Escape [13]

3.8K 114 8
                                        

RENJI

"H-Harumi?!" nakangiti s'ya habang ako naman ay gulat na gulat. Dahan dahan s'yang lumapit sakin at niyakap ako "Miss me?" hindi ko alam ang dapat kong maging reaksyon. Anong ginagawa n'ya dito? "What's with the face, Renji-kun?!" kumawala s'ya sa yakap at tsaka nag-pout.

Natauhan ako at lumapit sa kanya "I'm just..surprised" tumingin s'ya sakin, nakanguso pa rin. "Ano ba kasing ginagawa mo dito?" katulad namin ni Rina marunong din s'yang magtagalog kahit papaano dahil may lahi pa rin naman s'yang Filipino.

"Why? Don't you want to see me?" huminga ako nang malalim bago s'ya hawakan sa magkabilang pisngi n'ya "No, actually I really want to see you. But really, what are you doing here?" ngumiti s'ya sakin bago n'ya ulit ako yakapin.

"Business" tumango ako nang sagutin n'ya ako. So it's all about business huh? "Hey, are you disappointed?" hindi nalang ako sumagot at pinilit ko ang sarili kong ngumiti.

"Haru?" napatingin kaming dalawa sa lalaking tumawag sa kanya "Tito!" agad s'yang tumakbo kay Daddy at niyakap ito "Wow, it's been a while Haru" napangiti nalang ako nang makita ko silang dalawa. Close talaga sila 'no?

"When did you arrived?" tumawa si Haru, ang cute n'ya talaga "This morning" tumango si Daddy "Ah, did you already eat dinner? Want to join us?" nagthumbs up ito bago tumingin sakin at ngumiti.

"Let's go, Renji. Wag mong titigan si Haru" napailing nalang ako habang tumatawa dahil sa sinabi ni Dad.

Habang kumakain kami ng dinner hindi namin maiwasang magkwentuhan "So, anong palang dahilan at bigla kang umuwi dito?" nanatiling nakangiti si Harumi "Business, Tito. May business kasi na gustong ipatayo dito si Papa. Ako yung nautusan n'ya para i-monitor 'yon" napatingin ako kay Harumi, business pala kaya s'ya naandito.

"Paano school mo?" Tanong sa kanya ni Daddy.

"Bakasyon naman po ako ngayon eh kaya mas mapagtutuunan ko po yung business ng pansin" napakunot ang noo ko sa sinabi n'ya. So, kaya pala naandito s'ya ay para lang talaga sa business n'ya? Lagi nalang ganito ah.

"Sinong kasama mo pag uwi dito? Kasama mo ba ang Papa mo?" umiling ito bago magsalita "Hindi po, si Mama po ang kasama ko. Baka po next week pa si Papa para umattend ng meeting" puro business nalang talaga.

Tumayo ako dahil wala na akong ganang kumain ngayon "I'm full. Excuse me" halata mong nagulat si Daddy sa naging kilos ko, nginitian ko nalang s'ya bago umalis.

Akala ko pa naman kaya s'ya naandito ay para sakin, para kahit papaano malayo kaming dalawa sa business world, mali pala ako nang akala ko.

"Renji.." napatigil ako sa paglalakad. Sinundan n'ya pala ako? Nakaramdam ba s'ya na nagseselos ako sa trabaho n'ya?

"I'm sorry" nilingon ko s'ya at doon ko nakitang nakatungo s'ya "Alam mo ba kung bakit mo kaylangang magsorry?" dahan dahan s'yang tumingin sakin bago umiling. Napangisi ako dahil sa naging reaksyo n'ya. Lagi nalang ba kaming ganito? Lagi nalang ba naming pag aawayan ang kakulangan n'ya sa oras para sakin?

"Then, don't act and say sorry like you know the reason" tinalikuran ko na s'ya at pumasok sa kwarto ko. Nasira ang gabi ko, akala ko pa naman magiging masaya ako at kalmado dahil dumating s'ya, nagkamali na naman ako.

Mabait si Harumi, oo. Understanding s'ya at sweet, oo pero hindi n'ya maintindihan na kaylangan ko rin ng oras n'ya.

-

Pagpasok ko sa school agad kong hinanap sila Rina at Kaci. Sila lang kasi talaga ang sinasamahan ko dito sa school. Ayokong makipagbarkada sa mga bully kong kaklase. Isa pa tinatago ko kasi ang sekreto kong ako 'daw' ang tagapagmana ng school na 'to.

Escaping The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon