RENJI
"Nasaan si Kaci?" pagtatanong ko sa mga kasama ko. Pagkatapos kasi ng hanapan namin ng partners nawala na silang dalawa ni Calvin.
"Alam ko kasama ni Calvin. Gagawin na ata nila itong activity na ipinapagawa satin." napakunot ang noo ko. Hanggang ngayon ba ay magkasama pa rin sila?
"Kayo, kaylan niyo gagawin yung inyo?" Tanong ni Rina. Sumagot yung dalawa pero nanatili akong tahimik. Hindi ako mapalagay. Ayokong nagkakasama si Calvin at Kaci. Hindi ako selfish pero alam naman nating maraming itinatagong sekreto si Calvin. Hindi ko pa siya gaanong kakilala kaya natatakot ako na baka kung anong pwedeng gawin niya kay Kaci.
"Oh, ayan na pala sila eh." napatingin ako sa kung saan nakaturo si Spencer. Nakangiti silang dalawa habang nag uusap.
"Hi guys!" napatigil ang mga katabi ko sa ginagawa nila nang batiin kami ni Kaci. Ibang iba ang ngiti niya.
"Ano.. Kilala niyo naman si Calvin hindi ba? Naalala ko na kasi kung sino siya. Kaya pala tuwing nakikita ko siya parang pamilyar siya sakin dahil matagal ko na pala siyang kilala." nakangiti pa ring sabi ni Kaci.
"Si Calvin pala yung kaibigan ko noong bata ako." Bakit ganito? Pakiramdam ko naungasan ako ni Calvin dahil mas una niyang nakilala si Kaci kahit na alam ko namang mas lamang ako sa puso ni Kaci.
"Oh talaga. Great." parang walang buhay na sabi ni Spencer.
Nanatili lang akong tahimik habang nakatingin sa kawalan. Nagsabay sabay naman ngayon ang problema ko. Bakit ba hindi nauubos ang mga ito. Idagdag pa 'tong pagiging magkaibigan pala ni Kaci at Calvin.
Tch, oo na nagseselos na ako.
"Renji okay ka lang?" napatingin ako kay Kaci. Buti naman napansin niya na ako. Akala ko kasi mananatili siyang nakatingin at nakangiti dito kay Calvin.
"Okay lang." simpleng sabi ko. Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone. Kinuha ko ito bago tingnan, tumatawag si Daddy.
Tumayo ako sa pagkakaupo ko, "Excuse me." hindi na ako nag abala pang tumingin kay Kaci o ano at lumayo na sa lugar na iyon.
"Hello, Dad?"
[Renji, tinawagan ako ni Kyungsoo kanina.]
Agad akong kinabahan. Sa boses palang ni Daddy alam ko ng hindi maganda ang ibabalita niya sakin pero sana..sana mali ang iniisip ko.
"Anong sinabi ni Tito?"
[The court denied your case about terminating your adoption paper.]
Pakiramdam ko nanlumo ako sa sinabi ni Daddy. Ito nalang yung pag asa ko para maging masaya kami ni Kaci, bakit parang may tumututol.
[The only way na makakalaban tayo sa korte ay kapag nakita na natin ang tunay na tatay mo.]
"How? Ni wala nga atang nakakakilala sa kanya kaya paano natin mahahanap ang taong ayaw namang magpahanap?!'
Mariin akong napapikit, napagtaasan ko ng boses si Daddy.
"Sorry Dad, hindi ko lang napigilan ang nararamdaman ko."
[I know how you feel, Renji. Don't worry, hindi tayo titigil. Hahanapin natin ang tunay na tatay mo. Lahat ng posibleng maging tatay mo kakausapin namin. Hindi dito matatapos ang lahat.]
Huminga ako nang malalim bago magsalita.
"Thanks Dad."
Matapos kong sabihin iyon ay ibinaba ko na ang cellphone ko. Muli akong napatingin kay Kaci, masaya pa rin siya habang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan namin. Napakunot ang noo ko nang makita kong wala na doon si Calvin. Umalis na kaya siya?
"Aww, too bad." napatingin ako sa harapan ko, doon ko nakita si Calvin na nakasandal sa pader habang umiiling iling.
"Kanina ka pa diyan?" tinaasan niya ako ng isang kilay niya. "Medyo? Gustong gusto ko kasing pinapanood ang mga drama mo sa buhay. Alam mo 'yon? Ang sarap makitang nahihirapan ka." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Lahat ba ng masasamang ugali nasalo niya at punung puno siya ng pait sa buhay?
"Ano bang problema mo at lagi mo nalang sinisira ang buhay ko? Bakit ba pilit mong iniinvolve ang sarili mo sa buhay ko?" seryosong sabi ko sa kanya. Ngumiti lang naman siya.
