Escape [19]

3.5K 117 10
                                        

KACI

Agad akong tumakbo papalayo sa lugar na iyon. Baka makita n'ya ako, baka kapag nakita n'ya ako kung ano na namang gawin n'ya sakin. Baka ngayon magtagumpay s'ya sa gusto n'ya.

Agad akong napayakap sa sarili ko, hindi ako papayag, hindi s'ya magtatagumpay.

Tumakbo ako nang tumakbo habang lumilingon sa likuran dahil baka sinusundan n'ya ako. "Natatakot ak—" Agad akong napatumba nang may makabangga ako. Agad ko s'yang tiningnan dahil baka s'ya yung kidnapper.

"Kaci.." nang makilala ko kung sino s'ya agad akong tumayo at niyakap s'ya. Umiiyak na rin ako sa sobrang takot, wala eh, natrauma na ako. "Bakit ka umiiyak Kaci? Atsaka bakit ka tumatakbo? Saan ka ba galing?" sunod sunod na tanong n'ya.

Pinakalma ko ang sarili ko bago humiwalay sa yakap at sagutin s'ya "N-Ninong Chanyeol, n-natatakot po ako" napakunot ang noo n'ya sa sinabi ko. "Natatakot ka saan?" gusto kong sabihin sa kanya na naandyan yung isa sa mga kumidnap sakin noon pero hindi ko magawang makapagsalita.

Nanatili lang akong nakayuko at tahimik "Halika nga, punta muna tayo sa isang café para kumalma ka" inalalayan ako ni Ninong hanggang makapasok kami sa isang café.

"Anong gusto mo?" tiningnan ko lang si Ninong, nakita kong ngumiti s'ya sakin bago pumunta sa counter para umorder. Alam na nila Ninong kung anong gusto ko dahil kilalang kilala na nila ako, dahil simula bata ako sila ang naandyan para sakin kapalit ng tatay ko.

Agad akong napailing sa naisip ko, bakit ko nga ba iniisip pa ang tatay ko eh tinapos ko na nga ang lahat sa kanya "Okay ka lang ba, Kaci?" napatigil ako at napatingin kay Ninong na may hawak na tray. Dahan dahan akong tumango at tinulungan s'ya.

Ibinili n'ya ako nang isang strawberry smoothie. Sabi sa inyo eh, alam nila ang gusto ko. "Now, tell me. What's the matter?" huminga ako nang malalim bago ko s'ya tingnan nang diretso.

"Ninong, kilala n'yo kung sinong tatay ko diba?" hindi n'ya naipagpatuloy ang pag inom n'ya nang kape dahil sa itinanong ko. Halata mo ring gulat na gulat s'ya. "Ahm.." ngumiti ako bago umiling sa kanya.

"No need to lie, Ninong. I know everything, just answer me" dahan dahang ibinaba ni Ninong ang tasang hawak n'ya bago tumango at sumagot "Yes, we know him because he is our friend."

"Why do you need to hide it from me? Don't you think it's my right to know about my father? Why didn't you tell me?" nahihirapan ako sa sitwasyon ko. Gusto kong magpatawad pero hindi ko alam kung paano. Everytime na gusto ko s'yang bigyan ng chance bigla naman akong lalamunin ng galit ko.

"Because we promise your mother we won't tell you unless she's ready" napakagat ako sa ilalim bahagi ng labi ko at napasandal sa upuan "Alam n'yo bang dahil sa ginawa n'yo lumaki lang ang galit ko sa kanya? At ngayon hindi ko na alam kung paano s'ya patatawarin" nagulat si Ninong sa sinabi ko.

-

Inihatid ako ni Ninong sa bahay nila Tito Errol "Dito na ba kayo nakatira ngayon?" dahan dahan akong tumango sa kanya bilang sagot. Nagtatampo ako sa mga Ninong ko, alam nila ang lahat pero niisa sa kanila walang nagsabi sakin ng katotohanan hindi man lang nila naisip kung anong mararamdaman ko dahil sa pagtatago nila sakin noon.

Bumaba na ako sa kotse n'ya at pumasok sa loob ng bahay, doon ko nakita si Mama kausap sila Tita at Tito. Nagulat sila nang makita ako pero hindi ko na sila pinansin pa. Masyado pang sariwa lahat nang pangyayari at hindi ko pa kayang sagutin ang mga tanong na isasalubong nila sakin.

Dumiretso ako sa kwarto ko pero bago pa man ako makapasok tinawag ako ni Daine "Ate Kaci.." minsan may saltik talaga 'tong babaeng 'to. May pagkakataon na hindi n'ya ako tinatawag na Ate.

Escaping The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon