Escape [15]

3.2K 124 8
                                    

FAYE

"Lu..Lu Han" natulala ako nang makita ko s'ya. Hindi ko inaasahang makikita n'ya kung nasan ako. "Faye.." akmang lalapit s'ya sakin nang patigilin ko s'ya "Hanggang d'yan ka lang, wag kang lalapit" bakit s'ya naandito? Ano na naman bang kaylangan n'ya. Gusto n'ya ba talagang nakikita akong nahihirapan?

"Umalis ka na" tatalikuran ko na sana s'ya nang bigla n'yang hawakan ang kamay ko at sapilitan akong iniharap sa direksyon n'ya at dahil sa ginawa n'ya nagtama ang tingin namin sa isa't isa. "Ang tagal kitang hinanap tapos ngayong nakita na kita papaalisin mo ako? Pwede bang kahit ilang oras man lang magkapag usap tayo? Give me some time, please?" iniiwas ko ang tingin ko sa kanya at tinanggal din ang pagkakahawak n'ya sa kamay ko.

Nauna na akong maupo sa sofa at nakita ko namang sumunod s'ya "Ano bang kaylangan mo?" kaylangang matapos ang pag uusap na 'to bago dumating si Kaci. Ayokong madatnan n'ya si Lu Han dito.

"Alam kong hindi madaling mapatawad ako pero sana Faye, hayaan mong patunayan ko sayo na nagsisisi ako sa ginawa kong pag iiwan sayo. May rason naman ako eh, hindi kita basta iiwan nang ganon kung wala akong sapat na rason. Gusto ko sanang—"

"At ngayong patay na si Rima binabalikan mo ako? Anong tingin mo sakin Lu Han, laruan mo na pwede mong balik balikan?" napatigil s'ya nang sabiihin ko iyon sa kanya. "Hindi sa ganon. Faye, kung alam mo lang, walang araw na hindi kita iniisip. Gusto kong bumalik sayo pero hindi ko alam kung paano." Nanatili akong nakatingin sa kanya at kunwaring walang pakealam. "Faye, gusto kong magkaayos tayo" napangisi ako sa sinabi n'ya.

"Sana bago ka pumunta dito naisip mo na baka imposibleng mangyari ang gusto mo" nakita ko ang pagka-dismaya sa mukha n'ya. Tumayo ako "Umalis ka na" tumingin s'ya sakin bago hawakan ang kamay ko "Hindi ako susuko" tumawa ako nang bahagya sa sinabi n'ya.

"Ako din, hindi ako susuko. Hindi ako susukong ipagtabuyan ka. Lu Han tahimik na ang buhay namin wag mo nang guluhin pa" kumunot ang noo n'ya bago magsalita "Namin? Sino pang tinutukoy mo? Imposible namang sila Baekhyun" nagulat ako sa sinabi n'ya. Tch!

"Matagal tagal ko na ring gustong itanong 'to sayo Faye, nagkaanak ba tayo?" hindi ko alam kung ano bang dapat na maging reaksyon dahil dito "May nakapagsabi sakin na may anak daw tayong babae, gusto kong malaman mismo sayo kung totoo 'yo—"

"Gusto mong malaman kung totoo ba 'yon? Oo Lu Han, may anak tayo pero wala s'yang alam tungkol sayo. Alam mo kung bakit? Kasi ayoko nang dagdagan pa ang mga paghihirap na naranasan n'ya noon. Kapag sinabi ko sa kanya ang ginawa mo samin masasaktan ko lang s'ya at ayokong pagdaanan n'ya ang pinagdaanan ko noon" pinipigilan ko ang sarili kong umiyak dahil alam ko hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako kapag nakikita ko si Lu Han.

"Bakit hindi n'yo sinabi sakin?" sabi ni Lu Han.

"Kung nalaman mo ba babalikan mo kami? Lu Han hinanap ka namin, ginawa namin lahat para mahanap ka at para malaman mo pero sadyang ikaw na ata mismo ang ayaw magpakita. Tama na, umalis ka na please" hindi ko na napigilan ang sarili ko at unti unting tumutulo ang luha ko.

Nilapitan ako ni Lu Han at dahan dahan n'yang hinawakan ang magkabilang pisngi ko bago punasan ang mga luha ko "Sorry, alam kong hindi sapat 'yon pero Faye bigyan mo ako nang pagkakataon na makilala ang anak ko. Bigyan mo ako nang pagkakataon na iparamdam sayo na ikaw parin ang mahal ko. Nawala man ako nang ilang taon pero walang nagbago, ikaw pa rin ang mahal ko." Naramdaman kong niyakap n'ya ako.

"Please give me another chance" humigpit ang yakap n'ya sakin. Alam ko sa sarili ko pero pilit kong itinatanggi na hanggang ngayon mahal ko pa rin si Lu Han. "Hindi pwede.."

Napakalas si Lu Han sa pagkakayakap sakin "Bakit? May iba ka na bang mahal? May tumatayo na bang ama ng anak natin?" umiling ako sa sinabi n'ya. "Wala, dahil simula nang iwan mo ako natakot na akong magmahal ulit. Natakot akong maiwan na naman" hinawakan ni Lu Han ang magkabiling pisngi ko at hiniharap sa kanya ang mukha ko kaya nagtama ang paningin naming dalawa.

"Hindi na kita iiwan ulit Faye, wala nang dahilan para iwan kita. Bigyan mo lang ako nang pagkakataon babawi ako" napakuyom ang kamay ko sa narinig ko mula sa kanya.