"Kasi matagal na akong involve diyan." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko tuloy mapigilang sabihin ito sa kanya. "Bakla ka ba?" tumawa siya sa sinabi ko. I have no time for jokes pero paano nga kung bakla siya kaya gumagawa siya ng mga bagay para mainvolve sa buhay ko kahit hindi naman dapat siya mainvolve.
"Ako? Hindi. Mamahalin ko ba si Kaci kung bakla ako? Ang laki na nga ng problema mo nakuha mo pa talagang magpatawa." Hindi naman iyon biro eh. Seryoso ako nang itanong ko iyon sa kanya.
"Hindi kaya ginagamit mo lang si Kaci para—"
"Ganyan na ba kataas ang tingin mo sa sarili mo? Hindi ako bakla, lalaki ako. Baka nga mas lalaki pa ako sayo." muling bumalik ang pagkaseryoso sa mukha ko. "Alam kong nagseselos ka samin ni Kaci, well masanay ka na dahil dadating ang panahon araw-araw mo na kaming makikitang magkasama, lagi." napakuyom ang kamay ko dahil sa sinabi niya. Nanatili akong tahimik, kaylangan kong kumalma.
"Kung inaakala mo na dahil mas una mo siyang nakilala kaysa sakin ay maaagaw mo na siya sakin, nagkakamali ka. We have a special bond, hindi mo mapapantayan iyon kahit childhood friend ka pa niya." nakita kong nawala ang ngiti sa labi niya pero agad din nama niyang binawi ito at ngumiti ng pilit.
"Hindi ba't dapat sayo ko iyan sabihin? Magkaibigan kami noon pa. Nakalimutan lang niya ako dahil sa isang aksidente gayon pa man nagawa ko pa ring ipaalala sa kanya ang lahat. Una akong dumating sa buhay niya kaya mas malaki ang parte ko sa puso niya." malapad na ngumiti si Calvin bago ako tingnan ng diretso. "At bago ka mangarap na mapapasayo nga si Kaci bakit kaya hindi mo muna ayusin ang gulo ng pamilya mo. Paano kayo magiging masaya ni Kaci kung hindi kayo pwedeng dalawa dahil magkapatid pa rin kayo, sa papel." ngumisi si Calvin. Gusto ko siyang suntukin pero mas pinili kong manahimik nalang.
"Alam mo Calvin, kung wala ka namang maitutulong sa sinasabi mong 'mga problema' ko mas mabuti pang wag ka na lang ring mangealam." pilit akong ngumiti sa kanya. Aalis na sana ako kaya lang muli na naman siyang nagsalita.
"Bakit kita tutulungan? What I mean is, bakit ko tutulungan ang kaaway ko?" Tiningnan ko ulit si Calvin. Nakadikit pa rin sa labi niya ang ngiting nang iinsulto.
"Kaaway? Oo nga pala, iyan nga pala ang tingin mo sakin. Wag kang mag alala kaya kong lusutan 'to kahit walang tulong mo. Alam kong may alam ka pero dahil kaaway mo ako hindi mo nga naman ako tutulungan." tumawa si Calvin na para bang joke ang sinabi ko.
"Marami talaga akong alam pero alam mo nagbahagi na ata ako ng kaalaman sa taong malapit sayo. Wag ka kasing bulag at nakatuon lang kay Kaci ang buong atensyon mo. Malay mo nalapit na pala sayo ang kasagutan sa mga katanungan mo hindi mo lang pinapansin." tinaasan ko ng isang kilay si Calvin.
"Bakit parang biglang gusto mo akong tulungan." lumapit sakin si Calvin bago umiling.
"Hindi kita gustong tulungan, sadyang nabo-bored lang talaga ako dahil ang bagal mong kumilos. I want another thrill." ngumisi ito bago tapikin ang balikat ko at umalis.
Bakit ba ang daming alam ng taong iyon, ano bang kaugnayan niya sa buhay ko?
Author's Note:
I have a very sudden announcement guys. Matatapos na ang story na ito. Sa tingin ko ay hindi ko na kayang pahabain pa ito. Look, hindi na nga ako masyadong nakakapag update. Haha nauubos na rin kasi ang ideya ko at hanggang doon nalang talaga ako. Okay na siguro iyon kaysa hindi ko ito tapusin hindi ba?
Thank you sa mga patuloy na nagbabasa kung meron pa man. :)

BINABASA MO ANG
Escaping The Game
ChickLitNo Softcopies| No Compilation|| On-Going [Game of Love Series #2] "I got ice in my veins, blood in my eyes. Hate in my heart and love in my mind" -Escaping The Game Note: This story is full of fiction. Any part of this story should not be reproduced...