in my heart and love in my mind" -Escaping The Game Note: This story is full of fiction. Any part of this story should not be reproduced...