"Lu Han.." pagkabanggit ko nang pangalan n'ya dahan dahan akong tumango.

KACI

Nakangiti akong umuwi sa bahay. "Sigurado ka bang aalis ka na? Hindi mo na ba hihintayin ang anak natin" napatigil ako sa pagpasok sa bahay namin nang marinig ko si Mama. "Hindi na muna siguro. Baka mabigla pa s'ya mas mabuting dahan dahanin natin ang pagsasabi sa kanya ng katotohanan. Magse-set ako ng date para makilala ko ang anak natin." Nang makita kong magbubukas ang pintuan agad ako nagtago kung saan.

Nang lumabas si Mama nakita ko kung sinong kasama n'ya. "Bye Faye" ngumiti si Mama sa kanya. Aalis na sana s'ya nang bumalik s'ya at nakita kong hinalikan n'ya si Mama sa pisngi nito. Tss, ano sila teenagers?

Nang makaalis si Mr. Lu lumabas ako sa pinagtataguan ko. "Ma!" agad kong bungad sa kanya nang makapasok ako sa loob ng bahay. "Kaci.." nakangiti n'ya sabi sakin. Halata mong masaya s'ya, ako kaya? Bakit hindi ko magawang maging masaya?

"Yung lalaki kanina.." nanlaki ang mata n'ya nang sabihin ko iyon "S'ya ang tatay ko diba? Si Mr. Lu Han" nanatiling tahimik si Mama at hindi nagsalita. "Nagkabati na pala kayo, hindi n'yo man lang nasabi sakin." Napatungo si Mama dahil sa mga binibitawan kong salita.

"Paano po ba magpatawad?" napatunghay s'ya at tumingin sakin. Doon n'ya nakitang tumutulo ang luha ko "Paano n'yo s'ya nagawang patawarin pagkatapos ng ginawa n'ya sa inyo?" nagulat s'ya sa sinabi ko.

"Nagtataka kayo alam ko lahat 'no? Kasi narinig ko, matagal ko nang alam at matagal ko nang kilala si Mr. Lu. Sa katunayan nagtatrabaho ako sa kanila ngayon." Hindi nagawang magsalita ni Mama dahil sa mga naririnig n'ya mula sakin.

"So, balik tayo sa tanong ko sa inyo Ma, paano ba magpatawad? Kasi hindi ko alam kung paano eh. Punong puno kasi ng galit ang katawan ko ngayon. Para bang hindi ko kayang patawarin ang tatay ko kahit na kayo nagawa n'yo. Kasi simula ng nabuhay ako dito hindi ko s'ya nakilala eh. Hindi ko nagawang kilalanin kung anong klaseng tao s'ya kaya papaano ko ba s'ya dapat patawarin?" ngumiti ako kay Mama.

"Pagkatapos kong pagbayaran lahat ng kasalanan n'ya papatawarin ko s'ya nang ganong kadali? Muntikan na akong mamatay noong bata ako dahil sa kanya tapos patatawarin ko s'ya? Parang imposible ata. Ang unfair kung ganoon ang gagawin ko" ngumiti ulit ako kay Mama bago ako maglakad papalayo "Ah!" tumigil ako at muling humarap sa kanya "Pakiusap lang Mama, wag na wag n'yong masasabi sa kanya na ako ang anak n'ya, dahil hangga't hindi n'ya naramdaman lahat ng hirap na naramdaman ko, na naramdaman n'yo walang kasiguraduhang matatanggap ko s'ya" pagkatapos noon ay umalis na ako at pumunta sa kwarto ko.

Pagsarado ko nang pintuan ng kwarto ko doon na ako nagsimulang umiyak. Ayokong ipinapakita sa ibang tao ang kahinaan ko dahil ayokong doon nila ako tirahin. Sa ngayon wala akong kakampi, sarili ko lang dahil pati sarili kong ina tinalikuran ako.

Binuksan ko ang laptop ko at nagtype ng liham para sa tatay ko.

Dear Mr. Lu Han,

Nagkita na pala kayo ni Miss Fernandez? Panigurado masaya ka? Buti ka pa nakakaramdam ng saya, ako kasi puro galit at pagkamuhi ang nararamdaman ko. Tanong lang, paano ba magpatawad ng taong kinasusuklaman mo. Na halos buong buhay mo galit ka sa kanya?

Bakit ang unfair mo, bakit kung kaylan natuto na kaming mabuhay nang wala ka tsaka ka naman dadating sa eksena para guluhin ang pamilya namin. Bakit ganoon kadali para sa inyo ang manghimasok sa buhay namin? Hindi ba pwedeng hindi ka nalang bumalik? Sana nga ganoon nalang.

Sinira n'yo ang buhay ko, kayo mismo ang nagbigay ng rason sakin para kamuhian kayo.

Paano ba 'yan huling sulat ko na 'to para sa inyo, nagsawa na ako sa laro ko eh, hindi na masaya ang hide and seek. Ang magandang laro, siraan ng buhay. Good luck!

Nagmamahal,

Ang anak mo.

Author's Note:

Nakikita ko na ang mga comments para sa nararamdaman ni Kaci. HAHAHA! Wala lang, natutuwa ako XD Hayaan n'yo muna si Kaci, kung kayo ang nasa sitwasyon n'ya ganyan din ang mararamdaman n'yo baka nga hindi lang ganyan.

Dumating dito yung Koreanong fiancé ng pinsan ng pinsan ko. Kinausap n'ya ako, nagulat ako hindi ko tuloy nagawang makapagsalita. Hahaha. Wala lang share lang. Hahaha.

Escaping The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon