Escape [9]: What Will Happen Next?

3.4K 125 15
                                    

RENJI

"Sino ka?" nanatili akong nakatingin sa lalaking kaharap ko. "Ah, ito ba ang room ni Miss Fernandez?" isinara n'ya ang pintuan "Oo, ito nga bakit? Kilala mo ba si Mama?" nagulat ako sa sinabi n'ya. Napatingin ako sa babaeng nakahiga sa hospital bed at muling ibinalik ang tingin sa lalaki sa harapan ko.

"Mama mo? A-Anong pangalan n'ya? Full name." kumunot ang noo n'ya bago ako sagutin "Kaye Fernandez. Kaano-ano ka ni Mama?" napabuntong hininga ako. Tch, maling kwarto ang napasukan ko.

"Ah s-sorry, maling kwarto yung napasukan ko" nagbow ako sa kanya at umalis doon. Muli kong tiningnan ang room number ng kwarto. Tama naman pero bakit iba yung pasyente doon?

Muli akong bumalik sa front nurse na pinagtanungan ko kanina "Miss, nagtanong ako sayo kanina. Sabi mo naka-check in si Miss Faye Fernandez sa room—"

"Ah, Faye Fernandez po ba? Ang pagkakarinig ko po Kaye" napa-facepalm ako sa sinabi n'ya. Hindi ako mabilis mainis pero pinaasa ako nitong nurse na 'to eh. "Si Miss Faye ang tinatanong ko" gusto ko sanang sabihin sa kanya na ang tanga n'yang magtrabaho kaya lang hindi ako ganoong tao para sabihin sa kanya 'yon, babae pa rin kasi s'ya.

"Na-released na po s'ya kagabi pa." muli akong napatingin sa kanya.

Agad akong umalis ng ospital at bumalik sa bahay. Alam ko na, sigurado na ako. Tatanungin ko na s'ya ngayon kaylangan kong malaman ang totoo.

KACI

"A-Anong ginagawa mo dito?" inulit n'ya ulit ang tanong n'ya sakin kanina. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga ideyang pumapasok sa utak ko. Parang ang hirap paniwalaan.

"A-Ah, d-dinala ko lang po yung box dito" napatingin s'ya roon at tumango bago ulit tumingin sakin. Dahan dahan s'yang naglakad papalapit sa direksyon ko "Bakit mo hawak ang litratong iyan? Kilala mo ba s'ya?" Nagulat ako sa bigla n'yang pagtatanong. Hindi ko alam kung dapat bang sabihin kong oo o dapat kong itanggi. Natatakot ako sa posibleng maging resulta ng lahat ng ito.

"Ah, ang ganda po kasi n'ya" Iniwasan kong sagutin ang katanungan n'ya. Nakita kong ngumiti s'ya sa sinabi ko "Alam ko." Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Kaci, act normal.

"S'ya po ba ang Mama ni Renji?" umiling s'ya sa sinabi ko. "Hindi" sabi n'ya.

Ibinalik ko na yung litrato kung saan ito nakapwesto bago ko kunin. Nakita ko, nanginginig pa rin ang mga kamay ko "Okay ka lang ba?" dahan dahan akong tumango "O-Okay lang po ako, bigla lang pong sumama ang pakiramdam ko" gusto ko nang umuwi ngayon.

"Ganon ba? Magpahinga ka muna at ipapakuha kita ng ga—"

"Hindi na po, siguro uuwi nalang po muna ako kung okay lang" tumango s'ya sa sinabi ko "Sige, ipapahatid nalang kita sa driver" gusto ko sanang umangal pero alam ko naman na kahit umangal ako wala ring magagawa iyon.

Habang pababa kaming dalawa ng hagdanan bigla kong nakitang papasok ng bahay si Renji "Renji, saan ka galing?" hindi iyon agad pinansin ni Renji dahil nakatingin ito sakin. Hindi ko mabasa kung anong gusto n'yang iparating sa mga tingin n'yang iyon.

"D'yan lang" simple nitong sagot. Umiwas ako ng tingin, hindi ko kayang titigan pa si Renji, iba ang aura n'ya ngayon.

Bumaba na ako sa hagdanan at nagpatuloy lang sa paglalakad "Uwi na muna ako" hindi ko s'ya tiningnan. Basta ko nalang iyong sinabi sa kanya nang magkaharap kaming dalawa.

"Kaci.." bigla akong kinilabutan sa tono ng boses n'ya. Napatigil ako pero hindi ko na s'ya nilingon pa. Ayokong magtama ulit ang mga mata naming dalawa "K-Kamusta na ang Mama mo?" nilingon ko s'ya at doon ko lang nakita na nakatingin s'ya sakin at nakangiti. Nang makita ko ang ngiti n'ya agad nawala ang kaba ko at ang kakaiba kong nararamdaman.

Escaping The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon