HARUMI
"Nice to meet you" iyon na lamang ang nasabi ko nang marinig kong banggitin ni Renji ang pangalan ko. Actually, hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari nang malaman ni Papa na wala na kami ni Renji.
Tanggap ko naman talaga na hindi na ako yung gusto n'ya eh, pero si Papa ayaw n'yang basta ko nalang pakawalan si Renji. Malaki daw kasi ang maidudulot nito sa kompanya namin. Ang akala kasi ni Papa, umiikot ang lahat sa business.
Kaya ito ako ngayon, nasa Sky High at magsisimula nang mag aral dito dahil nga sabi ni Papa kaylan ulit naming mapalapit ni Renji na hindi ko naman balak gawin. Nginitian ko si Rina nang magtama ang paningin naming dalawa. Mukha ngang pati s'ya gulat na gulat eh, ultimong ako.
Napatingin ako sa isang babae na katabi n'ya, maganda s'ya at kung hindi ako nagkakamali ay s'ya ang babaeng nakita kong kasama n'ya noong araw na dapat ay date naming dalawa ni Renji. S'ya siguro si Kaci.
"Please take a seat beside Mr. Estollas" tiningnan ko si Ma'am, hindi ko naman kasi kilala yung Mr. Estollas na tinutukoy n'ya eh. Apat na estudyante lang ang kilala ko dito, siguro idamay na natin si Kaci. "I mean, take that seat" tumango ako bago magtungo sa upuan na tinutukoy ni Ma'am.
Nginitian ko yung bago kong seatmate at ngumiti rin naman s'ya sakin. "Hi, Harumi nga pala" tumango s'ya at ngumiti ulit "Calvin" simpleng sabi n'ya. Mukhang madadagdagan na ang kaibigan ko dito ah?
Napatingin ako kay Renji, nakatingin s'ya samin at kunot ang noo. Anong ibig sabihin non?
-
Nang matapos ang ilang subject namin, nagkaroon kami ng breaktime. Buti hindi ako masyadong naninibago dito at buti hindi ako irregular.
"Harumi" napatigil ako sa paglalakad ko at nilingon kung sino man ang tumawag sakin. "R-Renji?" Totoo ba 'to? Kasi expected ko na since nagbreak na kami hindi na n'ya ako papansinin. Ganoon kasi ang mga nababasa ko sa mga novel eh. Baka hindi bitter si Renji?
"A-Ano 'yon, Renji?" natataranta ako, kahit naman kasi break na kami ni Renji mahal ko pa rin s'ya kaya everytime na nag uusap kami nang ganito hindi ko pa ring maiwasang kabahan.
"Sumama ka sakin" sumunod ako sa gusto n'ya. Sinundan ko kung saan s'ya pumunta at napadpad kami dito sa tahimik na corridor ng school.
"Bakit?" nanatili s'yang nakatalikod sakin. Ano bang problema ni Renji? Nagulat ako nang bigla s'yang humarap sakin at seryoso ang itsura n'ya "Si Calvin, I mean yung seatmate mo pwede bang iwasan mong mapalapit sa kanya?" hinawakan ni Renji ang magkabilang braso ko habang seryosong nakatingin sakin.
Bakit ako pinapalayo ni Renji kay Calvin? Hindi kaya..
"Ah, tch!" napatingin kami roon at nakita namin ang isang babae. Mukhang nakikinig s'ya sa pinag uusapan namin "Kaci.." nagulat ako nang makilala ko iyon. Tama s'ya si Kaci.
"S-Sorry" agad s'yang tumakbo papalayo samin. Naramdaman kong tinanggal na ni Renji ang pagkakahawak sa braso ko at binalak sundan si Kaci kaya lang tumigil muna s'ya saglit.
"Sinasabi ko 'to dahil nag aalala ako sa pwede n'yang gawin sayo. Bilang kaibigan, ayokong mapahamak ka. Masyado pang misteryoso ang taong 'yon" pagkatapos n'yang sabihin iyon sakin agad na rin s'yang umalis at mukhang sinundan si Kaci.
Tama, kaibigan. Kaibigan na nga lang pala ang status namin ngayon. Dahil si Renji, may ibang tao nang minamahal ngayon at hindi ako ang taong 'yon. Ang swerte mo Kaci, ang swerte mo kasi ni-let go ni Renji lahat ng pinagsamahan namin para sayo.
KACI
"Saan tayo ngayon Kaci? Cafeteria nalang?" hindi ako agad nakasagot sa tinatanong ni Rina dahil may gumugulo sa isip ko. "Hoy, para akong walang kausap ah?" napalingon ako kay Rina "Sorry, may pupuntahan lang ako saglit. Mauna ka na sa cafeteria" agad akong tumakbo papalayo sa kanya.
Nakita ko kasi kanina si Renji at Harumi na magkasama, nang makita ko 'yon hindi na ako mapakali. May nagtutulak sakin na sundan silang dalawa. Ewan ko ba pero ang bigat ng nararamdaman ko ngayon.
"Si Calvin, I mean yung seatmate mo pwede bang iwasan mong mapalapit sa kanya?" napatigil ako nang marinig ko iyon. Sila na nga siguro 'to. Sumilip ako at nakita ko na nakahawak si Renji sa magkabilang braso ni Harumi at seryosong nakatingin sa kanya.
Hindi ko masabi kung masaya ba si Harumi sa narinig n'ya. Hindi kaya nagseselos si Renji dahil si Calvin ang katabi ni Harumi? Akala ko ba, wala na sila? Baka naman nag aassume lang ako na ako talaga ang mahal ni Renji pero ang totoo, si Harumi pa rin pala.
"Ah, tch!" paano ba naman, nakalikha ako nang ingay dahil sa may nadanggi akong bote. Hindi ko na siguro napansin kasi ang lalim ng iniisip ko.
"Kaci.." napatingin ako sa kanila, pareho na silang nakatingin sakin. Ano ba 'yan, nakakahiya. Naistorbo ko pa ata silang dalawa. "S-Sorry" hindi ko na kasi alam ang dapat kong sabihin kaya agad na akong tumakbo papalayo. Bakit? Bakit pakiramdam ko gusto kong maiyak sa nakita ko. Wala eh, umasa kasi ako na ako na ang gusto ni Renji, siguro nga. Nag assume lang ak—
"Agh!" hinawakan ko ang tuhod ko. Ang malas ko naman ngayon, nadapa pa. Ang lampa lampa mo Kaci! Naiinis ako sa sarili ko.
"Bakit ba kasi sinabi ko pa sa kanya na hindi pa ako handa gayong alam ko naman sa sarili ko kung ano ba talagang nararamdaman ko para kay Renji."
Pinunasan ko ang mga luhang bumabagsak galing sa mata ko, naiyak na pala ako. Naiyak ako dahil nasasaktan ako, umiiyak ako dahil nakita ko si Harumi at Renji na magkasama kanina. Umiiyak ako dahil nagse—
"Ayan kasi" napatingin ako sa kanya. Nakita ko si Renji sa harapan ko. Lumuhod s'ya at tiningnan ang tuhod ko "Okay ka lang?" hindi ako nakasagot sa kanya dahil nagulat ako sa biglang n'yang pagsulpot.
"Tss" natauhan ako nang makita kong ngumisi s'ya "T-Teka..R-Renji!" Nagsimula na akong mataranta nang bigla n'ya akong buhatin "Ano bang ginagawa mo?!" pinipilit ko s'yang ibaba ako pero mukhang ayaw n'ya. "Binubuhat ka, baka hindi ka makalakad dahil sa pagkakadapa mo eh" napapikit ako nang mariin. Ginagantihan n'ya ba ako dahil sa pakikinig ko sa kanila ni Harumi?
"Ibaba mo nga ako, kaya ko naman maglakad eh. Isa pa baka makita tayo ni Harumi mahiya ka nama—" naramdaman kong ibinaba n'ya ako "Ayon, so si Harumi ang dahilan kung bakit ka tumakbo at mukhang iniiwasan pa ako. Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin, nadapa ka tuloy" natatawa n'yang sabi. Nagawa pa akong pagtawanan.
"May nakakatawa ba?" pinagpagan ko ang sarili ko para matanggal ang ilang dumi sa damit ko "Ang cute mong magselos" nagulat ako sa sinabi n'ya at hindi ko ring maitatangging namula ako dahil don.
"Excuse me, ako ba yung sinasabihan mo na nagseselos? Para sa kaalaman mo Mister Renji Mitsui, hindi ako nagseselos sa inyong dalawa ni Harumi. Kung gusto mo magsama pa kayo" Tinalikuran ko s'ya. Nakakainis naman kasi eh, ako nagseselos? Hahaha!
"So, hindi ka nagseselos?" umiling ako sa sinabi n'ya. Hindi naman talaga "Sige, balikan ko na si Harumi ha? Nakakahiya naman kasi sa kanya eh, iniwan ko s'ya para habulin ka. Siguro by now kaylangan n'ya ako sa tabi n'ya. Tutal sabi mo naman kahit anong gawin naming dalawa hindi ka magseselos" nang marinig ko ang yabag n'ya agad akong napalingon sa kanya. Seryoso? Babalikan n'ya si Harumi?!
"Renji!" hindi ko alam pero hinabol ko s'ya at niyakap s'ya (backhug). "Oo na, nagseselos na ako! Hindi ko naman kasi alam na ganito ang mararamdaman ko kapag nakita ko kayong dalawa na magkasama. Natakot ako na baka maguluhan ka sa nararamdaman mo dahil naandyan na ulit si Harumi. Natakot ako..natakot ako na baka iwan mo nalang ako bigla at bumalik sa tabi ni Harumi" Wala nang bawian 'to, nasabi ko na.
Naramdaman kong hinawakan n'ya ang kamay ko bago tanggalin ang pagkakayakap ko sa kanya at humarap sakin. "Edi, umamin ka rin. Nagseselos ka nga. Haha, ang cute mo" pinisil n'ya ang pisngi ko "Wag kang mag alala dahil ito, sayo lang 'to" sabi n'ya habang tinuturo ang dibdib n'ya kung saan nakapwesto ang puso ng tao.
"Tara na, nagugutom ako." Bigla n'ya akong hinila. Wala na naman akong nagawa kung hindi ang sundan s'ya. Sana, sana ganito lang kaming dalawa. Ayoko ng malayo kay Renji, pero tuwing naiisip ko na adopted son s'ya ni Papa, hindi ko maiwasang masaktan. Alam ko dadating ang panahon, maghihiwalay ang landas naming dalawa ni Renji.
Author's Note:
Hoho, ang thweet~! Haha. Ayan na, hindi naman pala talaga kontrabida si Harumi eh. Ayiee~! More KaNji moments pa ba? CalCi naman? Haha. Teka, sino na bang nakakahula kung sino si Calvin? Tapos ko nang pag aralan ang batas tungkol sa adoption kaya ihanda n'yo na ang sarili n'yo. Hahaha.
BINABASA MO ANG
Escaping The Game
ChickLitNo Softcopies| No Compilation|| On-Going [Game of Love Series #2] "I got ice in my veins, blood in my eyes. Hate in my heart and love in my mind" -Escaping The Game Note: This story is full of fiction. Any part of this story should not be reproduced...
