Escape [33]: A Confession Kiss

2.5K 97 14
                                    

KACI

"Renji!" natigilan ako nang marinig ko ang pangalan n'ya. Tumingin ako sa kanila at doon ko nakita ang dalawang lalaking nakatayo at isang babae. "R-Renji?" nagtataka kasi ako eh, kasama ba nila yung Renji? Si Renji ba 'yon o baka naman ibang tao? Pero bakit ang lakas ng kutob ko na si Renji nga iyon?

Halata mong natigilan yung dalawang lalaki at isang babae nang banggitin ko ang panagalang Renji. "Tss, sabi na nga ba eh. Hindi pwedeng hindi n'yo gagawin ang bagay na 'to. Mr. Takaki, Mr. Ogawa and Ms. Mitsui?" napakunot ang noo ko nang sabihin iyon ni Calvin at tumayo.

Dahan dahan silang humarap samin at laking gulat ko nang makita ko sila Rina, so ibig sabihin ang Renji na tinawag nila kanina ay si—

"Can you please explain it, why are you stalking us?" napatingin ako kay Calvin. Alam n'ya? Alam n'ya na sinusundan kami? Hindi kaya planado yung mga sinabi n'ya sakin kanina?

"About that, uhm.." halatang hindi nila alam ang sasabihin nila. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at nagsalita "Ano man ang rason n'yo sa pagsunod samin, mali pa rin ang ginawa n'yo." Tumingin ako kay Calvin "Kanina mo pa alam na sinusundan nila tayo diba? Hindi kaya pati yung mga sinabi mo sakin—"

Nagulat ako nang hawakan ni Calvin ang ilang hibla ng buhok ko bago ngumiti "Alam kong sinusundan nila tayo pero hindi iyon rason para magsinungaling ako sayo. Lahat nang sinabi ko totoo, ako ang first love mo at ako rin ang first kiss mo" napayuko ako sa narinig ko. Narinig kaya iyon ni Renji? Hindi kaya, umalis s'ya dahil doo—Hindi, masamang mag assume, tsaka bakit ba ganoon ang iniisip ko.

Hindi nalang ako nagsalita at tumingin kay Calvin bago magbow at umalis papalabas ng café na iyon. Naguguluhan ako, pakiramdam ko may kumikirot sa puso ko.

"Kaci" napatingin ako sa kanya at doon ko nakita si Rina. Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit sa kanya dahil sa ginawa nila. Nakakahiya rin kasi kay Calvin eh.

"May naikwento ka sakin dati tungkol kay Calvin hindi ba?" napakunot ang noo ko. Alam kong may naikwento ako sa kanya pero alin doon ang tinutukoy n'ya?

"Ang sabi mo sakin, ang Calvin na tumulong sayo ay isang mahirap lamang, hindi kaya ibang Calvin ang kasama mo kanina?" nagtataka ako sa sinabi n'ya "I mean, if he really that poor, how can he afford to study in Sky High lalo na kung wala na palang magulang na sumusuporta sa kanya" huminga ako nang malalim bago sagutin si Rina.

"Malay mo naman scholar siya kaya ga—"

"Kung scholar s'ya bakit iba ang sinabi ni Uncle Lu Han sakin noong nakausap ko s'ya kanina lang" nakausap ni Rina si Papa kanina? "Nagsisinungaling s'ya sayo, Kaci" lumapit sakin si Rina, halata mong seryoso s'ya.

"Calvin Aiden Estollas, ang anak ng may ari ng Estollas Group. Isa ring malaki at maimpluwensyang kompanya at grupo dito sa Pilipinas. Iyan ang nakuha kong impormasyon kay Tito Lu Han kanina. Ngayon sabihin mo nga, paano mo pagkakatiwalaan ang isang taong hindi masabi ang tunay n'yang katauhan sayo. May nakaraan man kayo o wala, ano man ang namamagitan sa inyo noon na hindi mo maalala kaylangan mo pa ring mag ingat. Hindi mo pa rin kilala kung sino ang tunay na Calvin. Hindi natin alam kung kalaban ba s'ya o kakampi." Hinawakan ni Rina ang kamay ko at mukha ngang nag aalala s'ya para sakin.

"Kaibigan mo ako kaya nag aalala ako sayo. Kahit sabihin natin na tinulungan ka ni Calvin na makatakas sa mga kidnapper(s) mo, sa tingin mo sapat na dahilan 'yon para pagkatiwalaan agad s'ya? Masyado s'yang misteryoso para sakin Kaci kaya nag aalala lang ako sayo, baka mapahamak ka." Matipid na ngumiti sakin si Rina.

Bakit ganon, nakaramdam ako nang kaba at kilabot dahil sa mga sinabi n'ya.

-

Umuwi na ako ng bahay, actually kasabay ko si Rina inihatid nila ako dito. I wonder kung naandito na si Renji "Sila Mama po?" tanong ko kay Yaya Pia. Ngumiti muna s'ya bago sumagot "Umalis po, kasama po si Sir Errol, ang Papa n'yo naman po may pinuntahan kasama sila Sir Lay" tumango tango ako.

Aalis na sana ako doon nang may maalala ako "Si Renji po?" muling ngumiti si Yaya Pia bago ako sagutin "Nasa kwarto n'ya po" nagbow s'ya sakin bago umalis. Napatingin ako sa 2nd floor ng bahay. Nakauwi na pala si Renji, buti naman.

Papasok na sana ako ng kwarto ko nang maramdaman kong magbukas ang pintuan ng kwarto ni Renji. Agad akong napalingon doon at nakita kong papalabas na si Renji ng kwarto n'ya. Tiningnan n'ya lang ako bago maglakad papalayo.

Bumigat ang paghinga ko sa ginawa n'ya kaya hindi ko napigilang hindi s'ya sundan. Nang maabutan ko si Renji, hinawakan ko ang kamay n'ya at pilit s'yang pinigilan. "Renji.." hindi s'ya nagsalita, ni hindi nga man lang n'ya ako nilingon eh. Galit ba s'ya? Pero bakit, ano bang ginawa kong masama?

"I-Ikaw ba yung kasama nila Rina kanina?" dahan dahan s'yang humarap sakin at hinawakan ang kamay ko bago tanggalin iyon sa pagkakahawak sa kamay n'ya "Nahuli pala sila?" bakit parang ang sarkastiko ni Renji ngayon? Iba rin ang aura na bumabalot sa kanya.

"Ako nga. Nadamay lang naman ako sa kalokohan nila eh. Hindi ko talaga intensyong sumama" nagulat ako dahil ang cold cold ng pananalita n'ya, galit nga kaya s'ya?

"Alis na ako" tatalikuran n'ya na sana ako nang higitin ko ulit s'ya "Ano bang nangyayari sayo? Galit ka ba? Bakit ka naman magagalit sakin? Anong dahilan, Renji?! Sabihin mo para naman may alam ako hindi yung ganito, basta ka nalang magiging cold sakin dahil sa hindi ko malamang dahilan—"

"Gusto mong malaman? Sige! Dahil ayokong nakikita kang malapit kay Calvin. Sinubukan kong pigilan ka pero wala eh, wala akong magawa. Nalaman ko na s'ya ang first love at first kiss mo kaya ano sa tingin mo ang mararamdaman ko? Malamang magseselos ako pero wala naman akong karapatan hindi ba? Pero ano bang magagawa ko eh mahal ki—" natigilan si Renji sa sinabi n'ya. Ultimo naman ako eh, hindi ko alam kung ano bang dapat maging reaksyon ko. Totoo ba 'tong naririnig ko mula kay Renji?

"N-Nagseselos ka?" bakit ganoon, parang ang saya ko sa narinig ko. Ang saya ko kasi nagseselos si Renji, pero hindi ba mali 'to? Hindi ko dapat maramdaman 'to eh.

Umiwas nang tingin si Renji "Wala akong sinabi, k-kalimutan mo nalang 'yon" Natatawa ako sa reaksyon ni Renji, namumula kasi ang pisngi n'ya. Ang cute~

"Ah..Hahahaha!" hindi ko napigilan at natawa nalang ako sa itsura ni Renji. Nagseselos s'ya? Kanino naman, kay Calvin? "Haha, sorry. Ganyan ba magselos ang isang kapatid? Yaa! Kuya. Hahaha" natatawa lang talaga ako, pasensya na "Aish" aalis na naman s'ya ano ba 'yan.

"Haha, sorry na hindi ko naman sinasadyang pagtawanan ka eh. Hindi ko lang talaga mapigilan. Ang cute mo eh" sinimangutan n'ya ako dahil sa sinabi ko. "Pinagtatawanan mo ang nararamdaman ko?" tiningnan ko s'ya kaya lang biglang naging awkward.

"T-Totoo ba 'yon?"  napaiwas ako nang tingin sa kanya "Yung sinabi mo kanina, t-totoo?" palihim akong tumingin sa kanya.  Nakita kong nahihiya rin s'ya, iwas na rin ang tingin n'ya.

"O-Oo, nasabi ko na rin naman eh, pointless na kung itanggi ko pa" bigla s'yang tumingin sakin sanhi para magulat ako "Mahal kita, hindi ko rin alam kung kaylan pero naramdaman ko nalang bigla. Ewan" nagkibit balikat s'ya bago tingnan ako nang diretso "Alis na ako" nakangiti n'yang sabi sakin.

Aalis na sana s'ya pero ewan ko ba hinawakan ko yung laylayan ng damit n'ya. "Hmm.." huminga ako nang malalim bago s'yang tingnan ng diretso. "D-Don't go" umiwas ako nang tingin bago ulit magsalita "Hindi ko pa rin alam kung ano 'tong nararamdaman ko kaya hindi pa ako makasagot sa nararamdaman mo para sakin pero please, wag mo akong iwan" nakatungo lang ako. Hindi ko alam kung saan ako nakakahugot ng lakas ng loob para sabihin 'to.

"Baka" (Japanese word) bigla n'ya akong binatukan ng mahina. "Huh?" nagtataka kong sabi. Teka nga anong sabi n'ya—"H-Hindi ako baka!" sigaw ko sa kanya. Tawagin daw ba akong baka, hindi naman ako—"Hahaha. Stupid. Hindi baka na hayop, 'baka' Japanese word for idiot" naramdaman kong hinawakan n'ya ang kamay ko.

"Hindi ako aalis, pupunta lang ako sa sala. Alam kong hindi ka pa handa pero handa akong maghintay. Sa ngayon panindigan muna natin na magkapatid tayong dalawa" hindi ko man s'ya masyadong nagets tumango pa rin ako.

Ngumiti s'ya sakin, magkatitigan lang kami ng ilang minuto nang bigla n'yang hawakan ang magkabilang pisngi ko. Dahan dahan s'yang lumalapit sakin, at dahan dahan ko ring ipinipikit ang mata ko.

"I love you"

Ang sunod ko nalang naramdaman magkalapit na ang labi naming dalawa.

Author's Note:

Hahaha umamin si Renji! Sorry na, ayaw n'yo pa eh this is the moment na nga! Salamat sa lahat nang nagbabasa. Iloveyou all :*

Escaping The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon